PALMISTRY 210: Iwasan ang Utak Talangka

Tunghayan sa Palmistry 210 ang request ni Menedres Gragazin.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Pahula po sa Palmistry. Thank  you po.

                        Menendres

 

Sayo Menendres,    

Kitang-kita na  ang palad mo ay nasa tama lang na  kapal o  okey na okey ang laman. Na ang ibig sabihin,  may kalayaan kang tuparin ang mga ambisyon mo na may kinalaman sa pagpapayaman.

       Ito rin ay nagsasabing kabilang ka sa mga taong “mapapalad”. Dahil ang  tunay na kahulugan ng “mapalad” ay kitang–kita sa palad mo, as in, mapalad o malaman o maganda ang masel ng iyong palad.

       Huwag mong sayangin ang magandang palad mo, simulan mong magpayaman dahil tiyak na tiyak na yayaman ka.

       Ang isa pang  palatandaan ng  iyong   pagyaman  ay nasa iyong The Head Line dahil ito ay may sanga papunta sa The Mount of Mars na ang  mount na ito kapag tinumbok ng guhit mula sa The Head Line  ay tumutukoy sa pagkakaroon ng maraming kabuhayan at mga ari-arian.

Kapag umaasenso ang tao, maraming naiinggit sa kanya,  dahil  sa buhay ng mga Pinoy laging  nakakaranas ang umaasenso, ang mga  pangyayaring ang kapwa niya ay may “IsipTalangka.”

       Ang “talangka” ay ang maliit na alimango na nakukuha sa mga ilog sa panahon ng tag-ulan. Bihira na sa ngayon ang “talangka” dahil sa nasira na ang  ating kalikasan. Noon at sa ngayon sa ibang lugar ay may ilang mga  ilog na napagkukunan ng talangka na ang  mangunguha ay may  dalang  sisidlan  tulad ng timba o balde na  ang talangka ay nagpipilit na umakyat sa itaas ng timba at ang mga nasa unahan niya na mga talangka ay hinihila niya pababa.

Kaya ang  “isip talangka” ay naglalarawan ng mga taong hinahatak pababa ang mga umaangat sa buhay.

       Sa kanila ka mag-ingat  at sila ay  pangkaraniwan ng  nasa tabi mo lang o  sa paligid lang at sila ay kakilala mo dahil sila ay kaumpugang balikat mo lang na lagi mong nakakasama . Madalas sila ang tinatawag na “kaututang-dila” na ang ibig sabihin, nakakakwentuhan.

      Kaya ka pinag-iingat sa kanila ay dahil sa palad mo ay may negatibong guhit sa isa mo pang The Mount Of Mars.

       Dapat lagi kang alerto sa mga taong  kilala mo na alam mong may masamang ugali.

      Iwasan mo rin ang makipagkwentuhan sa taong hindi mo naman talaga pinagkakatiwalaan. At kahit na sa mga taong may tiwala ka maganda pa rin na sa kanila  ay mag-ingat ka.

       Kaya ang pakikipagtsimisan ay iyo rin  iwasan dahil  ang taong mahilig sa tsimis ,’di ba  hindi magandang pagkatiwalaan? Kahit pa sila ay ating mga kaibigan.

       Dahil dito, ilihim mo ang iyong mga ambisyon at ang personal na ginagawa para  magtuloy-tuloy ang  iyong pag-unlad. Kaya ang pagyayabang ay maganda rin na iyong iwasan.

      Sa palad mo makikitang hindi gaanong maganda ang The Heart Line mo  dahil may ilang  guys na kunwari ay mahal na mahal ka pero sa huli ay matutuklasan mo na may iba pa lang minamahal.

      Kumbaga,  ayon sa palad mo, ikaw ay makakaranas ng pagtataksil sa pagmamahalan. Pero  hindi ka naman inaawat na magmahal dahil ayon din naman sa palad mo, ang makakatuluyan mo ay isang matinong guy na malaki ang maitutulong saiyo para  gumanda ng husto ang buhay mo. Good Luck and God Bless.

 Salamat sa pagbasa sa Palmistry 210.

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here