Palmistry 175: Ikaw ay psychic

0
231
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Tunghayan sa Palmistry 175 ang request ni Mary Joy Quinte.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Palmistry po ang gusto ko.

                                 Mary Joy Quinte.

 

 

Sayo Mary Joy Quinte,

      Kitang –kita na ang palad mo ay palad ng isang psychic.

      At dahil sobrang bihira sa mga tao ang psychic, ikaw ay   masasabing  kakaiba .Kakaiba ka kaysa sa mga pangkaraniwan.

      Hindi na natin  gaanong pag-uusapan  kung ano ang Psychic, sapat ng masabi  natin na ang psychic ay may  kakayahang basahin ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap kaya nga sila ay madalas na tawaging manghuhula.

          Pero malaki ang pagkakaiba ng  simpleng manghuhula sa isang psychic dahil ang  psychic ay ang pangkaraniwang  nakakatanggap ng mensahe mula sa mga heavenly entities  ibig sabihin, sila ay  malapit sa Diyos at sa iba pang nilalang na nasa ibang dimension.

          Dahil dito, sila ang  pangkaraniwang nakatatanggap ng mga heavenly messages  na  nagbabala sa mga  tao ng masasamang pwedeng mangyari pero nagbibigay din naman magagadang balita at kung anong mangyayari sa mundo..

       Kayo ang magsisilbing  koneksyon ng mga tao  para sa mga nasa kabilang mundo.  Kaya  tulad ng nasabi na, ikaw ay sadyang kakaiba.

          At dahil sa ganitong papel ng mga psychic sa buhay ng tao , madalas ay nagpagkakamalan silang witches  at tinatawag din sa iba’t–ibang pangalan. May pumupuri sa kanila pero may mga pagkakataong  ang tawag sa kanila ay  hindi  kaiga-igaya.

    Narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan:

1)     Habaan mo ang pasensya mo sa mga tao dahil kailangang malaman mo na ang mga salita mo  o mga lalabas sa bibig mo ay  higit na matalas kaysa sa espada na talim ay  dalawa.

2)      Kaya  ang kabilin-bilinan ay huwag kang magsasalita ng masama sayong kapwa dahil tiyak na may mangyayari  sa kanya.

3)     Ang galit ay  iwasan  mo rin at mas maganda ang lahat ay tingnan mo ng may pag-ibig ,  dahil ang babala  na kakambal ng galit mo ay magkawasak ng kapalaran ng iyong kagagalitan.

4)      Inirerekomenda rin na mabuhay ka ng simple. ‘Yung lifestyle na  hindi para sa mayayabang.

5)     Sa  pagkain, sundin ang  utos tungkol sa   mga pagkaing pinagbabawal sa  mga tao na nakasaulat sa mga unang aklat ng The Bible .

6)      Magkatakda ka ng  araw ng pagpa-fasting na kung saan ay may takdang oras o araw na hindi ka kakain.

7)      Magkatakda ka rin ng oras ng iyong pananalangin.

8)      Kapag dumarating ang pagpapalit ng mga panahon salubungin mo ang pagdiriwang.

9)     Higit sa lahat, ang pagtulong sa  mga kapos-palad ay  huwag mong kakalimutan.

 

Good Luck and God Bless!

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here