Tunghayan sa Palmistry 190 ang request ni Jell Trixia.
Dear Sir Govinda Jeremaya,
Gusto ko po pahula sa palad. Salamat po!
Jell Trixia
Sa’yo Jell Trixia,
Kitang-kita sa palad mo ang mahabang travel line na ang ibig sabihin, mahaba ang mga araw o panahon na ilalagi mo sa paga–abroad.
Kitang kita rin na ang magandang Life Line mo na nagsasabing ang mismong life mo ay angkop sa mahabang paga–abroad. Kumbaga, may malakas kang katawan at ang isip mo ay ganundin.
Narito ang ilang dapat mong maunawaan sa paga–abroad mo:
1) Hindi ka dapat na mabihag ng ganda ng bansa na iyong pagtatrabahuhan.
Dahil ang malaking pagkakamali ng mga nag-aboad ay ang wala silang napala sa pag-aabroad kahit pa maraming years silang nag-work .
Ito ay nangyayari dahil sa sobrang naakit sila sa ganda ng bansang kanilang napuntahan. Kumbaga, ang kanilang kita ay naubos lang sa paglalakwatsa at pagsasaya. Kaya huwag na huwag mong kakalimutan na kaya ka nasa ibang bayan ay ang ikaw ay maghahanap-buhay para sa’yong kinabukasan.
2) Iwasan mo rin ang malalimang pakikipagrelasyon , dahil ito rin ang isa sa numero unong pinagsisihan ng mga matagal sa abroad na wala ring napala sa kanilang pag-aabroad.
Dahil kapag ang tao ay napasok sa malalim na pakikipagrelasyon para na ring siya ay nahulog sa “kumunoy”. Ang kumunoy ay ang isang malalim na balon ng putik na ang sinumang mahulog ay hindi na makakaahon.
Kahit naman dito sa atin at kahit saan, ang mapasok sa malalim na pakikipagrelasyon ay nasisira ang buhay. Kumbaga, ang kanyang kinabukasan ay nawawasak din. Kumbaga, hindi lamang trabaho ang nasisira kundi ang mismong personalidad , pangalan at dangal. Sa huli, malabong lumigaya siya sa kanyang lovelife. Ito ay sa dahilang, bibihira ang na–in love ng seryoso sa taong nasira ang buhay ng dahil sa wala sa lugar na karanasan sa lovelife.
3) Sa una ay mahirap pero kailangang masimulan mo ang pag-iipon. Dahil ang nag-abroad na walang naipon ay makakadama ng lihim nakabiguan sa buhay kahit pa marami siyang nabili o sa biglang tingin ay gumanda ang kanyang buhay.
Kung mag-iipon ka at magtatagal ka sa abroad tulad mismo ng nakaguhit sa palad mo makakaasa ka na mapapabilang ka sa iisang nagkaroon ng very successful life sa pag-aabroad. Kaya ito rin ay nagsasabing hindi ka dapat na matukso na magbibili ng kung ano-ano ng dahil lang sa may pera ka.
Ang ganitong katwiran na dahil may pambili kaya bumili ay labag sa utos na “Ikaw ay mag-ipon”. Kaya, huwag ka ring makiuso sa mga bumibili ng makabagong gadgets para lang sa pagyayabang at masabing mas maganda ang gamit niya kaysa sa kapwa niya.
Ang ganitong lifestyle ay isang susi ng kabiguan at isa ring nakabukas na bintana ng paghihirap sa buhay.
Huwag na huwag mong kakalimutan ang mga nasa itaas. Itanim mo sa isip mo ng sa ganoon ay lagi mong maalala, ito ay para sa’yong magandang kinabukasan.
Good Luck and God Bless