PALMISTRY 223 ni Sir Govinda Jeremaya

0
349
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Habibi Habibi.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

  Pwede po bang magpahula sa Palad?

                   Habibi.

Saiyo Habibi,

Ang mga guhit ng palad mo ay mga guhit na isang taong yayaman. Hindi na natin iisa –isahin pa dahil ang lahat ng guhit na iyong makikita ay iisa lang ang kahulugan na ito ay, muli ,ikaw ay yayaman.

Kapag may Power ang tao , marami siyang karelasyon , kaya nga makikita natin ang lantad na katotohanan na kung sino ay may kapangyarihan siya ang maraming asawa,kabit at bawal napag-ibig , dahil akala ng marami masarap silang mahalin.

Kapag ang tao ay mayaman , ganundin , sangkatutak o hindi na mabilang ang  kanilang asawa,kabit at karelasyon dahil  ganundin, akala ng marami masarap silang mahalin.

Kapag ang tao sa biglang tingin ay maganda ,marami ang nagnanasa dahil akala nga rin ng marami ,masarap silang mahalin.

Sa huli,madidiskubre ng kanilang mga partners na fake lang pala ang pagmamahal na ipinakikita ng may power ,mayaman at ng sa biglang tingin ay maganda. Kaya sa huli, malalaman na na sa lahat pala ng klae ng tao ang mga ito ay pinakawalang kwentang mahalin.

Kung ganun, ano ba talaga  ang batayan sa kung sino ang masarap na mahalin?

Sa kasaysayan ng mundo , ang unang-unang pinangarap ng lahat ay ang  makarelasyon ay Prinsipe, Prisesa, Hari at Reyna at ang iba pang may hawak ng matataas na ranggo sa lipunan. Kaya nga mga sikat na kwernto noon ay ang mga kasaysayan ng  pagmamahalan ng prinsipe at ng pangkaraniwang dalaga.

Sa pag-unlad ng mundo nabago na rin ang  naging pananaw ng mga tao , dahil ang mas ginuusto na ay mga mayayaman at may malalawak na lupain at  kabuhayan. Kaya sa kasaysayan  ang tinatawag na “dote” ay  makikitang nauso sa panahon iyon . Ang “dote” ay ang kabuhayan na ibibigay sa panig ng pakakasalan.

Subalit ng dumarting na sa mundo ang  bahagi ng kasaysayan  na kung  tawagin ay “The Renaissance ” namulat ang lahat sa tunay na  kahulugan ng buhay. Kaya ang mga tao ay ayaw ng paalipin sa Hari , at ayaw na ring mapasailalim ng mayayaman .  Sa  panahon ito , nalantad na kung ano ang totoo at kung ano ang hindi totoo.

Napansin mo ba, Habibi, na ang pinakasikat na larawan sa kaysasayan ng isang babae na “The Portrait Of Mona Liza” ,si Mona ay mataba?

Nagulat ka ba? Hindi agad nakakilos? Nakakabigla ba? Oo ang sagot sa biglang pumasok sa isipan mo na ang mataba ay ang pinakamanda sa lahat at ang pinakamasarap mahalin.

Hindi si Sir Govinda mo ang nagsasabi nito dahil ang katotohanang ito ay ang mismong kasaysayan ang nalalantad ay hindi naman ako.

‘Di ba mataba ka? Dahil ang mismong palad mo ay palad ng mataba. Kaya alam muna ang ibig kong sabihin, na ikaw ay ang tunay na masarap na mahalin.

Maaaring magulat din ang lahat ng makakabasa nito pero para sa mga nagmamahal na sa matataba, sila ang buhay na patunay na masarap mahalin  ang mataba . At ito ay sa lahat ng aspeto sa Love , na muli, masarap  magmahal, masarap kasama , masarap sa sexual activities at iba pang bagay na sangkap sa pagkakaroon ng  ligaya sa love. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

                                                     

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here