Palmistry 167: Hindi mo paghihirapan ang suwerte

1
372
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Tunghayan sa Palmistry 167 ang request ni Sheryl Valdomar Cebrero.

 

Dear Sir Givinda Jeremaya,

          Sana po ay mabasa rin ninyong ang palad ko. Maraming salamat po.

                                   Sheryl Valdomar Cebrero.

 

Sayo Sheryl Valdomar Cebrero,

          Kitang-kita ang magandang mounts ng iyong palad. At ang isa pa sa kapansin-pansin ay malalambot ang mga ito.   Na ang ibig sabihin, ang mga suwerte mo ay hindi mo gaanong paghihirapan.

          Ganito ang sabi ng, “Hardwork, ang kailangan  para magtagumpay sa buhay.” Pero dahil malalambot ang iyong mga mounts kalimutan muna ang nasabing pormula ng success dahil  hindi mo na kailangan pa ang hardwork.

          Ang totoo nga, kahit pa hindi sinasadyang  mapunta ka sa mahirap na work, kikilos at kikilos ang iyong kapalaran na bibigyan ka  ng magagaan na hanap-buhay.

         

Kaya magpasalamat ka sa Dakilang Manlilikha  dahil hindi niya hahaayan na magpakahirap ka pa para lang  maging successful ang life mo.

          Paano ka magpapasalamat sa Diyos?

          Pakinggan ko ang kanyang mga sinabi at gawin mo: Mahal ni God ang mga ulila,kaya mahalin mo rin ang mga ulila. Dadalawin mo sila ay bigyan ng saya.

          Mahal na mahal ni God ang may malinis na puso’t kalooban, kaya ingatan mo ang sarili mo. Maging mabuti palagi.

          Ayaw ana ayaw naman ni God sa mapagmataas kaya iwasan mong maging mapagmataas ka. Manatili kang  mapagkumbaba.

        Ayaw din ni Lord ang mga taong mapang-api. Kaya  huwag mong aapihin ang iyong kapwa mo. Ang mas maganda pa nga ay ang ikaw ay apihin pero huwag kang gaganti.

          Dahil ang isa sa pa  ayaw niya ay ang  mapaghinganti dahil ayon sa kanya ang paghihiganti ay para lang sa kanya na ang ibig sabihin, siya lamang at wala ng iba na na hahatol sa isang tao.

          Kaya, huwag mo ring hatulan ang iyong kapwa para makasunod ka sa kambal na utos ni God na huwag maghiganti at huwag manghusga ng kapwa.

          Ang ayaw din ni God ay ang sobrang materyoso dahil  sa pagmamahal ng tao sa mga mateyal na bagay ay nababawasan ang pagmamahal niya kay God.

          Sobrang natutuwa naman si God sa taong hindi nakakalimot sa Kanya kaya mas magandamng sa mga araw na itinakda ay  magpuri ka o magsimba. Sa biglang tingin ang ganitong  bagay ay pangrelihiyon, magkaganunman, may relihiyon ang tao o wala, dapat lang na magbigays siya ng papuri at pasasalamat sa kanyang Diyos.

          Sobrang tuwang –tuwa si God kapag ang tao ay nagiging huwaran ng kanyang kapwa sa paggawa ng mabuti, kaya mas magandang makita ng lahat ang iyong kabutihan.

      Ang mga ito ang  magiging  dahilan kung bakit si God at ikaw ay may matibay na pagtitinginan. Dahil din  dito hindi ka papababayaan ni  God na kahit hindi ka gaanong nagsisikap ay  papaganda ng papaganda ang iyong buhay.

          Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here