Pahula #192

12
471

Narito ang ilan sa mga katanungang ipinadala sa ating website na aking bibigyang kasagutan.

        Kung kayo ay may katanungan tungkol sa inyong kapalaran o paniginip, mag-comment or mag-personal message lamang sa ating Facebook page na PhilippineOne.

1.   Wennie Viernes

Ako po c wennie Viernes,, hiwalay sa asawa at may isang anak, hihingi lng po ng advice para maging gabay ko, Thank you po in advance.

-Sadyang challenging ang pagiging single parent sapagkat mag-isa mong itataguyod ang iyong anak. Saludo ako sa mga tulad mong single parent. Ang maipapayo ko sa iyo ay guguluin mo ang buong panahon at pagmamahal mo sa iyong anak. Huwag ka ring magsasabi ng mga hindi magagandang bagay tungkol sa iyong dating asawa. Hangga’t maaari ay hindi masira ang pagtingin ng iyong anak sa kaniyang ama upang manatili ang respeto. Basta’t ituloy mo lamang ang mga produktibong bagay na iyong magagawa para sa iyong sarili at higit sa lahat, para sa iyong anak. Kung sakali man na dumating muli ang pag-ibig, maging maingat ka at timbangin ang lahat bago sumuong muli upang hindi mabigo at masira ang pagtingin sa iyo ng iyong anak.

2.   Honey

Ako po si Henrietta Refe July 15, 1968 nais ko po malaman kung makakapag asawa po ako at kung ano ang kapalaran ko sa buhay? Maraming salamat sa sa gabay ninyo.

– Ito ang taon ng pagpapayabong ng iyong espiritualidad at pagkatao. Makararamdam nang kagustuhang mapag-isa at makapagmuni. Ito ang taon ng pari-recharge. Makararanas ng ilang kaganapang hindi maipaliwanag. Ito rin ang taon ng pagpaplano para sa kinabukasan. May makikilala ka (ngayong taon), pero hindi siya ang makakatuluyan mo. Huwag mawalan ng pag-asa sapagkat ang tamang tao para sa iyo ay darating sa tamang panahon. Habang wala pa siya, maging wais ka sa pag-entertain sa mga tao. Huwag magmadali. Haste makes waste, ika nga.

3.   Ann

Hi po! Ako po ann*sagittarius. Gusto ko lng po sna malaman ang panaginip ko na may nakita daw akong isang batang babae na may hawak na isang bag na malaki na naglalaman ng napakaraming pera.milyon ang laman ng bag.kumuha ng isang milyon ang bata at binulsa nya to.sa isang banda may nkita akong maraming ice cube.pero marami sila.umuusok ang ice at ramdam ko ang lamig nito.

Ano po kya ibig sabihin ng panaginip ko? Maraming salamat po sa pagtugon ng aking hiling.

-Ang bata at pera sa panaginip mo ay pahiwatig kabuhayan. Ang yelo ay simbolo ng pag-asa na unti-unti nang nawawala o namamatay.

4.   Rita Rodriguez Marasigan

Ako po si Rita Rodriguez Marasigan at birthday ko po ngaun May 22 1974 . Makakavayad po b kaya ako sa aking mga bayarin? Makakapag abroad p po ba ang Mr.ko na si Freddie Sawali Marasigan, June 11 1977 ang b-day niya At Alexa R.Marasigan anak ko .February 25 2004 ipinanganak Salamat po

-Nang i-compute ko ang birthday mo (May 22, 1974) at ng iyong anak (February 25, 2004), kayo ay parehong may personal year no. 3.  Ang 2019 ay puno ng energy na magagamit para sa pakikipag-ugnayan, paglikha ng mga bagong bagay, at pagpapaunlad o pagi-improve sa sarili. It’s your year to shine, ika nga.  Pagtuunan ng pansin ang anumang creative project na pinaplano,  tulad halimbawa nang pagpapatayo ng sariling bahay. Ito ang taon nang pag-abot sa iyong mga pangarap. Ipakita sa mga tao kung gaano ka kahusay. Gayumpaman, ang taong ito ay puno ng ups and downs. Kung nais mong maging masaya at balanse ang buong taon, tiyaking malilinang at matutugunan mo ang iyong mga pangangailangan at pansariling kaligayahan. Iwasan ang mga taong walang mabuting maidudulot sa iyo kundi emotional damage.

Tungkol naman sa katanungan mo kung makakabayad ka ng mga bayarin ngayong 2019, makakabayad ka naman paunti-unti, pero huwag mong susubukang mangutang para lamang makabayad dahil lalo kang mababaon. Masasangkot ka rin sa gulo kapag nagkataon.

About naman sa mister mo, makakapag-abroad siya, pero hindi ngayong 2019.

 5.   Neriza Rimas

ako po c neriza rimas november 15,1982 po ang bday ko.. may 2 anak at hiwalay sa asawa.. hihingi po sana ng personal reading sa inyo.. upang maging gabay ko.. thanks in advance po

– Ang 2019 ay taon ng partnership, union, and balance. Ang taong ito ay patungkol sa pag-evaluate mo ng iyong relationships. Kung hindi na masaya sa kinapapaloobang relasyon, may chance na ito ay magtapos sa taong ito. Kung kontento at masaya naman sa relasyon, ito na ang pagkakataon upang i-level up ito. Favorable ang taon kung nagpa-planong bumili ng properties o pumasok sa buhay may-asawa. Mainam rin ang taong ito upang magsimula ng bagong partnership sa negosyo. Sa loob ng taong ito, ikaw ay mapupuno ng kapayapaan, pagmamahal, at at katiwasayan ng kalooban.

