PALMISTRY 107: Madadaling trabaho ang nakalaan sa’yo

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa Palmistry 107 tunghayan natin ang request ni Rafael.

 

Sayo Rafael,

Kitang-kita na ang palad mo ay malambot.

Kaya malinaw din na hindi ka nilikha ng Dakilang Manlilikha  para sa mabibigat na trabaho.

Dahil si God ang may gusto na hindi ka mahirapan sa trabaho kaya Siya ang  gagawa ng paraan  para magagaan lang ang iyong  magiging hanap-buhay.

Kaya kung pa easy –easy ka lang, hindi mo naman yan kasalanan at kung  aayawan mo ang mabibigat na work, okey lang.Kumusta naman ang sahod mo?

Dito sa mundo ang madali ang trabaho mas maganda ang kita. Ganu’n talaga dahil ito mismo ang nangyayari sa reyalidad na kung mahirap ang work, mahirap ding kumita kaya nga madalas na sinasabi “isang kahit –isang tuka”. Iyan ay para sa mga  maghihirap sa paghahanap-buhay .

Minsan talaga ,mahirap maunawaan ang takbo ng buhay sa mundong ibabaw, dahil may mga kahig ng kahig wala pa ring matuka, kaya  nasasabi nilang  sila’y pinagtampuhan ng kapalaran.

Malayong-malayo sa buhay mo na kahit hindi ka kumahig may mga suwerteng darating sa’yo at dahil ito na mismo ang buhay mo , makikitang  mas madalas na hihintayin mo lang ang mga suwerte mo na tiyak din namang susuwertihin ka.

Nakakatuwa dahil ikaw ay tuka lang ng tuka samantalang ang iba ay  halos dumugo ang kamay sa katatrabaho at  ’yung iba pa, ang sampung tuwalya ay  kulang pa na pampahid sa pawis . Napakahirap mabuhay sa mundo .Ang iba kailangan pang magsunog ng kilay para lang sa kanilang magandang kinabukasan at iba pa nakakagawa na hindi maganda para lang mabuhay.

“Unfair!”, ito ang  sigaw ng mga taong naghihirap  na walang magawa kundi ang tanggapin na lang ang kanilang kapalaran. Sa aminin mo man  o hindi, “wow” ang lihim mong isinisigaw dahil sa parang walang katupusan ang  masarap mong buhay.

Dahil higit kaninuman,  ikaw ang dapat na numerong magpasalamat sa langit dahil tulad ng nasabi na ang Dakilang Manlilikha ang may likha ng kapalaran mo.

Para ganap mong mapasalamatan si God ang mga bagay na ikatutuwa Niya ay isabuhay mo.

Sabi ni God,  ang mga bata ay  number one sa  mata ng Diyos. Kaya  pasayahin mo ang mga bata .Sabi ni God, ang nagiginaw bigyan mo ng kumot, ang nauuhaw iyong painumin at ang nagugutom ay iyong pakainin.

Dagdag ni God .Ako ang iyong kukumutan. Ako ang iyong paiinumin at Ako ang iyong pakakainin kapag ang mga ito ay ginagawa mo.

Muli, isabuhay mo ang mga nasabing banal na gawain ng ang iyong Diyos at patuloy kang pagpalain  at ang Pintuan ng Grasya na nasa langit ay manatiling nakabukas at saiyo nakatapat.

Pinagpapala ng walang katapusan ang mga taong  gumagawa ng  bagay na  nakakalugod sa Diyos.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here