PAHULA 9: Maglakbay para suwertehin ang lovelife

2
630
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Dhes Garcia Sotalbo. 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

Pahula po, January 29, 1985 po birthday ko. Thanks po.

                                                                Dhes Garcia Sotalbo

 

Sayo  Dhes Garcia Sotalbo,

Ang  iyong zodiac sign na Aquarius ay isang Air Sign. Dahil dito, ang lahat ng bagay at mga pangyayari na  may relasyon sa Air or Hangin ay para sayo.Tulad ng pakpak ng ibon, manok at iba pang may pakpak, ang mga ito ay  mga lucky charms mo.  

Try mo!  

Sabi nga wala namang mawawala sayo  kapag sinubukan mo. Ang totoo nga, magdadatingan pa sayo ang mga suwerte’t naggagandahang kapalaran. 

Ang pag-awit ay  pwedeng-pwede sayo, ‘di ba kapag umaawit ay gumagamit ng air?  Kaya umawit ng masasayang  awitin at sure na sure na sasaya ka. Ang totoo nga, kahit ang  malungkot o madramang awitin ay   magbibigay sayo ng kakaibang sigla at ligaya. 

Ang  tugtog o musika ay  pwedeng-pwede sayo dahil sa tunog o musika  ay  gumagana ang hangin. Dito sa amin, sa Bulacan kapag maalinsangan lalo na sa panahon ng tag-init , pumipito or humuhuni  ang mga tao at nagdatatingan ang mga hangin na madadama talaga ang ihip ng hangin. 

      Ang pagsayaw ay pwedeng pwede rin sayo  dahil sa sayaw ang hangin din ay nagsasayaw kaya pwedeng-pwede rin ang pangit mong nararamdaman ay  maglalaho. 

      Awit, musika at sayaw  ang panlaban mo sa  negatibong mga kaganapan na magtatangkang papangitin ang iyong kapalaran. 

        Muli, try mo! Wala namang mawawala saiyo sa halip ay gaganda ang kapalaran mo! 

           Sa negosyo, ano ang magpapayaman saiyo? Ano pa nga ba? Eh, ‘di ang negosyong iniuugnay sa air  tulad ng  transporation  dahil ang pagtatransport ng mga bagay sa pamamagitan ng mga sasakyan ay  gumagamit din ng hangin. Habang mabilis na umaandar , nagkakaroon ng hangin. Kahit nga mabagal may hangin pa.  Maupo ka sa tabi ng window ng sasakyan , mapi-feel mo ang ihip ng hangin. 

Saan mo naman matatagpuan ang tunay na kaligayahan?  Alam mo, Dhes Garcia Sotalbo, may kaligayahan na pansamantala, panandalian lang ba. Siyempre , hindi ito ang tunay na kaligayahan. Ang tunay na kaligayahan ,ayon sa maraming tao ay mahirap na makita, ang sabi din ng iba, wala namang tunay na  ligaya. 

     Hindi yon totoo, may tunay na kaligayahan sa ibabaw ng mundo at ito ay kapag  nameet ng isang tao ang kanyang soulmate , sasabihin niya  natagpuan ko na ang aking tunay na ligaya. Kapag nakita na nga tao ang kanyang soulmate , ibang-iba ang kanyang madadama na  ligayang kahit kailan ay hindi pa niya nararanasan sa nakaraan. Kapag ang soulmate ay nakatagpo na , ang sabi nga  magkakaroon na ng completeness. 

          Sa completeness ,hindi ka na maghahangad kasi nga kumpleto ka na. Bakit ka nga ba maghahangad pa kapag wala ng kulang sa buhay mo? Kaya nga  ang soulmate ng tao ang  tunay niyang ligaya. 

      Muli, saan mo ba makikita ang iyong nag-iisang soulmate? 

       Sa paglalakbay, kaya mag-abroad ka at sa abroad mo’y mami-meet mo ang iyong soulmate. Eh, sa Lupang Sinilangan mo, pwede bang nandoon ang soulmate mo? Hindi  pwede, dahil ayon sayong kapalaran, sa malayong lugar o lupain naroroon ang iyong soulmate.  

So, ano pang hinihintay mo?  Travel na! Now na!

2 COMMENTS

  1. Pahula po aq sir…Ruth Ebrada Macalalad..
    January 8,1978 po
    Gusto ko Rin pong malaman kng mag kakatuluyan kmi ng taong Mahal ko name nya po… Lyndon Brayan Awat Romero po..dec.20,1986 po bday nya..

    Salamat po sa pag sagot…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here