PALMISTRY 221 ni Sir Govinda Jeremaya

0
376
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry Reading ang request ni Che Rhi Mha.

Dear  Sir Govinda Jeremaya,

         Pwede po ba pabasa ng palad ko?

                               Che.

Saiyo Che,

Kitang –kita sa palad mo na ikaw ay may tinatawag na The Ring Of Saturn. Ang The  Ring Of Saturn ay ang guhit na papabilog na umikot sa Middle Finger.

Ito ay nagsasabing huwag kang mag-alala , huwag kang matakot at  huwag kang negatibo  dahil  ikaw ay magkakaroon ng matatag na kabuhayan.

Kaya  ang banggit ay huwag kang mag-alala ay dahil ang may The Ring Of Saturn ay makakanas na  hindi gaanong kagandahang kapalaran sa mga unangh bahagi ng kanilang buhay ng kawalang katiyakan na sila ay may magandang kinabukasan.

Kaya sinabi rin huwag kang matakot ay dahil ang mga may The  Ring Of Saturn ay makakanas na hindi bilid sa kanila ang mga mahal nila sa buhay at madidinig din nila na ang mga salitang hindi kaiga-igaya tulad ng “wala kang kwenta, wala kang pag-asa, hindi ka aasenso” at kung ano-ano pang mga salitang sobrang masakit na taenga.

Ang huwag kang negatibo ay para naman sa  hindi naman totoo ang lahat ng sinasabi saiyo dahil ang totoo ay sa huli ay hahanga saiyo ang lahat ng walang bilid saiyo dahil  ikaw ay magkakaroon ng matatag na pagkakakitaan.

At ang isa pa sa nakakatuwa sa kapalaran mo ay ang mga umalipusta saiyo ay sa huli ay mangungutang saiyo. At sila ay papautangin mo dahil masasabing may ipapautang ka naman dahil na rin sa  mas maganda ang maging kapalaran mo kaysa sa kanila.

Ang isa pang totoo, lihim kang hahangaan ng mga taong sa una ay hindi naniwala saiyo. Na ipagmamalaki ka nila at  sasabihin pa na ikaw ang dapat na maging huwaran ng mga tao. Nakakatawa, ‘di ba dahil tulad ng nasabi na sa una ay hinahamak ka nila?

Ang isa pa sa maganda sa palad mo ay ang  may pagitan o hindi magkadikit ang iyong The Head Line at ang iyong The Life Line na ang ibig sabihin, binigyan ka ng langit ng kalayaan na magawa ang gusto mo na  nangyayari lamang ito kapag ang tao ay nagsasarili na .

Kaya ito rin ay nagsasabing hindi ka habang –buhay na aasa sa ma mahal mo sa buhay dahil nga ang isa sa Hula saiyo ay magsasarili ka na may magandang buhay na nagsasabi rin sila na ang aasa saiyo.

Kaya ,  ang mga mararanasan mong sa biglang tingin ay pangit na kapalaran sa mga unang bajagi ng iyong buhay , ay  ,sa totoo lang, ay  nagpalakas saiyo, ginawa kang matibay at magiging dahilan kung bakit mas lalo mong  sisikapin maabot ang pinamataasna antas ng tagumpay.

Mahirap paniwalaan at sadyang mahiwaga ang kapalaran ng isang tao . Pero ang katotohanan ay nakaguhit sa kanyang palad na  tiyak na tiyak ding naman ng  nakaguhit ay ang magaganap at  hindi ang mga  kinatatakutan na pawang mga pananakot lang sa sarili  dahil na rin sa mga sinasabi ng  kanyang kapwa na mga mapaghusga. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here