Pahula 193 +++

3
373

Narito ang ilan sa mga katanungang ipinadala sa ating website na aking bibigyang kasagutan.

        Kung kayo ay may katanungan tungkol sa inyong kapalaran o paniginip, mag-comment or mag-personal message lamang sa ating Facebook page na PhilippineOne.

1.   Ma Jamille Belches Bunyi

Hello po sir gusto ko po malaman Kasi po, hiwalay po ako sa unang Asawa ko ilang taon na po nakapagwork po ako sa Canada at nakilala ko ang kasamahan ko sa Canada nagkaanak po kami sa canada, umuwi PO ako Ng pinas para sa 2 anak ko po, maayos nmn PO kami Ng partner ko plano na nya kaming kunin pabalik this year sana, kaso PO may nakilala syang isang babae at dahil don iniwan nya kaming anak ko. Anong kapalaran pa PO ba naghihintay sa Amin, Ang birthday PO Ng partner ko ay June 25 1982, Sana PO mahula nyo if makakabalik pa kami Ng anak ko sa Canada since mukhang hawak na sa leeg Ng babae Ang partner ko. Salamat po

– Ito ang taon ng pagpapayabong ng iyong espiritualidad at pagkatao. Makararamdam nang kagustuhang mapag-isa at makapagmuni. Ito ang taon ng pari-recharge. Makararanas ng ilang kaganapang hindi maipaliwanag. Ito rin ang taon ng pagpaplano para sa kinabukasan. Makakabalik pa rin po kayo ng Canada sa pamamagitan ng sarili ninyong sikap. Huwag na po ninyong asahan ang ka-partner ninyo sa Canada dahil hindi na po kayo magkakabalikan. Ang magagawa ninyo ay humingi ng sustento para sa inyong anak. Makakabalik po kayo ng Canada. Pero huwag nang umasa na makababalik ka pa sa puso ng lalaking iyon. Move on na.

2.   Jennifer G. Cabrera

Good evening Maestro. Ask ko Lang po anu pong ibig sabihin ng dreams ko po na nakabuka po ung bibig ko po at may hinuhugot daw akong buhok mahaba sya at non-stop hindi sya makapal at hindi rin manipis tama lang parang kasukat po ng tali? Masama po ba ung ibig sabihin po nun? May nakapagsabi po na may taong kukulam daw po sakin. Tama po ba?

-Wala naman pong kumukulam sa inyo. Ang panaginip po ninyo ay isa lamang paalala na ingatan ninyo ang mga salitang lumalabas sa inyong bibig dahil may nasasaktan kayong tao.

3.   neriza rimas

magandang araw po madam yna ako po si neriza rimas birthday nov.15,1982… hihingi po sana ng personal reading sa inyo thanks in advance po

– Ito ang yugto ng partnership, union, and balance. Ang taong ito ay patungkol sa pag-evaluate mo ng iyong relationships. Kung hindi na masaya sa kinapapaloobang relasyon, may chance na ito ay magtapos sa taong ito. Kung kontento at masaya naman sa relasyon, ito na ang pagkakataon upang i-level up ito. Favorable ang taon kung nagpa-planong bumili ng properties o pumasok sa buhay may-asawa. Mainam rin ang taong ito upang magsimula ng bagong partnership sa negosyo. Sa loob ng taong ito, ikaw ay mapupuno ng kapayapaan, pagmamahal, at at katiwasayan ng kalooban.

4.   Rita Rodriguez Marasigan

Hello po magandang gabi po ,Rita Rodriguez Marasigan po(May 22,1974 ).Ask lng po ako may alaga kming pusa kulay puti,kuting p cya ng.mkuha ng anak ko sa plengke.Inuwi niya s amin un nung nov.2018.ano po.kyang ibig sbihin ng panaginip ng anak ko,nanganak daw po ng 5 n lht puti ung pusa nmin.hi.di.lng po.niya nasabi skin.kung llke b or bavae.ung mga.kuting n anak s pnaginip. Pwede po.bang mlaman ang kahulugan.nuon. Anak ko.po ay Si Alexa Rodriguez Marasigan B-day Feb.25,2004 Salamt po

-Wala naman pong anything magical na pakahulugan ang panaginip ng anak ninyo. Subconsciously ay gusto lang ng anak ninyo na dumami ang pusa na napulot niya. Nag-sink in sa utak niya ang pusang nahuli niya kaya sa panaginip niya ay dumami ito.

5.   Michelle

Hello po gud pm ask ko lang po Sana if makikita ko pa ba yung father ko since birth d ko nakita jan13,1982 b day ko

-Malaki ang chance na mati-trace mo ang kinaroroonan ng tatay mo (patay man siya o buhay) sa pamamagitan ng social media. Mag-post ka sa FB nang isang  panawagan na humihingi ng tulong upang matunton mo ang iyong tatay. Kung may picture ka niyang makukuha ay mas maganda. Effort lang ang kailangan mo.

