Pahula 90: Alamin ang mga pampasuwerte

0
170
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 90.

 

Sayo  Ronnel Villaflor Araza,

     June 23, 1999.  Sobrang makulay ang iyong buhay kaya  ang lovelife mo’y sobra ring makulay, ang career mo ay ganundin, sobra ring makulay.

      Ano ba ang ibig sabihin  kapag  sinabing “sobrang makulay” ang kapalaran?

       Unahin natin ang sa career, ang sobrang makulay ang career ay nagsasabing hindi lang isa ang magiging career kundi marami at dahil sa may salitang sobra ibig sabihin, sobrang marami ang bilang nang mapapasukang  trabaho. Kaya ito rin ay nagsasabing paiba-iba ang work at dahil paiba–iba, ibig sabihin  hindi nagtatagal sa trabaho .

Ibalik natin sa sobrang makulay na lovelife- ibig sabihin,  hindi lang isa ang lovelife, dahil hindi lang isa, ibig sabihin, marami at dahil may salitang sobra, ibig sabihin, sobrang dami ng lovelife.

      Kaya ito rin ay nagsasabing  paiba-iba ng  love at dahil paiba-iba ng love, ibig sabihin,  hindi nagtatagal ang  pakikipagrelasyon.

      Ito ang kahulugan ng makulay ang iyong kapalaran.

 

Sayo Yhanie Lagsit,

      July 24,1987. Kumikilos ang iyong kapalaran para sa huli ay magkaroon ka ng sobrang magandang buhay. Ibig sabihin, ang mga  mararanasan mo ay kailangang  mangyari ng mabigyang daan ang  iyong magandang kinabukasan. Kaya ipanatag mo ang iyong sarili at hayaang ang iyong kapalaran ang magpatakbo  ng iyong buhay.

 

Sayo Marinette Abueva,

      Dec. 7, 1962. Taglay mo ang kakayahang makabasa ng  hinaharap, sa madaling sabi, pwedeng–pwede kang  maging isang manghuhula  dahil inborn sayo ang pagiging psychic.

       Ang lucky charms mo ay ang anumang bagay na  galing sa dagat, ito mismo ang magbibigay sayo ng mga suwerte.

       Ang  ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang ay nagsasabing anuman ang iyong pangarap ay matutupad.

 

Sayo Liezl Milano ,

    September 20, 1984. Masyado mong iniisip ang mga bagay –bagay kaya naaantala ang iyong pag-asenso. Dapat mong malaman na ang isip ng isip ay nakakahadlang sa pagkilos. Ibig sabihin, ang tunay na sekreto ng tagumpay ay nasa pagkilos pagkatapos na mag-isip.

    Eh, sa isip ng isip ,  hindi matapos-tapos sa kaiisip at  kapag hindi tapos na mag-isip, hindi pa makakakilos kaya ang tagumpay ay malayong makamit ng ayaw tumigil sa kaiisip ng  kaiisip.

 

Sayo Eiram Pineda ,

          Feb. 11,1974. Anumang bagay na iniuugnay sa air ay  pampasuwerte mo, tulad ng  nakasabit na mga dekorasyon na kapag nahipan ng hangin ay gumagalaw. Kaya nga ang  isa rin sa pampabuwenas mo ay ang paglalagay ng kurtina sa bintana, pinto at dingding.

        Susuwertehin ka sa pagsusuot ng mga kuwintas at  hikaw  dahil ang anumang bagay na nakasabit at ang mga palawit ay pampabuwenas din sayo.    

       Ngayon, alam muna ang mga pampasuwerte sayo. Gamitin mo’t tiyak na tiyak na magkakaroon ng katuparan ang mga hiling mo.

   

Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here