PAHULA 194

17
1038

Narito ang ilan sa mga katanungang ipinadala sa ating website na aking bibigyang kasagutan.

        Kung kayo ay may katanungan tungkol sa inyong kapalaran o paniginip, mag-comment or mag-personal message lamang sa ating Facebook page na PhilippineOne.

1.   Rowena Melanio

Ang Birthday ko Po.  July 23, 1969

– Ito ang taon kung saan dapat mong pahalagahan ang iyong sarili. May magaganap na pagbabago sa  career o usual routine. Magiging main focus sa taong ito ang family, love at romantic relationships. Mabuti ang taong ito upang ayusin ang anumang gusot o mga hindi pagkakasunduan. Kapag in-add ang iyong birth date, ikaw ay may personal year number 6. Ang number 6 ay magnetic number. Ia-attract mo ang anumang bagay na iyong nais o hinahangad. Ipinapayong maging positibo sa lahat ng pagkakataon upang positive outcome lamang ang ma-attract sa buhay.

2.   Menap Lala

hello po goodmorning ask ko lng po ako ibig sabihin ng volcano sa panaginip? sa panaginip ko po kasama ko family ko magswimming po sana sa dagat ngcelebrate ng Birthday ko and then ngeruption yun volcano lumabas yun lava pero safe naman po kami..ano po ibig sabihin nun salamat po

-Ang bulkan sa panaginip ay sumisimbolo sa mga suppressed emotion natin sa waking life. Nakita mong sumabog ang bulkan, nagbabadya ito ng tensiyon na magaganap.

3.   Ma Cristina De Guzman-Mago

pahula po..November 3,1987 birthday ko..thanks

– Kahaharapin sa taong ito ang isyu tungkol sa pananalapi at kalusugan. Ito ang panahon kung saan kailangan mong magpa-general checkup at i-reassess ang iyong diet at health routines. Ang taong ito ay para sa promotion, new job, at investment opportunities. Hindi ito ang taon upang sumugal sa casino at iba pang gambling activities.

4.   Lenlen Cometa de Castro

maidagdag ko lamang po na tanong ako po 2 years na po widow .my isa pong lalake na napapalit skin ngayon ang birthdate po nya ay feb 13 1988.dapt ko po ba cya pagkatiwalaan.marami pong slmat at godbless po.  gudpm po gusto ko sna po magpahula kung compatible po kmi ako po ay july 23 ,1987.widow na po ako.at cya nmn.  cya nmn po ay feb 13 1988.slmat po

-Ayon sa computation ko sa birthday ng lalaking lumalapit sa iyo, mukhang hindi siya seryoso sa iyo. Nakikita ko rin na hindi kayo magkakasundo sa maraming bagay (ayon na rin sa computation ng birthday mo), once na magkasama na kayo. Makabubuti na maging magkaibigan lamang kayo at huwag kang ma-fall sa kaniya ng lubusan.

5.   Gc Rahuga Evan

gud day…pahula po.. guia christianne nave november 20 1984 ma inn na kya aq sa deped? 2016 pa aq nag pa rank huhu

-Maghintay ka pa ng isang taon at magkakaroon ka na ng pag-asang ma-rank. Medyo malayo nga lamang sa place mo ang school na mapapasukan mo pero tanggapin mo na para makapasok ka na sa DepEd.

6.   Marites Oliva

Good day po. Ako po si Marites G. Oliva. Gusto ko po magpahula. March 16 1974 po bday ko. Gusto ko po sanang malaman kung may pag asa pa po ba akong ikasal. At kung makakalaya na po ba ako sa live in partner ko na matagal na Kong niloloko. Lahat po ng income salary , benefits dun sa Ibang babae nya binibigay at kapag sakin puro walang pera sinasabi. May 1 po kaming anak. Salamat po kung magbibigyan nio po ako ng pansin

-Alam mo, Marites, ang mga ipinapahula mo ay nasa sarili mong desisyon at paninindigan. Ikaw ang makagagawa ng mga hakbang upang makalaya ka sa ka-livein mo na niloloko ka. Puwedeng-puwede mo namang hiwalayan iyan dahil hindi kayo kasal. Hangga’t nakatali ka sa lalaking iyan, hindi mo masusumpungan ang tamang lalaking seseryoso sa iyo.

7.   Jhona De Jesus Silongan

Good day po.

Pahula po. Jonalyn De jesus Silongan. Augost 1, 1992.

– Ang taong ito ay puno ng energy na magagamit para sa pakikipag-ugnayan, paglikha ng mga bagong bagay, at pagpapaunlad o pagi-improve sa sarili. It’s your year to shine, ika nga.  Pagtuunan ng pansin ang anumang creative project na pinaplano,  tulad halimbawa nang pagpapatayo ng sariling bahay. Subukang mag-enrol sa ilang crash courses gaya ng culinary, cosmetology, o anumang field na interesado ka at sa tingin mo ay makapagpapabuti at makapagpapaunlad a iyong mga kakayahan. Ito ang taon nang pag-abot sa iyong mga pangarap. Ipakita sa mga tao kung gaano ka kahusay. Gayumpaman, ang taong ito ay puno ng ups and downs. Kung nais mong maging masaya at balanse ang buong taon, tiyaking malilinang at matutugunan mo ang iyong mga pangangailangan at pansariling kaligayahan. Iwasan ang mga taong walang mabuting maidudulot sa iyo kundi emotional damage.

