Palmistry 162: Paraan para manatili ang yaman

0
134
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Tunghayan sa Palmistry 162 ang request ni Seyer Kraigel.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

Palm Reading po akin. Thanks po.

                         Seyer Kraigel

 

 

Sayo Seyer Kraigel,

       Kitang-kita ang  sobrang  mahaba mong  The Head Line dahil  dito ang napakaraming pagkakataon  na ikaw ay yumaman ng todo ay mapapasaiyo.

          Magkaganunman,  para makatiyak na mananatili sayo ang  yaman mo narito ang ilang  gabay sa buhay mo:

1)     Minamahal ang bawat bagay na kaloob ng langit sa tao. Ibig sabihin, iniingatan, pinahahalagahan at  inaalagaan. Sa larangan ng pagpapayaman, ang  angkop na salita ay hindi nilulustay ang kayamanan.

2)     Dahil  dito, kailangan mo rin malaman kung paano ba nalulustay ang  yaman ng sa ganoon ay iyong maiwasan.

3)     Hindi dapat na  gagastusan sa walang kwentang aktibidad tulad ng paggasta sa mga bagay na masasabing mga tukso lang naman. Ang mga  pagbili ng  bagong bagay na nakikiuso lang naman ay dapat na iyong pigilan.

4)     Kumbaga, ‘wag kang gaya ng gaya  dahil  ang  paggaya sa ginagawa ng iba ay  magreresulta sa pagbagsak ng kabuhayan.

5)     Ang  paggasta para sa maling pakikipagrelasyon ay bawal na bawal sa mga taong may yaman dahil ito rin ay  nagreresulta sa pagkawala ng yaman.

6)     Ang mga bisyo at iba pang  hindi  makontrol na hilig ay  napakalakas na  pwersang magdadala sa tao sa kahirapan.

7)     Magkaganunman,  dahil ang iyong The Head Line ay sobrang  haba, makakaasa ka pa rin naman na  kahit pa bumagsak ka ng “libo-libong” beses muli at muli kang magkakaroon ng pagkakataong muling yumaman.

8)     Dahil dito, ang isang napakahalagang  payo para sayo ay ang sikapin mong sa bawat pag-atras ng iyong kabuhayan, may mga aral sa buhay na  ikaw ay matutuhan.

9)     Ang mga aral  na ito ay mga gintong aral na higit pa sa tunay na kayamanang ginto  na. Ang mga  gintong aral at hindi nabubulok,  hindi kinakain ng kalawang, kumbaga hindi masisira kaya  sa totoo lang  hindi na mas maganda ito kaysa sa tunay na kayamanang ginto na mga materyal  lang naman.

10)  Kaya nga masasabing kahit pa  bumabagsak ang kabuhayan  mo, ikaw pa rin ang isa sa pinakamasusuwerte dahil nga sa nasabing muli at muli kang  makakarecover at ang maiipon mong mga karanasan ay ang pagkakaroon ng mga gintong aral sa buhay na  siyang magdadala sayo sa walang pagbagsak na kayamanan kung magagawa mong isabuhay ang iyong mga  ginintuang aral sa buhay na iyong  makukuha sa bawat pagbasak mo.

11) Pero kung hindi ka matututo , hindi ka na rin makakawala sa  pagbagsak at pagtayo at pagbagsak muli. Kumbaga, kailangang –kailangan mong magamit ang mga gintong aral sa buhay na iyong makukuha ng sa ganoon ay  hindi ka na manghihinayang at  hindi ka na magsisisi pa.

Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here