Pahula Hulyo 20: Paraan para lumago ang negosyo

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 128.

 

Sayo  Vangeline Cantillana,

       Nov.  7, 1977. Sa tanong mong nag-open ka ng RTW at ito ba ay okey na negosyo para sa’yo, ang sagot ay ‘Yes na Yes!’

Ang totoo , hindi naman gaanong mahalaga kung anong klase ng negosyo ang magpapaunlad sa buhay ng isang tao. Dahil ang  tunay na magpapalago sa negosyo ay  ang ilang sekreto ng pagnenegosyo.

Narito ang ilan pero sobrang mahalaga  na iyong susundin or gagawin.

There is a need to develop  a  relationship. Sa pagitan ng mga suki, may ari ng negosyo at sa mga  salesladies.

Nagagawa ang ganitong   kapag  ang may-ari at nakikipagkwentuhan sa  bumibili  na ang   kwentuhan ay hindi  lahat na lang ay para sa produkto , mas maganda na masasaling o mata-touch ang ilang bagay na personal.

Maganda rin ang topic ng kwentuhan ay ang mga paniniwala o paninindigan ng mga suki na  ang papel ng may-ari sa ganitong  topic ay hindi ang maging kontrabida o sumalungat sa paniniwala o prinsipyo ng  suki.

Medyo mahirap itong gawin dahil syempre ang  may- ari ay may sarili paniniwala o paninindigan pero lubhang kailangan para magpabalik-balik ang suki ang hindi pagkontra sa kanya na maaari nga rin sabihin na ang may –ari dapat na sumang-ayon sa mga sinasabi ng kanyang suki.

Na sa ngalan ng pagpapalago ng kanyang negosyo at pagpaparami ng suki ay kailangan magsakripisyo siya  patungkol sa kung paano kukunsintihin ang  kanyang mga suki.

Ito rin ay medyo mahirap na maunawaan kung bakit kailangang gawin ng may-ari pero kapag naalala niya ang  pinakasikat na  patakaran sa mundo ng pagnenegosyo na “Costumers are always right “ ay  madali na ring niyang  maiisip na ito ay talagang kailangan.

Ang ilang bagay na tulad ng  tatawagin sa kanyang nickname ang suki ay isang malaking bagay na. Kaya  mahalagang malaman  ng ano ang name o nickname ng suki.Maganda rin na  maitanong kung siya ay tagasaan. May asawa ba at may mga anak? Pwede ring alamin kung ano ang work niya. At ilan pang mga bagay na  mga personal na  impormasyon tungkol sa suki.

Ito ay mangyayari lamang kung mararamdaman ng suki na ang may-ari at  siya ay magkapalagayang–loob na. Ang ganitong  personal na impormasyon ay hindi pwedeng  itatanong na parang nag-iimbestiga kumbaga, kailangan madama ng suki na   kaya  ganoon ang mga tanong ay dahil sila ng may-ari ay magkaibigan na.

Muli,  sobrang mahalaga na ang mga suki at ang may–ari ng negosyo ay  may magandang relasyon.

At  ang mga nasa itaas ay  kailangan din maisabuhay mo  hindi para sa mga suki kundi maging sa mga  empleyado at mga empleyada o sa mga tauhan o mga iba  pang nakakatuwang sa pagpapatakbo ng  negosyo.

Good Luck and  God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleAng Telekinesis Tunghayan mo ang Kapangyarihan
Next articleChinese Horoscope Hulyo 20
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here