8.   Lourdes Sardoma

Maari Po bang mabago Ang kapalaran ng iisang Tao Kung guhit ng palad ay hiwalay SA asawa

Lourdes sardoma 1/26/1975 po

-Sadya po kasing may mga taong ipinanganak na walang suwerte sa pag-aasawa. Mayroong ipinanganak na baluhin o namamatay ang sinumang mapangasawa niya. Ito iyong tinatawag na may hilang kabaong diumano. Mayroon din naman na nakatakdang maging lapitin ng mga biyudo/biyuda; tomboy or bading; o nang may-asawa na. Kung ang isang tao ay nakatakdang maging hiwalayin sa asawa, iyon po ang mangyayari. Ang atin po kasing palad ay nagsisilbing blueprint ng ating tadhana o destiny. Para itong plano ng isang bahay o lote. Kung ano ang nasa plano, iyon ang matutupad.

9.   Enz Coronas Bonayog

Paano po buksan yung third eye?

-Maraming paraan upang mabuksan ang third eye. Isa sa pinakamabisang paraan ay sa tulong ng regular na meditation. Palakasin mo ang iyong pineal gland. Bisitahin mo ang link na ito para sa kompletong detalye kung paano mabubuksan ang third eye: https://philippineone.com/kapangyarihan-april-30-buksan-ang-third-eye-123/

10.   Mercedes Zecari Agao

Aq. si Mercedes  zecari Agao birthday ko September 16,1974

Salamat po sa kasagutan

– Ang taong ito ay yugto ng panibagong simulain. Favorable ang taong ito sa paghahanap ng bagong trabaho, mga bagong oportunidad, at bagong relasyon.  Anumang bunga ng aksiyong gagawin sa taong ito ay makaiimpluwensiya sa susunod na walong taon.  Magiginga abala at hectic ang taong ito. Magkaroon ng higit na tiwala sa sarili upang makamit ang anumang hangarin. ang bung

17 COMMENTS

  1. Pahula Mo ako Jamille po Jan 4 1980 po ako pinanganak, may tanong po ako po ay may tindahan lagi po ako nakakakita Ng palaka sa loob Ng aking tindahan. Ano po ibig sabihin non lagi ko po sya nakikita sa loob Ng tindahan ko minsan po itinataboy ko sya mga ilang araw ay nabalik na nmn sya.at Ang Isa pa po ano po nag iintay sa akin ngaun taon na ito.salamat po at magandang umaga po.

  2. Pahula Po madalas ko Po napapanaginipan that I’m pregnant,minsan 4months na and minsan ung tipong ka buwanan ko na sya.ayoko pa talaga magbuntis,pero every time na napapanaginipan ko to in my dreams I’m happy and tanggap nantanggap ko Ang pagbubuntis ko,pls answer.thank you and God bless😇

  3. pahula nmn hindi ko alam kung nakaligtaan ko o hindi lang nabasa yun una kong padala….
    july 23 1950 ang birthday ko….sana maging maswerte na talaga ako sa darating kong kaarawan…..
    salamat po ng marami sa inyong tugon….

  4. Bakit ang mga panaginip ko po ay nagkakatotoo? Tuwing nagpupunta ako sa isang lugar, ang lagi ko nasasambit parang nakita ko na ito? Sa tingin ninyo makikita ko na yung future partner ko sa buhay? Anong senyales na makikita ko siya?

    • Kung nagkakatotoo lagi ang panaginip mo, ang tawag diyan ay prophetic dreams o premonition. About naman sa mga signs kung malapit nang duamting ang future partner mo, actually wala naman talaga itong sign. Siya ay darating na parang magnanak: sa panahon at pagkakataong hindi mo pa nga inaasahan.

  5. pahula po July 31, 1990 po ang birthday q taz c hubby naman ay May 30, 1989 at c baby namin ay February 9, 2018. salamat po

  6. Pahula po. December 11, 1986 po kaarawan ko. May pag-asa po kya akong mkapasok ng work sa cruise ship? Maraming salamat po! God bless!

    • Wala namang imposible sa isang pangarap basta ginusto at ginawan ng paraan. Kung gusto mong makapasok sa cruise ship, dapat ngayon pa lamang ay nagsisimula ka nang kumuha ng mga necessary trainings na kailangan. Kung target mo ay waitress, dapat ay may 3 years experience ka sa isang hotel. Kailangan mo ring kumuha ng SOLAS o Seaman’s book at iba pang necessary trainings. Kapag nagawa mo lahat iyan, at physically fit ka, walang hadlang para ma-achieve mo ang pangarap mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here