PALMISTRY 196: Paraan para magkaroon ng masayang marriage life

0
150
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Tunghayan sa Palmistry 196 ang request ni Kim Castillo Dela Cruz.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

Sana po matulungan niyo ako.Gusto ko po magkaroon din ng gabay ng kapalaran, if giginhawa ba kami ng parents ko? At kung okay ang magiging marriage life ko in the future?

                                 Kim

Sayo Kim,

Kitang-kita ang  malinis at maayos ang The Heart Line mo. Ang ibig sabihin ng malinis at maayos ang The Heart Line  ay walang  malalaking kabiguan sa’yong buhay pag-ibig.

Kapag ang katotohanang ito ay iniugnay sa marriage life mo,  it is safe  to say , na maganda rin ang maging marriage life mo.

Sa isa mo pang tanong na  giginhawa  ba kami ng iyong pamilya, ang sagot ay oo, dahil ang   iyong palad ay hindi palad ng mga taong mabubuhay sa kahirapan. Ibig sabihin ,wala sa palad mo ang ikaw at ang iyong mga parents ay maghihirap .

Kaya masasabi rin na  magkakaroon kayo ng maginhawang buhay.

Narito ang gabay ng iyong kapalaran:

1)     Kapag nakaranas ka ng ilang kabiguan sa lovelife, huwag isipin na hihinto na ang ikot ng iyong mundo. Dahil tulad ng nasabi na sa itaas, hindi sapat ang ilang kabiguan para masabing  pangit na ang iyong lovelife sa kanyang  pangkalahatang  pananaw.

 

2)     Tama ang nasa isip mo ang mas magandang pahalagahan mo ay ang pagmamahal ng iyong mga magulang dahil sa  tinatawag na “Sampung Utos”. Very special ang utos ni God na mahalin ang magulang dahil sa lahat ng kanyang inutos, ito lamang ang may kalakip na pangako na “hahaba at  gaganda ang buhay ng taong magmamahal sa kanyang mga magulang.”

 

  • 3) Na ang isa pang ibig sabihin, siya na nagmamahal sa kanyang magulang ay magkakaroon din ng maayos na pag-aasawa at pagpapamilya.

 

4)     Tutukan mo ang pangarap dahil mapapaganda nito ang  iyong kinabukasan at ang mabigyan ng magandang buhay ang iyong mga parents.

 

5)     Sa ganito, makakaiwas ka sa mga  maling pakikipagrelasyon at makaiiwas ka rin sa mga  walang kwentang pag-aaksaya lang ng panahon sa mga bagay na walang kinalaman sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan.

 

6)     Habang tinatahak mo ang landas ng magandang kinabukasan, maging magpag-obserba ka sa mga pagkakamali ng mga tao. Sa ganitong paraan, ikaw mismo ay  hindi makakaranas ng masaklap na kapalaran sinapit nila.

 

  • 7) Lumayo ka rin sa mga taong alam mong walang magandang  patutungunahan. Sila na  hindi nagpapahalaga sa mga biyayang kaloob sa kanila ng langit.

 

8)     Dahil ang pakikisalamuha sa mga taong  ganoon ay  nakakahawa na ang ibig sabihin, maaaring matulad ka rin sa kanila  na walang  iniisip kundi ang magsaya.

9)     Hindi ka mabibigo kapag isinabuhay mo ang mga nasa itaas dahil ito na mismo ang magsisilbi mong gabay.

 

Salamat sa pagbasa sa Palmistry 196.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here