Palmistry 205: Maganda ang kapalaran pero hindi sa pag-ibig

Tunghayan sa Palmistry 205 ang request ni Federico Montemayor Dogillo III.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

       Ano pong nakikita ninyo sa palad ko? Pakitingnan din po kung ano ang kapalaran ko ngayong  2018? Thanks po.

Federico Montemayor Dogillo III.

 

Sayo Federico Montemayor Dogillo III,

Kitang–kita na magandang palad mo kaya ang payo ay ipanatag mo ang sarili mo dahil ikaw ay may magandang kapalaran. Maliban lang sa larangan ng Love dahil  makakaranas ka ng mabigat na kibuan , magkaganunman, hindi sapat ito para masira ang iyong magandang kapalaran.

Kapag sinabing maganda ng kapalaran, ang ibig sabihin ay hindi mapapabilang sa mahihirap o hindi makakaranas ng poverty sa halip ay  magkakaroon ng masarap na buhay  na kakainggitan ng kanyang kapwa.

Kapag sinabing maganda ang kapalaran ang  sa kabuhayan ay maganda rin na ang nagsasabing  aagos ang  mga suwerte sa kabuhayan na hindi naman  gaanong pinaghirapan o pinagsikapan kaya ito rin ay nagsasabing siya ay may magandang hanap-buhay o pinagkakakitaan.

Ibig sabihin, ang magandang kapalaran  ay ang pagkakaroon ng tinatawag na “easy life.”

 

Narito ang iyong  Gabay ng Kapalaran:

  1.      Huwag mong  ipagpalagay na ang “easy  life” ay ang “Happy Go Lucky” na huwag na huwag mong isasabuhay ang sinabing “Happy Go Lucky.” Sa “Happy Go Lucky”  ang tao ay umasa na lang sa suwerte kaya hindi na siyang nagsisikap. Sa huli ay magagadang kwento ng buhay ang matitira sa kanya ay ang masaklap na pagsisisi at  panghihinayang.
  2.      Inuutos ng iyong palad na  tulungan mo ang mga kaibigan mo at ang malalapit sa’yo sa panahon na sila ay nangangailangan.  Ang “Tulong” ay tulong . Kaya kailangang malaman na ang tulong ay tulong at hindi ikaw mismo ang papasan sa kanilang mga problemang mabibigat dahil nga sa ikaw ay  tutulong lang naman.
  3.       Kahit maganda  ang kapalaran ng isang tao , mas mabuti pa rin na siya ay may “savings” dahil hindi rin naman maiiwasan ang mga biglaang  pangangailangan , kumbaha, maganda ang may natabi p;ara may mabunot kapag  may hindi inaasahang pangangailangan.
  4.       Ang nabanggit na kabiguan sa lovelife ay isang pangyayaring  magtuturo sa iyong mga mga aral sa buhay  kaya inaasahan na ikaw rin ay magkakaroon ng  successful marriage life dahil nga sa ikaw ay may mahahalagang natutuhan ng ikaw ay makaranas ng  kabigbuan.
  5.      Sa iba ang kabiguan ay naging sanhi ng tuluyang pagkasira ng buhay lalo sa pakikipagrelasyon  dahil  hindi nila nakayanang ang  kabiguan na hindi na nila sinasadya ang  sa tuwing magmamahal sila ay masisira rin ang buhay ng kanilang makakarelasyon  dahil na rin sa ang hindi nakayanang sakit mula sa pakakabigo ay tulad ng sakit na nakakahawa kaya parang mahahawa na rin sa kanila ang kanilang makakarelasyon na masisira na rin ang life sa lovelife.
  6.       Ang tawag sa ganito ay “hindi sinasadyang paghihiganti” na kung kailan ay hindi nila namamalayan na ang nagagantihan nila ay ang hindi naman ang mismong nagbigay sa kanila ng kabiguan.
  7.       Ginagarantiyahan ng palad mo na hindi mangyayari sa’yo ang nasabing napakapangit na kalagayan dahil nga muli, ikaw ayon sa palad mo ay may magandang  kapalaran. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articlePamahiin Balat
Next articleOld Soul Ka Ba?
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

1 COMMENT

  1. magandang gabi po sir .. pahula po kaya sa kaarawan ko september 10 , 1994
    . ano kaya kapalaran ko .. kung ma tanggap ba ako sa inaaplayan kong tranaho .. about po sa love life meron kayang darating ? money , career , love life , health ..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here