6.   Bianca

Magandang araw maestro ako din po nanaginip ng 2 kulay dilaw po o gold na paru paru na sumusunod sake..ang panaginip ko naman po sinugod daw po ako sa hospital kasi manganganak na po ako sa kasalukuyan po kasi buntis ako ngyon pagkasugod po saken sa hopsital habang nasa waiting area po ako my napansin po ako dalawang paru parung malaking kulay dilaw po o kulay gold na nasa kisame at nasunod po saken kahit san po ako magpunta ano po ibig sabhin nun …salamat po

-Maganda ang ibig sabihin ng paruparo sa paniginip (regardless ng kaniyang kulay) sapagkat ito ay nangangahulugan ng bagong kabanata sa iyong buhay.

7.   liza Mendoza

ano po kaya ibig sabhin ng panaginip k n tumatawid aq sa isang npakadelikadong tulay pero nppalibutan ng mangasul ngasul ng dagat isang mgandang isla pero iyo po delikadong tulay ay aking nagawang tawirin nlmpasan k po ung tulay n un at nkatawid aq ng magandang isla

-Isang paalala ang panaginip mo na ikaw ay kinakailangang sumuong sa isang sitwasyon o pangyayari na hindi mo nakasanayan gawin. Dito ka aasenso. Huwag kang matakot sapagkat maganda ang magiging kapalaran mo sa hinaharap kung kikilos ka ngayon.

8.   Christina Acosta

Nanaginip po ang ng isang bata n mdami tae tas ngulat po ako at nsa bunganga ko ung tae dinudura ko hbng hinuhugasan ko ang tae ng bata.

-Dalawa kasi ang pakahulugan ng panaginip tungkol sa dumi. Sa ibang tao, kapag nanaginip ng dumi ay nangangahulugan ng mga paparating na gastusin. Iyong iba naman, ang kahulugan noon ay paparating na pera. Makatutulong kung obserbahan mo ang mga pangyayari sa iyong buhay sa tuwing nanaginip ka ng dumi. May gastusin bang dumarating, o kaperahan.

9.   monica edloy

help me po , lagi po akong nanaginip ng stineala minsan sapatos .. isinusuot ko daw po ito minsan magka pares minsan isa lang .. ganun din sa sapatos . ang sabi nung kainigan ko masama daw isuot lalo na kung magka pares .. kc may masama daw na mangyari sa iyong asawa o isa sa mag asawa. kaya ako po ay natatakot kc lagi po akong nanaginip ng ganito .. kaya ako po ay humihingi ng tulong po sa inyo , kc natatakot po alo sa ganitong panaginip. at ang isa pa , ano po ba ang dapat gawin upang ito po ay di magkatotoo sabi nila ito naman daw po ay mapigilan .. ano po ang gagawin ko .. salamat po sana po ay matulungan nyo po ako sa panaginip ko kc po natatakot po ako …

-Ang anumang pansapin sa paa sa panaginip ay nangangahulugan ng relasyon o pakikipagrelasyon.  Kaya ka nananaginip lagi ng tsinelas at sapatos ay dahil may makikilala kang tao na magiging bahagi ng buhay mo. Ang pagsusuot ng sapatos/tsinelas sa panaginip ay simbolo nang pagpasok mo sa bagong relasyon. Ang paghuhubad naman ay pag-iwan mo sa relasyong kinapapalooban.

10.               John paul

Hello po ako po john paul 18 years old .

Ano kaya ibig sabihin ng mga pnaginip ko napapanaginapan ko po minsan ung mga taong namatay na ,na kakilala ko namn. Minsan may napapanaginapan aq sinasabi ko my dyablo may demonyo .Tapos dalas kong bangungutin sana masagot po aq

-Huwag kang mag-aalala dahil wala namang something paranormal sa panaginip mo. Ipinapahiwatig lamang ng panaginip mo na magulo  ang takbo ng utak mo sa ngayon. Normal lang iyan sa mga teenager na gaya mo. Marami kang gustong mangyari sa buhay at marami kang takot. Ito ang dahilan kaya nakakapanaginip ka ng mga patay, demonyo, at lagi kang  binabangungot.

11.               Norcaima Abris.

Maestro pls paki paliwanag po ang panaginip ng mama ko.Nakakakilabot po kc. Napqnaginipan po ni mama ung tiya nyang namatay, ilang buwan lang po ang nakakaraan. Sa panaginip nya po, kasama ni mama ung anak ko na pumasok sa aming bahay, nakita po ni mama na ung tiya nya na namatay ay nasa loob ng bodega namin na nakatayo, di nman sya nakangiti pero di din nman sya malungkot. Tinatawag daw po sya, umiyak lang dw po si mama ng umiyak sa panaginip kc alam dw po nya na patay na ito pero di dw po sya nakaramdam ng takot, maya maya daw po ay nakita nalang dw po nya nakatabi nya na ung tiya nya na namatay kahit nakpadlock nman ung bodega, sabi sa knya “nini akuy may sasabihin sau may nakabaon na kayamanan dito sa bahay nyo hukayin ninyo”, sabay turo malapit sa gate, . Please maestro need po nmin ng kasagutan

-Batay sa description ng mama mo sa itsura ng tiya mo sa kaniyang panaginip (hindi nakangiti pero hindi malungkot), maaaring isa itong senyales na dumalaw nga ang tiya mo sa panaginip ng mama mo. Ang kayamang tinutukoy ng tiya mo ay hindi literal na huhukayin. Ang kayamanan ay ang mismong lupa at bahay. Alagaan ninyo ito at pagyamanin o kalingain. Maaaring may nag-iisip kasi na ibenta ang property at ayaw iyon ng tiya mo dahil mahalaga sa kaniya ang property na naiwan.

