Palmistry 122: Mga dapat tandaan kapag namuno

0
167
palmistry on philippineone.com
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Tunghayan sa Palmistry 122 ang request ni Chiquie Manguni .

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

       Pa –Palm Reading po ako!

                                   Chiquie Manguni 

 

Sayo Chiquie Manguni,

       Kitang –kita sa palad na ang iyong Mount of The Sun at ang iyong Mount of Mercury ay makapal at nagsanib kaya iisa na lang na mount.

      Kitang kita rin ang iyong  Mount of Jupiter na mas malaki kaya sa pangkaraniwan.

      Nagsanib ang Mount of the Sun at Mount of Mercury na ang kahulugan ay sobrang masuwerte ang mayari ng palad at sobrang masasaya ang  marami sa kanyang mga karanasan sa buhay.

       Magkaganunman,  may mga ilang  bagay na mahalaga na kailangang  malaman ng mayari ng palad para ang  kanyang kinabukasan ay  magkaroon ng katatagan.

 

1)     Nakakabulag ang mga suwerte na ang ibig sabihin,  hindi na nakikita ang mga reyalidad, tulad ng  sa mundo , ang kailangan ay tuloy–tuloy na  pagsisikap. Dahil isang katotohanan sa buhay ng tao na kapag hindi ka na nagsikap, hindi na rin susulong ang iyong buhay.

2)     Nakalalasing ang masasayang  pangyayari na ang ibig sabihin, kapag lasing nawawala sa sarili , kaya nga marami na ang nakasaksi na ang langis ay  bigay ng bigay  ng kanyang pera sa mga tao na daig pa ang isang mayamang na pulitiko.

3)     Ang taong sinusuwerte ay   nakatanim sa kanyang kamalayan na siya ay  muli at muling susuwertihin. Ito rin ay  lantad na katotohanan sa buhay ng mga sugarol na kaya sugal ng sugal ay dahil madalas  nakatitikim ng panalo at ang nagsugal na  hindi nananalo,  makikitang  ayaw ng magsugal kaya nga ang salitang “sugarol” ay para lang sa mga madalas na nanalo.

4)     Kaya lang, ang totoo at ito ay tanggap ng lahat ng tao sa pagsusugal ay wala namang talagang nanalo , as in,  sa huli ay napanalunan ay  nawawala rin naman.

5)     Dahil dito, ikaw ay pinapayuhan na maging mautak sa buhay. Kapag sinuwerte ka, magtabi ka para sayong kinabukasan.

 

Ang malaking ng Mount of Jupiter ay para lang sa taong mamumuno kaya ikaw ay   tiyak na tiyak na mamumuno . At maaatang sa balikat mo ang pamamahala at panganasiwa. Dahil dito, inaasahan na ikaw ay mapili na mamuno o mamahala at humawak ng pwesto na  nasa ilalim mo ang maraming tao.

 

Sa pamumuno, narito ang dapat mong tandaan:

1)     Huwag mong kakalimutan na kahit na ang sobrang baba ng kalagayan ng isang tao, hindi nawawala ang  kanyang dignidad kaya igalang mo ang dignidad ng iyong mga pamunuan.

2)     Sa pamumuno, mahalagang madama ng pamunuan na mahal siya ng  nasasakupan. Ito ang sekreto ng  isang namumuno may magandang relasyon sa  kanyang pinamumunuan.

3)     Ang namumuno ay  dapat na nakikibahagi sa hirap ng kanyang pinamumunuan,ito ang sekreto ng isang huwaran tagapamuno.

4)     Isabuhay mo ang lahat ng nasa unahan  dahil ito ang susi ng mapasaiyo ang tunay na kaligayahan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here