PAHULA 4: Dapat napapanahon ang negosyo para umasenso

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Jewel.

 

Dear Sir Govinda,

         Pahula po February 14.1970  kung Saan po ako aasenso?

                       Jewel

 

 Sayo Jewel,

Ang iyong zodiac sign ay ang Aquarius, na ang Ruling Planet ay ang Saturn. Dahil mabuting malaman mo ang ilang bagay tungkol kay Saturno.

       Si Saturno, Jewel , ang tinatawag na “The Father Time.” Sa  mga Romano ang pangalan niya ay Cronos kaya   siya na nga ang tanawag  The Father of Time  kaya  dito sa sa Pilipinas, ang katumbas na salita para sa kanya ay “panahon.”

Hindi naman mahirap  na makuha na siya ang The Father Time dahil ang salitang “cronos” ay nasa chronology at  ’yon  minsan ay na uso na relos na chronograph.Na ibig sabihin mismo ang Time. Muli, sa atin ito ay ang salitang “panahon.”

Na kapag ating nadinig, maaalala natin ‘yon madalas na sabihing. “may kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay dito sa ibabaw ng lupa. Na mula mismo sa sinabi ni Haring Solomon sa kanyang Aklat sa Bible na “Eccesiates.”

Dahil  dito sa tanong mong saan ka ba aasenso ang sagot, Jewel” ay sa mga bagay na napapanahon. Ang prinsipyong ito  ay ang isa sa pinamana ni Amang Abraham sa kanyang mga anak. Si Abraham, naman, Jewel , ay ang kinikilalang  “Ang Dakilang Mangangalakal” kaya lang sobrang luma ng salitang mangangalakal kaya sa ngayon ang salitang ito ay iniuugnay sa mga binibili ng magbo-bote-garapa.

            Pero, sa totoo lang, ang salitang “mangangalakal ay ‘yon mismong salitang “negosyo” kaya nga si Abraham ang Dakilang Negosyante . Kaya siya tinawag na “dakila” ay dahil sumobra ang yaman niya sa pagnenegosyo.

Muli, ang payo niya sa kanyang mga anak mga negosyante rin dahil namana sa kanya mismo ay ang “I-negosyo mo o itinda o ilako ang mga bagay na napapanahon.” At ikaw ay tiyak na tiyak na aasenso.

Pero, ang tanong okey ba sa’yo ang magtinda? Ang sagot ay Oo, Jewel, dahil ang mga isinilang sa petsang ika -14 ay pinaghaharian ni Mercury na siya mismong tinatawag na The Goddess of Business, kaya nga, Jewel, ang salitang “komersyo” ay hinugot mismo sa salitang “mercury.”

Ngayon alam muna ang kahulugan ng date of your birth, kumilos ka , magnegosyo ka ng mga bagay na napapanahon. Hindi ka mabibigo, dahil ito ang payo ng dalawang dakilang tao. Una, si Haring Solomon na sinasabing siya ang pinamarunong sa lahat tao noon at magpahanggang sa ngayon wala mas marunong pa sa kanya.

     Oo, mahirap paniwalaan ang nasabing pahayag kaya lang ito mismo,letra por letrang mga salitang mababasa sa Bible at ang Diyos mismo ang nagsalita nito patungkol sa taglay na karunungan ni Haring Solomon.

At ang isa pa ay si Amang Abraham na  napagaling at napahusay sa larangan ng pagnenegosyo.  

      Alam mo, mas magandang ang pakinggan natin at sundin ay ang mga dalubhasa  dahil kung ang pakikinggan lang natin ay kung sinu-sino,eh, kung ano-ano lang ang mangyayari sa atin na ang ibig sabihin ay wala tayong  magandang kauuwian  dahil nga sa kung sino-sino lang at kung anu-ano lang ang ating  gagawin.

 

1 COMMENT

  1. Der sir Govinda
    Ako PO c joelyn basid may 11 1986 po birthday ko.
    Sir gusto ko lng po malaman Kong saan po ako aasenso….

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here