PALMISTRY 224 ni Sir Govinda Jeremaya

0
312
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Liz E. Jacinto

Pahula po! Sa Palad po!

                  Liz.

Saiyo Liz,

Kitang –kita ang mahahaba mong fingers . Kita rin ang ilang mahahalagang guhit sa palad mo.

1)     Malaki ang sakop ng iyong The Life Line.

2)     Ikaw ay may The Straight Head Line

3)     Maiksi ang iyong The Heart Line.

4)     May The Sun Line ka.

5)     At may Bussiness Line ka rin.

6)     Mayroon ka ring Rays Of Venus.

Ang malaki ang sakop ng The Life Line ay para sa mga taong malayo ang mararating sa buhay na sa simpleng kahulugan magkakaroon ka ng successful life.

Ang The Straight Line ay para sa mga taong uunahin ang pagyaman kaysa sa iba panga

speto ng kanilang life kaya sila rin ang magsisiyaman.

Ang maiksing The Heart Line ay para sa mga taong ,sa totoo  lang, ay hindi marunong

magmahal.

Dito sa hindi marunong magmahal , sure na ito ay hindi mo magugustuhan kaya lang ito ang

kahulugan kaya ito ang aking inilagay. Dahil saiyo ang mga hindi marunong magamahal ay ang mga minahal mo pero hindi naman  nakaayon sa depinisyon mo para sa tunay na Pagmamahal.

Ang The Sun Line ay para sa mga taong sikat at papasikat ka  at  patuloy na sisikat hanggang sa siya ay nabubuhay, kaya ikaw ay mapapabilang sa mga “sikat na tao.”

Alam mo, Liz, ang salitang “sikat” ay ,sa totoo lang ,ay para sa mga bituin or stars kaya sa maniwala ka o sa hindi , ikaw ay  tulad ng isang bituin na tinitingala dahil sa ganda at ningning.

Dahil taglay mo rin ang bussiness line sa ayaw mo o sa gusto mo, tiyak na ikaw ay magkakanegosyo ay aasenso ang negosyo mo kung  talagang  gusto mong magnegosyo pero kung hindi buo ang  loob mo o ayaw mo o medyo ayaw mo,ipinauuna na malulugi ka.

Ang nakitang The Rays Of Venus sa palad mo ay mga guhit na nagsasabikng marami ang lihim at lantad na magkakagusto saiyo habang lumalakad ang mga panahon mo.

Kaya ang kabilin-bilinan ng iyong kapalaran, huwag na huwag kang  tutulad sa iba na mabilis na naiinlove dahil sa ang salita ay “marami” ay kapag mabilis ka maiinlove darami lang ng darami ang iyong makakarelasyon na  isang pangyayari sa buhay mo na maaaring maging sanhi ng pagkawala ang iyong ningning.

Kaya piliin mo lang at maging maselan ka sa pagpili na kung sino lang ang makakatulong sa mga ambisyon mo siya ang mahalin mo. Kung sino lang  ang papakinabangan siya lang ang gawin mong bahagi ng iyong buhay.

Sa madaling salita kaya lang medyo masakit na madinig ng iba , “Huwag na huwag lang papagamit!” Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleNUMEROLOGY 10
Next articleANG SIKRETO NG PUNSOY: Ang Enerhiyang Sha
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here