Palmistry 121: Tatalunin pa ang mga kakumpetensiya

0
365
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Tunghayan natin sa Palmistry 121 ang request ni Enday Jongoy.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Ano ba talaga kapalaran ko?

                                   Enday Jongoy

Sayo Enday Jongoy,

     KITANG-kita sa palad mo ang nabaluktot na Mercury Finger mo .

     Ang Mercury Finger ay ang hinliliit o kalingkingan.

     Kapag ang  kalingkingan ay nakabalukot papaloob, ibig sabihin ,very easy na matatalo mo ang iyong mga karibal o kakompitensya.

     Kaya talo mo ang mga taong inggit sayo dahil sila ay  isa rin sa mga karibal mo .

     Wala ring ibubuga sayo ang mga  intrigera at intrigero. Ang mga  nagnanais na  masira ang buhay mo, talo mo rin.

      Kaya lang ang nasabing   “easy lang sa na talunin mo ang ma karibal at kakumpitensya mo” ay mas magandang magamit mo sa negosyo.

     Isipin mo, walang ibubuga saiyo ang kakumpetensya mo sa negosyo.

palmistry on philippineone.com

     Isipin mo, talung –talo mo ang iyong mga kapwa negosyante.

     Isipin mo, uunlad ang negosyo mo.

     Isipin mo ,  mas magandang sa negosyo ang papaloob sa pagkakabaluktot ng iyong Kalingkingan?

     Gusto mo bang  gumanda ang buhay mo at ang  buhay ng iyong pamilya?  Gusto mo bang mapag-aral ang mga anak mo sa magandang  eskuwelahan? Gusto mo ba ng magandang bahay at ng maraming sasakyan at  hindi mabilang  na kabuhayan?

     Lahat ng ito ay mapapasaiyo kung ikaw ay magnenegosyo.  Huwag ng magdalawang isip pa, magnegosyo ka na.

     Siguro, itatanong mo kung  saan ka kukuha ng puhunan?  Ang sagot, madali lang  din para sa’yo ang magkapuhunan kapag talagang ginustomo ng  ikaw ay magnegosyo. Dahil ang  dagdag kahulugan ng iyong nasabing porma ng kalingkingan ay may kakayahan kang  makahanap ng mabilisan pera para sa iyong magiging puhunan.

 

Narito naman ang ilang bagay na dapat mong iwasan:

1)      Huwag kang paeasy easy lang sa buhay, kumbaga, tutukan mo ang negosyo mo.

2)      Huwag ka ring bili ng bili ng kung anu-ano na  ang pambili ay kakagat sa puhunan mo.

3)      Huwag kang   mag-aaksaya ng iyong kita dahil lang sa pamamasyal na  mga paglilibang lang naman na wala kang mapapala kundi ang panandaliang saya lang naman.

4)      Huwag kang bibili ng sobrang mamahaling pagkain na ikaw ay  nagbubuhay mayaman na .eh, pinalalago mo pa lang naman ang iyong negosyo.

5)      Huwag mo  na ring papansinin ang mga kapit-bahay ninyo na walang magawa kundi ang maghanap ng kasiraan sa kapwa.

6)      Huwag na huwag kang  bibitaw sa  pangarap mo na mabigyan ng magandang buhay ang iyong pamilya.

7)      Muli, magnegosyo  dahil ayon sa iyong Palmistry Readings tiyak na tiyak na iiwan mo ng milya –milya ang iyong mga kakompintensya.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here