Palmistry 144: Hindi lahat ng matalino nagtatagumpay

0
784
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa Palmistry 144 tunghayan natin ang request ni S-Rated Prada

 

Dear  Sir Govinda Jeremaya,

    Pabasa naman po ng aking mga palad. Kung buksan ko po bang muli ang aking negosyo, magtagumpay na ba ako? May suwerte rin po ba ako sa lotto o mga numero. Maraming Salamat po. God bless po.

                                  S-Rated Prada

 

 

Sayo S-Rates Prada,

Kitang –kita na ang palad mo ay  palad ng matalinong tao. Kumbaga, ikaw ay may talino na higit sa talinong taglay ng mga pangkaraniwan.

       Kaya sa tanong mong muli mo bang bubuksan ang iyong negosyo, ang sagot ay ‘oo’, pero, may kondisyon at ito ay ang mga sumusunod:


        1) Sa negosyo,  hindi  talino ang numero unong nagbibigay ng kaunlaran. Dahil  kung talino lang din ang  pag-uusapan, dapat marami na ang  nagsiyaman
. Maraming estudyante ang matatalino.

2) Ang totoo nga, marami sa matatalino ang nag-akalang  dahil matalino sila, pwede na silang magnegosyo pero sa huli, natuklasan nila na  hindi pala basta-basta   aasenso ang isang negosyo.

3) Kaya kung muli mong bubuksan ang iyong negosyo,  sundin mo ang  nasa ibabang sekreto para gumanda ang kita ng negosyo.

       4) Kukuha ka ng mga taong may mahahabang hinliliit dahil sila ay masarap  kausap. Sa negosyo, ang tatatao ay dapat na kinakausap ang mga suki para muli silang babalik. At kapag  masarap kausap ang nakakaharap, kahit hindi  maganda ang produkto, babalik at babalik ang mga  namimili.

       5) Maganda ring ikunsidera na ang mga tauhan ay kabilang sa tinatawag na “air type”. Sila ang mga kahit hindi magsalita ay nakakaakit at malakas ang dating ang mga ito ay kadalasang balingkinitan at sa kilos pa lang, mapapansin agad na sila ay may malakas na karisma. Sila ang mga taong ,sa totoo lang, ay mga pampasuwerte sa negosyo.

         6) Ang mga ngiti nila, sapat na para magbalik ang mga suki. Kumbaga,  kahit  hindi na sila magsalita, darami ang benta. At kung  idadagdag pa na masarap din silang kausap,  sure na sure na ang negosyo mo ay mabilis na aasenso.

        7) Pwede ka rin namang tumao sa iyong puwesto  pero hindi ipinapayo na umasa ka lang sayong  talino. Dahil sa negosyo ang pinag-uusapan ay ang  sino –sino ba ang mga pwedeng  magamit na pampabuwenas na nabanggit na natin na sila ang mga nasa itaas.

         8) Kaya ang magiging papel mo ay ang sinupin ang iyong negosyo. Ibig sabihin, pahalagahan mo ang bawat sentimo, ang mga gamit at ari-arian ng iyong negosyo ay dapat mong ingatan para lalong pakinabangan.

        9) Muli, hindi pwedeng  ipangahas ng taong matalino na kaya niyang paunlarin ang negosyo. Tiyak kasing gagamit siya ng ibang  tao  para maging  mabili  ang kanyang mga produkto ng negosyo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here