Palmistry 119: Bigo man sa pag-ibig

0
170
palmistry on PhilippineOne.com
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Tunghayan sa Palmistry 119 ang request ni Marie.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Good day po! Pwede po ba akong magpahula? Medyo depress po kasi ako sa nangyayari sa buhay ko. Walang trabaho, hiwalay at hindi alam ang gagawin kung papaano magsisimula.

     Ano po ba ang kapalaran ko? Ako ay 41 yrs old na at ang b-day ko ay Dec. 23, 1976.

     Sana po’y mapansin ninyo ang aking liham.

                                                 Marie.

 

Sayo Marie,

     Kitang –kita na sobrang pangit  ang iyong The Heart Line. Makapal ang ilang bahagi at nagkaputol –putol pa.

   Isang malinaw na palatandaan na ikaw ay bigo sa lovelife.    Gayunman, ang iyong The Head Line ay napakaganda na ang ibig sabihin, ang anumang kabiguan mo sa buhay ay iyo rin makakayanan dahil pansamantala lang di na tatalunin ka ng mga kalungkutan  na ang isip mo ay  gagawa mismo ang paraan  upang ang buhay mo ay maging positibo ay produktibo.

    Taglay mo rin sa iyong palad ang very good business line na ang ibig sabihin, magaling ka sa negosyo at  tinitiyak na yayaman ka sa pagnenegosyo.

Alam mo, Marie, isang bahagi lang sa buhay ng tao ay love life. Kaya hindi sapat na ang  tao ay makaranas ng kabiguan  sa pag-ibig ay hindi na siya magiging masaya. Ang totoo nga  sa kabuuan ng palad mo ay palad ng isang taong may magiging matagumpay kaya kainggitan ka ng mga tao.

    Mas magandang  maunawaan mo rin na ang tao ay hindi lang sa lovelife makakadama ng ligaya. Sundin mo ang mga sumusunod at tiyak na sasabihin, “Oo nga, noh, ang kaligayahan pala sa mundo ay  nakukuha rin mula sa maraming bagay!”

1)      Walang kapantay ang madadamang  kaligayahan kapag ang tao ay  may natulungan na abot-abot ang pasasalamat sa kanya.

2)      Hindi magkakasya ang ligaya sa puso ng isang tao kapag ng dahil sa kanya ay marami ang na-inspire.

3)     Ang palakpak at paghanga ng mga tao sa isang nagtagumpay sa kabila ng maraming naging problema sa buhay ay  luha ng kagalakan ang  katumbas.

4)     Sobrang  sumasaya ang tao kapag  siya ay nagbibilang ng marami pera mula sa kanyang ginawang pagsisikap.

5)      May liligaya pa ba sa taong nakatira sa malapalasyong bahay at maraming  mga kaibigan?

6)      May  liligaya pa rin ba sa taong  nilalakad ang kanyang malawak na lupain at kabuhayan?

7)      Sobra-sobra ang ligayang madadama ng taong alam niyang  maipamamana niya sa  kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang naipong yaman.

8)     Higit sa lahat ,  ang  tunay na kaligayahan ay nasa sa tao kapag ang “Huling Halakhak” ay nakalaan pala para sa kanya.

9)     Oo, Marie , ang huling halakhak ay para sayo na ang ibig sabihin ,sobrang nagsisisi sa buhay ang mga taong naging dahilan ng iyong mga kalungkutan.

10)  Bilang panghuli, magpasalamat ka sa Dakilang Manlilikha  dahil  ayon sayong Palmistry Reading, hindi sapat ang  kabiguan mo sa lovelife upang ikaw ay masabing ganap na nabigo sa buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here