Tunghayan sa Palmistry 117 ang request ni Baby Al Nurhina.
Dear Sir Govinda Jeremaya,
Kung mkapagtapos ako ng pag aaral bilang B.S. Respiratory Therapist at makapag abroad? Salamat and God bless!
Baby Al Nurhina
Sa’yo Baby Al Nurhina,
Kitang –kita ang magandang palad mo. Isang palad na nagsasabing kung ano ang gusto mo, mapapasaiyo.
Kaya sa tanong mong matatapos mo ba ang B.S. Respiratory Therapist ang sagot ay ‘oo’ dahil ito ang iyong gusto. Paano kung may iba ka pang gusto? Ang sagot mapapasaiyo dahil nga ang palad mo ay nagsasabing kung ano ang gusto mo makukuha mo.
Dahil dito magandang malaman mo na kapag nagtatangka ang iyong sarili na baguhin ang gusto mo, tigasan mo ang loob mo. Ang taong paiba –iba ng isip ay walang tunay na gusto.
Dahil wala siyang gusto, siya ay tatangay-tangayin lang ng ibang tao, ng iba’t ibang pananaw at iba’t ibang nakaaakit na bagay. Sa huli, siya ay matutulad sa tinatawag na “The Legendary Stone That Keeps On Rolling But Gather No Moss.”
“Isang bato na gulong ng gulong pero walang naipon” ganyang ang taong pabago-bago ng pasya, walang nangyayari sa kanyang buhay. Kaya , kailangang may talagang gusto ka para hindi ka magsisisi sa huli.
Iwasan mong ikaw ay malito dahil ang pagkalito ay walang maidudulot na maganda sa isang tao. Kaya nalilito ang tao ay dahil walang tiwala sa kanyang sarili.
“Tiwala Lang” ito ang maikling salita na isa ring susi ng success.
“ Tiwala Lang”, ito ang simpleng payo na magdadala sa tao sa katuparan ng kanyang mga pangarap. “Tiwala Lang”, mapapasaiyo ang gusto mo.
Pero ang taong walang tiwala sa sarili, walang karapatang makilahok sa mga hamon ng kapalaran. Dahil siya na walang tiwala sa sarili ay hindi na papayagan pang sumali sa laro n buhay na ang premyo ay medalya ng tagumpay.
Dahil dito, Baby Al Nurhina, dapat kang magkaroon ng tiwala sa iyong sarili. Hindi lang para sa kinukuha mong kurso kundi dahil sa pangarap mo ring makapag-abroad.
Isipin mo, kung dalhin ka na ng iyong kapalaran sa abroad at wala kang tiwala sa sarili, ano ang mangyayari? Ano pa nga ba ,eh, di wala!
Ang ibig sabihin ng “wala” ay mga pangit na pangyayari. Walang magandang mangyayari sa pag-aabroad mo kung wala kang tiwala sa sarili .
Muli, “Tiwala lang”, Baby Al Nurhina.
Good Luck and God Bless