Palmistry 124: Ang may matambok na palad

0
250
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Tunghayan sa Palmistry 124 ang request ni Ray Te.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

Pwede po ba  pabasa ng palad ko? Salamat po.

                                     Ray Te

Sayo Ray Te,

        Ang enerhiya ay katumbas ng power o kapangyarihan.

        Paano sinusukat ang enerhiya or power ng isang tao?

        Sa larangan ng Palmistry, ang energy ng tao ay sinusukat sa  pamamagitan ng mga Mounts sa palad. Ito ba ay malaki, ito ba ay malawak ang sakop, gaano ba kataas ang  tambok o  pagkakaangat.

        Kaya kapag maliit ang Mount, maliit lang din ang energy, kumbaga, kapag manipis na manipis din ang power. Kaya kapag hindi gaanong  matambok, hindi rin gaano ang lakas ng taglay ng mount.

        Kaya, kapag ang mismong palad ng tulad ng sayo, Ray Te, na sobrang matambok. Ibig sabihin, sobra rin ang iyong energy at dahil ang energy at ang power ay iisa, taglay mo ayon sa iyong Palmistry Readings ay  sobrang power at ang tawag dito sa power na ito ay “stored power”.

      Dahil dito, ikaw ay pinaaalalahanan na ang  power na gagamitin sa mali ay  mauuwi sa kasamaan.

        Dahil din  dito, ikaw ay pinapayuhan na para mapakinabangan mo ang sobrang enerhiya mo. Sa larangan ng negosyo mo  gamitin at  ikaw ay yayaman ng husto.

       Ang isa pang mahalagang dapat mong  maunawaan ay ang  mahirap na paniwalaang ang power at ang sex ay iisa lang.

      Dahil din dito ,  ang isa pang payo, mas magandang  makontrol mo ang sex power mo ng sa ganoon ay hindi ka matangay sa maling paggamit ng  power.

      Kapag sa negosyo mo naitutok  ang enerhiya,   darami ang pera mo. Kaya isabuhay mo ang madalas nating nadidinig na “live in moderation” sa dahil ito ang  susi ng maligayang buhay, masayang buhay at mahabang buhay.

      Sa madaling sabi,   walang ligaya’t saya sa anumang sobra, walang katiwasayan sa anumang sobra at  ang  pinakamaimportante na maintindihan mo ay maiksi ang life ng nabubuhay sa kalabisan.

      May isa pang  paraan para makontrol ang  power na nagpapahamak sa tao at ito ay ang itapon mo ang ibang power mo, pero  hindi mo itatapon ng basta-basta lang kundi ang pwede mong gawin ay ang ibahagi sa iba ang  iyong yaman , kakayahan at ari-arian o pera na walang anumang kapalit.

Dahil kapag may kapalit ito ay papasok sa depinisyon ng maling paggamit ng power ng isang tao. Magkawanggawa ka sa mahihirap, sa kapus-palad at sa mga institusyon na kumakalinga sa mga mahihina at sa mga kapos ang kakayahan , dahil sa pangkakawanggawa ang power ng tao ay masasabing nagagamit ng maayos at hindi sa masama.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here