Pakikipag holding hands, maikukumpara sa Painkillers

Mandatory Credit: Photo by Paul Grover / Rex Features (1017088c) Pain Killers Pills

Kapag mahal mo ang isang tao, di ka mahihiyang ipakita sa buong mundo ang pagmamahal mo para sa kanya. Bagkus, ipinagmamalaki mo pa nga.  Kaya nga, kapag may karelasyon ka, lagi kayong magka holding hands. Kapag kasi magkahawak kamay kayo, para mo na rin sinasabing di na siya maaagaw pa ng kahit sino.

Speaking of hawak kamay, alam mo bang ang pakikipag holding hands ay maikukumpara rin sa pag inom ng painkillers? Ito ay napatunayan sa isinagawang pagsasaliksik.

Iba raw kasi talaga ang reaksyon ng mga pasyente kapag ang taong mahal niya ang kasama niya sa ospital. Parang kahit gaanong katinding sakit ang kanilang nararamdaman ay kanilang nalalampasan. Kaiba kahit gaano pa kabait na nurse ang nakakasama niya sa kanyang hospital room.

Kapag kasi kasama mo ang taong nagmamahal sa’yo, parang kaya mong lampasan ang lahat ng pagsubok na iyong pinagdaraanan lalo na kapag kasama mo si Mahal.Kaya naman kung epektibo ang painkillers, mas effective ang ‘love induced analgesia’.

Huwag mo namang isipin na para lang ‘yan sa mag asawa o magkarelasyon, pwede rin ‘yan sa sinumsng miyembro ng iyong kapamilya basta close sila o matindi ang pagmamahal nila sa isa’t isa tulad ng anak sa kanyang magulang magulang sa kanyang anak o kung close ang magkapatid.

O, may nagmamahal ba sa’yo?

 MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here