PAHULA 33: Madi-delay ang anumang gustuhin

PhilippineOne Daily Astrology
Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 33 para kay Mariz.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

Dec.17, 1966 ang aking kaarawan at ang birthday naman ng mister ko ay Feb.21,1963. Kailan kaya makakabayad sa akin ang nagdispalko ng pera ko sa lending? Magbabayad pa po ba siya?

       Suwerte po ba bagong bahay namin pinagawa? Kailan kaya mabebenta ang mana ng asawa ko?

      Ano kaya magiging magandang business na babagay sa akin?

      Kamusta naman po ang lagay ng trabaho ng mister ko, may tsansa po kaya mapermanent?

       Kailan po kami makakapunta sa U.S.A. Nandoon anak at apo namin? Ano po swerteng bahay na titirhan namin dito po o yung bagong bahay? Maraming salamat po. Godbless.

                                   Mariz.

Sayo Mariz,

Ang kombinasyon ng date of births ninyong mag-asawa ay nangangahulugan sa wikang English na “Delay,” sa tagalog ay “Pagkaantala.”

Ayon din sa inyong Astrology Readings ang isa pang   kahulugan ng iyong  birthday ay “Pangungulit or pagpupumilit.”

Sa unang tanong mo na makakabayad pa ang  nang dispalko ng pera ninyo? Ang sagot ay nasa inyong Astrology Readings, ibig sabihin, maaantala ang kanyang pagbabayad. Ano ang solusyon para siya ay kusang makabayad? Nasa Astrology Readings mo rin ang sagot , “kulitin mo.”

Kailan mabebenta ang bahay  na minana ng iyong asawa? Alam mo na dapat ang sagot, maaantala ang bentahan kaya huwag mo munang asahan.

Oo, may tsansa na ma-permanent ang iyong asawa dahil  ang isa sa pahabol na kahulugan ng “maaantala “ ay ang mahintay o maging mapaghintay na kapag  na nangyayari sa’yo ay   makukuha rin ninyo ang gusto ninyo. Ganundin ang sagot sa makakapunta ba kayo sa USA?

      Tungkol sa bahay, sa luma o sa bago may suwerte kayo. Bakit, dahil ang isa pang totoo sa buhay ninyo o sa inyo mismo ay kakambal na ninyo noon  pa man ang mismong suwerte.

    Ibig sabihin, saan ka man makakarating at kahit saan mapunta ang iyong asawa naroon ang suwerte. Kaya, huwag na huwag mong kakaligtaan ang tunay na dahilan  kung bakit kayo ay masuwerte.

      Si Lord mismo ang may gawa kung bakit kayo ay masuwerte. Kaya everyday, ang payo  always give thanks to the Lord. Ipinapayo rin na mahalin mo ang kapwa mo, dahil ito ay isang obligasyon ng mga taong tulad ninyo na likas na masuwerte.

       Muli,  everyday, always give thanks to the Lord!

More Astrology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here