PALMISTRY  10: Destiny, totoo ka nga ba? 

Totoo  ba na may “destiny” ang isang  tao?
Sa larangan ng The  Arts and Science  of Palmistry, ang  tinatawag na The Fate Line , ito rin ay  may pangalan na Destiny Line.(Nasa larawan -1-1) Dahil dito walang pag-aalinlangan na ang may Destiny ang bawat tao.
Sa wikang Filipino ang tawag sa guhit na nasabi ay GUHIT NG KAPALARAN, dahil ang Fate at Destiny ay katumbas ng salitang Kapalaran.
Sa Banal na Kasulatan, mababasa ang bilin ni Apostol Peter sa mga Kristiano na kanyang sinabi, letra por letra, “Alalahanin ninyo ang mga Kapus-Palad.” Na nagbibigay patunay ang tao ay may kanya-kanyang itinakdang kapalaran.
Dahil malinaw na may kapos sa kapalaran at mayroon din mga taong mapalad.  Pero, nasa Bible rin ba ang salitang “mapalad” na ang ibig sabihin ay mga taong suwerte o  mapapalad? Mababasa ang tinatawag The Sermon Of Jesus Christ ng Siya ang nangangaral sa itaas ng bundok na paulit-ulit Niyang binabanggit ang mga salitang, “Mapalad.”
Saan ba galing ang dalawang salitang “Kapus-Palad” at “Mapalad”? Eh, saan pa nga ba kundi mismong  tumutukoy sa KAPALARAN ng bawat tao.
At dahil ang  pangunahing  paksa natin ay ang tungkol sa successful life, mas magandang tutukan natin ang ang Destiny ng bawat tao na kung saan, kung sasakyan niya ang kanyang destiny ay makakaasa siya na makakamit niya ang matagumpay na buhay at siya ay magkakaroon ng ganap na ligaya.
Samantala, sa sinumang sasalungat sa utos ng kanyang kapalaran na ang utos ng kapalaran ay ang kanya mismong destiny, mabibigo siya, masasaktan at  sa huli ay magiging luhaan.
Sa ganitong katohahanan, ang isa–isahin natin ang saan ba magiging matagumpay ang tao batay sa Guhit ng Kapalaran na sa kanya ay iginuhit mismo ng Dakilang  Manlilikha. Ibig sabihin, hindi ang tao ang gumuhit ng  kanyang kapalaran kaya  maling-mali ang paniniwala ng iba na kung ano ang gusto mo sa’yong buhay, iyon din ang mangyayari sa’yo.
Na parang bang  mas makapangyarihan pa sila kaysa sa Dakilang Manlilikha na Siyang tunay na nakakaalam ng lahat ng bagay at Siya ring nakakaalam sa kung ano ang mabuti sa bawat tao.
Ang totoo nga, sa lahat ng ayaw si God ay ang taong nag-aakala na siya ang nakakaalam ng tungkol sa kanyang buhay at kapalaran. Magkaganunman, dahil si God din ay walang hanggang ang pag-ibig sa tao,  wala ring hanggang ang Kanyang pang-unawa kaya nauunawaan din Niya ang mayayabang at mapagmataas na feel ay parang sila ay si God din.

Ang photos ng inyong mga palad o palad ng mga mahal ninyo sa buhay  upang ma-analisa namin kayo.