Palmistry 165: Gawin mo ang iyong gusto

0
102
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Tunghayan ang Palmistry 165 ang request ni Myrnalyn  Dough.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

Palm Reading po ang request ko!

                        Myrnalyn  Dough

 

Sayo Myrnalyn  Dough,

      Kitang–kita sa palad mo ang simpleng  patakaran mo sa buhay mo na kung ano ang gusto mo iyon ang gagawin mo.  Dikit-dikit ang mga daliri mo at ang mga guhit ng palad mo ay  hindi  magulo dahil nga ang mga ito ay mga simple lang ang pagkakaguhit.

      Marami pormula ang success at dahil sa sobrang dami gulong –gulo ang isip ng mga taong gustong magtagumpay sa buhay  na ang kaguluhan ng kanilang isip ay nasa , “Ano ba talaga ng susi ko  para magtagumpay?”

       Kumbaga, parang paninda na ang daming pagpilian na nabibigay ng kalituhan bibili. Lalo na sa ngayon na usong –uso ang pagandahan sa commercials sa TV , ang tao ay lalong naguguluhan sa ano ba talaga ang mas maganda .

     Sa iyo, walang pagkalito, hindi ka maguguluhan dahil tulad ng nasabi na simple lang naman kung ikaw ay magpasya at ito ay kung ano ang gusto mo, iyon na mismo ang gagawin mo.

    Kaya ang magtatangka naimpluwensyahan ka mabibigo lang at hindi makakapaniwala na ikaw ay  hindi kailanman nagpapaimpluwensya sa kahit na sino.

    Ito rin ay nagsasabing marami ang magsasabing matigas ang ulo mo, dahil nga sa kung ano ang gusto mo iyon na ay malabong mabago

    Marami din ang magsasabi na hindi ka nakikinig sa payo dahil nga sa kapag sinabi mo hindi na nga mababago.

    Kaya akala ng mga ito na namimintas sayo, mabibigo ka sa buhay dahil sa kanila ay isang maling  ugali ang  matigas ang ulo.

Dito sila namali dahil ang isa sa tunay na susi ng tagumpay ay ang dapat na taglay ng isang tao ang hindi natitinag na iisang hangarin kahit anuman ang kanyang maranasan.

     Napatunayan na noon pa man at hanggang sa ngayon na ang taong pabago-bago ng gusto ay mapapasama sa listahan ng  naparaming nabigo sa buhay.

      At  isang lantad na katotohanan na ang tao naiimpluwensayahan ay malabong makamit ang  kanilang mga sariling pangarap. Oo, pwede rin silang magtagumpay pero kung susuriing mabuti ang  tagumpay nila ay hindi naman sa kanila dahil ang tagumpay na nakuha nila ay katuparan lang naman ng pangarap ng ibang tao na nakaimpluwensya sa kanila.

      Kaya nga hindi kahinaan ng   kumakapit sa sariling kagustuhan ang totoo ng ang mga taong mahihina ay ang mga taong walang sariling desisyon sa buhay.  Na ang ibig sabihin ng “sarili” ay iyo at hindi kanila o hindi sa ibang tao.

       Simpleng –simple lang patakaran mo sa buhay muli, kung ano ang gusto iyon na at hindi  na mababago kaya mapapatunayan ang katotohanang, nasa simpleng pagkilos ang mabilis at hindi masalimuot na  katuparan ng mga pangarap.

         Kaya , huwag na huwag kang magbabago. Tukuyin mo ang  kung ano ang gusto mo sa buhay,  ganun lang, kapag tukoy muna ang gusto mo, tiyak na tiyak na makukuha mo. Huwag kang tutulad sa  iba at sila ay sobrang marami ang bilang na mga taong hindi tukoy kung ano talaga ang gusto nila sa kanilang buhay.

      Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here