12.               Kate jacobe 

gudam po. Tawagin nio na lang po ako sa pangalang Kate. Lagi po kasi ako nananaginip twing madaling araw at minsan po maliwanag na lagi po kami magkasma ng asawa ko at Masaya po kami may pagkakataon naman po na kasama ng asawa ko ang papa ko na yumao. Hindi po kasi kami magkasma ng asawa ko sa ngaun. Ano po ba ibig sbhin ng panaginip ko na yun. Maraming salamat po.

-Kaya ka nananaginip tuwing madaling-araw ay dahil aktibo ang utak mo sa mga ganoong oras. Kadalasang vivid o malinaw ang mga panaginip natin tuwing madaling-araw dahil ito ang kahimbingan ng ating pagtulog. Kapag tayo ay tulog ay aktibo pa rin ang ating utak sa tinatawag na Alpha state o deep meditation state. Ang asawa at papa mo sa panaginip ay hindi naman literal na sila iyon. Simbolo lamang sila na kinakailangan mong palakasin ang iyong masculine side. Ibig sabihin, huwag puro emosyon ang papaandarin mo. Dapat ay matuto kang magkontrol ng damdamin.

13.               hazyl juayang

Pinanganak po ako ng April 21 1982 at di po ako nag swerte sa mga naging asawa ko nauwi lang sa hiwalayan at nagkaroon ako ng 2 kids sa una at 2kids sa pangalawa sa ngayon po meron ako bf in social media black american sya pinanganak ng June 26 di po ako sure ano years nakalimutan ko..Kami po bay magkakatuluyan at maging masaya?

-Ikinalulungkot ko pero hindi kayo ang magkakatuluyan ng Black American na karelasyon mo sa social media. Mag-ingat ka dahil napakalaki ng chance mo na maloko na naman. Malungkot man sabihin pero sadyang may mga taong mas okay kapag single. Matuto kang mahalin at palakasin ang iyong sarili at higit sa lahat, ubusin mo na lamang ang pagmamahal mo sa iyong mga anak para hindi ka nangungulila.

14.               Elisa D. Bendijo

Nanaginip po ako ng dunadaan po ako sa isang pababang kalsada tapos po sa kaliwa ko po at may palayan na malapit ng nahinog ang mga bunga na napakaganda,tapos po sa kanan naman po at karagatan. Ano po ba ang ibig sabihin into. Maraming salamat po.

-Malinaw na ang panaginip mo ay pahiwatig na ikaw ay daraan sa crossroad o sangandaan ng buhay, kung saan kinakailangan mong mamili sa dalawang pangyayari na makakaapekto ng malaki sa iyong kapalaran. Maging matalino ka sa mga desisyon at hakbangin mo sa buhay. Malapit nang maganap iyan.

15.               Garnet16

Hi Mr.Ong. Good day po! Tawagin niyo na lang po akong Garnet16 . May tanong po ako .Nanaginip po ako ng ahas sa tanong dagat po .Hindi ko alam kung ano ibig sabihin non po .Sana masagot niyo po ang panaginip ko .

Thank u !!

-Tatlo ang maaari kong ipakahulugan sa panaginip mo. Ang ahas sa panaginip ay maaaring sumimbolo sa pagnanasa sa sex. Ang ahas kasi ay katumbas ng penis. Maaaring fertile ka ngayon kaya ka nakakapanaginip ng about sa sex. Ang ahas sa panaginip ay maaari ring mangahulugan ng mga pekeng kaibigan na tatraydor o tumatraydor na sa iyo sa mga sandaling ito. Sa isa pang pakahulugan, ang ahas ay sumisimbolo sa karunungan o wisdom. Maaaring may naglalarong ideya sa kaisipan mo na kinakailangan mo nang isakatuparan upang magkaroon ng positibong epekto sa iyong buhay. Alin diyan ang applicable sa waking life mo? I-assess mo ang iyong sarili.

16.               Caps

Nanaginip po ako na mraming suot n gold at bumibili pa ako ng gold

Ang panaginip mo ay nagsisilbing scapegoat mo sa waking life. Maaaring nakararanas ka ng financial burden kaya sa panaginip mo ay nakakakita ka ng maraming ginto. Ang ginto ay kayamanan, na siyang hinahangad mong magkaroon sa tunay na buhay.

3 COMMENTS

  1. Hi good am po pahula nmn po balak ko po mg abroad ngaung taon matuloy po kaya ako.may 5 1987 po. Birthday ko ..

  2. Abangan po ninyo ang kasagutan sa inyong tanong sa susunod na isyu ng PAHULA corner. Patuloy lang pong sumubaybay sa PhilippineOne!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here