PAHULA 3: Ang pakikibaka at ang panalo

7
800
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Jamesryan. 

 

Dear Sir Govinda,

             March  27, 1985 ang petsa ng bday ko. Magtatagumpay kaya ako  sa buhay?

                          Jamesryan

 Sayo Jamesryan,

Ang iyong zodiac sign na Aries ay si Marte ng Ruling Planet.  Ibinabalita sayo na ang kahulugan ni Marte o Mars, ay ang  “Pakikibaka at ang Panalo. Ang totoo nga, yan na mismo ang pangalan ni Marte sa wika nating mga Pinoy. 

      Nagulat ka ba, Jamesryan? Nakagugulat talaga at nakamamangha  parang huminto ang oras nang madinig o mabasa mo ang nasabing kahulugan ng  pangalang Marte. Pero, ang biglang paghinto ng oras sayo ay mawawala o muling gagana kapag   nagbalik-tanaw ka sa kasaysayan ng mga dakilang mananakop na lumitaw sa mundo. 

     Sa kasaysayan nila naroon din ang magiging kasaysayan mo. Sila na mga  tinatawag ding mga dakilang mandirigma. At kapag  nadinig mo ang salitang mananakop at mandirigma , madali munang makukuha ang kahulugan ng “Pakikibaka.” 

       Pero, bilang pagtatapat sayo, hindi lahat ng mandirigma ay tinawag na dakila ,as in, dakilang mandirigma. Dahil dito sa mundo, ang tinatawag lang na “dakila” ay yon talaga namang dakila sa galing at husay,. kumbaga, kakaiba sila at natatangi kaysa mga pangkaraniwan. 

      Dahil sa bawat pakikipaglaban nila, sila ang nanalo, hindi sila natatalo at laging sila ang nagwawagi. Ito mismo ang kapalaran ng lahat  ng nasa Aries , kumabaga,  kakambal na nila ang pananalo. 

      Dahil dito, Jamesryan, huwag na huwag mong aatrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran, huwag na huwag mong  tatalikuran ang mga laban  ng iyong buhay , harapin m ang anuman hadlang sa landas na iyong lalakaran. Dahil para sa mga nasa Aries ang panalo ay nasa pakikipaglaban. 

       At dahil si Marte ang iyong Ruling Planet ang masuwerteng kulay mo ay pula or red. Gamitin  mo ang kulay na pula at tiyak na tiyak na susuwertihin ka. Hindi naman nangangahulugan na hindi ka na gagamit ng iba pang kulay, pwede rin na magsuot ka ng ibang kulay pero ang mga personal mong gamit ay dapat na pula. 

Ang iyong masusuwerteng numero ay  9, 18, at 27 at ang iba pang numero na kapag sinuma ay 9 ang resulta. 

Sa takdang panahon ng zodiac signs na Aries, Leo at Sagittarius nasa todong lakas ang powers mo kaya ang mga  araw na sakop ng mga nasabing zodiac signs ay kabilang sa mga masuwerteng mga araw mo. 

At ang pinamabisang lucky charm mo ay ang mga bagay na gawa sa metal. Oo, gawa sa metal, hindi mahalaga kung bago o luma o sobrang antik na ang importante ay ito gawa sa metal o bakal. 

Tandaan mo,Jamesryan, itali mo sa daliri mo, ikuwintas mo  sa leeg  mo, baunin mo araw-araw at ibaon mo sa ulo mo na ang panalo ay mapapasaiyo sa bawat laban ng buhay mo.

                    

7 COMMENTS

  1. ano po ang kpalaran q, june 2,1996 po aq pnanganak may bf po aq ngaun april3,1994 sya. may dlawa n kming anak. kmi po ba magkakatuluyan? tsaka mkakapag abroad po ba aq?

  2. sir phula po aq po c zhane august 10 1979 birthday q hwalay po s aswa,,,,kmi b ng bf q mgkkatuluyan o ndi po me dti npo x gf pro ldr po sla,,,nov 10 1978 po birthday nia,,,,cla b ng gf nia ang mgkkatuluyan,,,,at tungkol nman s trbho mkkahanp p po b q ng ms maaus n trbho,,,ndi po kc sapat ang knikita q pra s mga anak ko,,,,my mganda p po bng kpalran drting s buhay q,,,,mrami po salamat,,,

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here