Palmistry 202: Masuwerte kung magtatrabaho sa ibang bansa

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Palmistry reading ang request ni Bonbon Denajeba.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

         8 months na po ako walang work mula nung pagbaba ko ng barko at hindi pa tinatawagan ng kompanyang aking inapplyan. Isa po akong seaman, mkasasampa pa po ba ako? Medyo mailap po ang suwerte sa akin ngayong taon.

                                             Bonbon Denajeba

 

Sayo Bonbon Denajeba,

       Kitang–kita na ang iyong  Life Line ay may sanga na nagsasabing may mga suwerte ka sa  pagwu-work sa  ibang bansa o sa kung saan ay napapalayo ka sa lupang iyong sinilangan.

          Magkaganunman,  hindi ito nangangahulugan na  wala kang suwerte sa ibang larangan. Dahil kitang–kita rin naman na ang  huling bahagi ng iyong The Thumb ay nagsasabing anumang bagay na iyong tutukan lalo na ang paano kikita ng marami pera  ay  kayang –kaya mong gawin.

Dahil dito, narito para sayo ang Gabay ng Kapalaran mo:

1)     Huwag kang  maghintay  sa  muling pag-akyat sa barko na para bang  umaasa ka lang  sa iisang paraan. Ayon sa palad mo, kikita ka ng malaki sa mga  negosyong papasukin mo gamit ang  iyong mayamang imahinasyon.

2)     At ang totoo nga, hindi muna iisipan pang sumakay sa barko kapag  nakita mong ikaw pala naman ay  mas yayaman sa paghahanap-buhay .

 

3)     Ilagay mo sa iyong isipan, na ang  malalaking negosyo ay nagmula sa maliliit na pagkakakitaan . Oo nga’t may  nakikita kang negosyo na malaki agad, ang mga ito ay walang katiyakang magtatagal dahil sa huli ito ay magsisibagsak.

4)     Kaya ang payo , kapag magnenegosyo dapt ay magsimula sa maliit  dahil habang ito ay lumalaki at nagtatagal ang mismong negosyo ay  matutulad sa isang eskuwelahan na kung saan ang negosyante ay  maraming natutuhan kaya walang pagdududa na siya ay uunlad.

5)     Samantala ang pagbabarko ay  maihahambing sa mabilisang pagkita ng pera dahil malaki rin naman ang kinikita dito at parang hindi naman nahihirapan ang  nagbabarko dahil regular ang kanyang kita.

6)     Ang regular na dating ng kita tulad sa mapapasukan ay isang hindi kagandahang bagay kapag ang tao ay gustong magpayaman. Ang totoo nga, ito ay nagssisilbing  hadlang ba para ang tao ay magpursigi na paunlarin ang kanyang  buhay o kabuhayan.

7)     Dahil may kinikita na ay  ayaw ng  magsimikap pa. Ito ay rin  nagbubuyo sa tao na maging palaasa na umaasa sa regular na dating ng kita.

8)     Kahit ikaw , kung hindi mo dadayain ang sarili mo,  sasabihin mo na ang palaasa ay kahit kailan ay hindi maganda.

9)     Dahil ang katotohanang ito ay iyong naranasan ng ikaw ay magbarko na  kahit hindi mo aminin, inis na inis ka sa mga tao , ayaw maghanap-buhay na umaasa lang sa tulong mo. Na minsan pa nga ay  nagtatampo  kapag  hindi mo natugunan ang kanilang mga kahilingan.

10) Ang hindi mo napupuna sa sarili mo ay ikaw ay “pala-asa” rin , as in , umaasa ka sa  dating ng iyong sahod. Kaya ang iyong kiniinisan na  palaasa sayo ay  masasabing  naiinis ka pero hindi mo nakikita na ikaw rin pala ay paasa.

11)  Ito ang malupit na katotohanan sa pamamasukan na  muli hadlang  sa pagpapupursigi na  umunlad ng todo ang buhay. Muli,  kahit maliit ay maghanap ka ng  pagkakakitaan  at  iyong palakihin  gamit ang iyong malayamang kaisipan.

Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleTop 10 Unexplained Phenomena
Next articlePagkain ng Matatamis, Nakakabata
Avatar
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here