PAHULA 5: Alamin ang 2 batas ng kapalaran

0
654
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Cecille.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

         Magkakaroon po ba ako ng partner sa aking pagtanda na hindi ako iiwanan? Oct 21,  1965 ang aking kaarawan.

                    Cecille

 Sayo Cecille,

      Ang life partner ng bawat tao ay nalalaman batay sa dalawang Batas ng Kapalaran. Ang una ay ang Laws of Compatibility. At ang ikalawa ay ang “Opposite Attracts!”

        Ang tao, sa totoo lang, ay hindi naman nag-iisa at kung nagkataong pinili niyang mag-isa sa dahilang personal, pansamantala  na siya ay “mapag-iisa” , ’yon ang madalas nating nadidinig na “gusto kong makapag-isa” ‘yon ay wala muna siyang kasama dahil ang gusto nga niya’y mag-isa.

         Kaya ang dalawang  nasabing batas ng kapalaran  sa itaas ay laging ang  nangyayari sa tao. Dahil kahit naman ang gusto ng tao ay mag-isa muna siya, ang kanyang mga  ka-compatible  ay  nandoon pa rin na parang siya ay  hindi rin naman iniiwan.

         Dahil dito, ang Laws of Compatibility ay  naging isang makapangyarihang puwersa na mas madalas  ay mauwi sa pakikipagrelasyon. Narito ang  iyong  mga ka-compatible:

         Dahil ang iyong zodiac sign na Libra ay isang Air Sign, compatible ka sa mga  kapwa mo air signs. Libra, Aquarius at  Gemini dahil ang   compatibility ay simpleng nagsasabi ng “Birds of the same feathers flocks together.”

         Kaya, sa pagtanda ng tao kung sakaling ayon sa kanya ay wala pa siyang partner in life, ang makakasama niya hanggang sa huli ay ang  isa sa mga  “the same astrological element. Na para sa’yo, muli ay kapwa mo air signs.

         Ang isa pang  laws of attraction  na opposite attracts ay  hindi na nagaganap sa pagtanda ng isang tao dahil sa panahon lang ng kabataan nangyayari ‘yon. Dahil ang isa pang  kahawig ng  compatibility ay ang madalas din nating nadidinig na “Laws On Companionship”  na  ang companion sa wika natin ay kasama. Kumbaga, bakit mo gugustuhin na makasama ang kontra sa’yo?

     Bukod sa mga nabanggit ng   mga zodiac signs sa itaas, compatible rin sa’yo, Cecille, ang mga   isinilang sa petsang ika-3, 21 at 30  dahil ang tulad mong nasa 21 ay tinatawag ding mga Taong Tres dahil na rin sa kapag sinuman ang numerong 21 na date of your birth ay mauuwi sa numerong 3.

      At dahil ang 3 ay kabilang sa tinatawag na “series of three’s “  ang mga Taong Sais at Taong Nueve ay kakompatible mo rin. Tulad ng mga birthdays na ika -6, 15 at 24 pati na rin ang ika -9, 18 at 27.

At dahil ang iyong numerong  tres ay pinaghaharian din ng Jupiter, compatible rin sa’yo ang lahat ng isinilang sa zodiac signs na Sagittarius at Pisces.

Ibig sabihin, lahat ng araw na sakop ng Sagittarius at ng Pisces ay  tinatawag ding mga Taong Tres  tulad mo mismo. At bilang pagababalik –tanaw sa nasa itaas, muli, “Birds of the same feather flocks together!”

     Dahil  dito, hindi ka mag-iisa sa’yong pagtanda . Sure na sure na magkakaroon ka ng  iyong partner sa buhay na hindi ka iiwanan.

SHARE
Previous articleIngatan ang suwerteng darating
Next articleHoroscope, Pebrero 16, 2018
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here