6.   Xandra

nanaginip po ako na nasa kalsada po kaming tatlong magiina ng biglang bumagsak ang tatlong punong magkakatabi at matataas. Sa harap po namin bumagsak pero di po kami natamaan at ang isa ay hinawi ko para di kami matamaan

-Ang pagbagsak ng puno ay paalala na pag-isipan mong mabuti ang iyong mga desisyon na may kinalaman sa pamilya, partikular sa iyong mga anak. Ang pagbagsak ng puno ay nagsisilbing pahiwatig na huminto ka muna sa mga plano mo at pag-aralan itong mabuti. Huwag agad sasabak sa mga bagay na hindi napag-isipang mabuti sapagkat maaapektuhan nito ang iyong pamilya sa pangkalahatan. Sa iba pang interpretasyon, ang pagbagsak ng puno ay senyales ng isang problema na paparating na sosopresa sa inyo.

7.   Lyn Jaz

Hello pwede po pahingi nang advice

Isa na cguro akong pinakamalas na tao sa mundo

Na scam ako..nawalan nang trabaho may asawa pero walang anak.hirap pa sa buhay

Ipinanganak ako noong october 6 1991

Sana tulungan po ninyo ako kung ano ang mali sa akin

-Totoo na may malas. Pero kadalasan, ang mga kamalasan na nangyayari sa ating buhay ay kagagawan rin natin. Tulad niyang pagkaka-scam mo. Maaari mo namang maiwasan iyan kung naging matalino ka in the first place. Sana man lang ay siniyasat mong mabuti sa una pa lamang ang pinasukan mo. Sa dami na ng mga nari-report na scam, sana ay nagtanda ka doon at naging wais ka sa paglalabas ng pera. Ang pagkakawala naman ng trabaho ng asawa mo ay sadyang malas nga. Pero, normal itong nangyayari  sa kahit na kangino. Sadyang maraming natatanggal sa trabaho sa panahon ngayon. Dapat ay may Plan B kayo pagdating sa mga bagay na ito para handa kayo. Pero, sabi nga, lahat ng problema ay may solusyon. Hindi tayo bibigyan ng problema na hindi natin kakayanin malagpasan. Ito ay mga pagsubok ng buhay na magpapatatag sa ating pagkatao. Manalangin ka na bigyan kayo ng lakas ng loob at pag-asa na malagpasan ang lahat ng pagsubok sa inyong buhay pamilya. Magsimula na ring kumilos para mabawi ang mga nawala. Tamang diskarte at tiyaga ang kailangan, kasama ang determinasyon at pag-asa. About naman sa magiging kapalaran mo ngayong 2019, ayon sa birth date mo, ikaw ay may personal year no. 1. Ang taong ito ay yugto ng panibagong simulain. Favorable ang taong ito sa paghahanap ng bagong trabaho, mga bagong oportunidad, at bagong relasyon.  Anumang bunga ng aksiyong gagawin sa taong ito ay makaiimpluwensiya sa susunod na walong taon.  Magiginga abala at hectic ang taong ito. Magkaroon ng higit na tiwala sa sarili upang makamit ang anumang hangarin.

8.   Angelina Gatchalian

ANGELINA GATCHALIAN

OCT22,82

1CHILD(BOY)

– Kahaharapin sa taong ito ang isyu tungkol sa pananalapi at kalusugan. Ito ang panahon kung saan kailangan mong magpa-general checkup at i-reassess ang iyong diet at health routines. Ang taong ito ay para sa promotion, new job, at investment opportunities. Hindi ito ang taon upang sumugal sa casino at iba pang gambling activities.

9.   Ma Jamille Belches Bunyi

Papahula PO sana ako, Ma. Jamille Belches Bunyi po jan 4,1980

        -Magiging main concern ang tungkol sa health at financial. Napakalaki ng chance ng pagkakasakit kaya bantayan ang kalusugan. Huwag babalewalain ang anumang nararamdaman sa katawan upang hindi magkaroon ng mas mabigat na komplikasyon. Medyo magastos rin ang taon na ito para sa iyo. Pero marami rin naman na naghihintay na opportunity.

10.   Genalyn

Ako po ay canserians july10-1985 Anu pong magandang negosyo ang nababagay s akin sir maestro?

Nasa bahay lng po nag.aalaga ng mga anak at asawa pero hindi po ako mapapakali hanggat wala po akong kinikita,,,salamat po

Sana po ay mapansin po ang mesg ko😊

-Angkop sa iyo ang online business. I-assess mo ang iyong sarili kung ano ang bagay na hilig mo (food, cosmetic, RTW, gadget, etc.) Iyon ang market mo at iyon ang ibebenta mo online. Papatok ang online business mo dahil isa kang Cancerian ay likas sa mga gaya mo ang husay sa paghawak ng negosyo. Go for it.

12 COMMENTS

  1. Hello po gud pm ask ko lang po Sana if makikita ko pa ba yung father ko since birth d ko nakita jan13,1982 b day ko

    • Hello po. Gusto ko sana malaman anu magiging future ko. Marami na po nangyayari sa buhay ko na hindi maganda. Disappointed po at hindi ko alam gagawin ko para maitama mga pagkakamali ko po. Sana matulungan nyo po ako. Salamat po

    • Abangan po ninyo ang kasagutan sa inyong tanong sa susunod na isyu ng ating PAHULA corner. Patuloy lamang pong sumubaybay sa PhilippineOne!

    • Abangan po niyo ang kasagutan sa inyong tanong sa susunod na isyu ng ating PAHULA corner. Patuloy lamang pong sumubaybay sa PhilippineOne!

      • Hello po sir! Ako po c Amalia at Dec 26,1958 po ang birthdate ko. Ano po magiging future ko s bagong lipat po kmi sa Vancouver at galing po kmi ng Calgary.. Maraming salamat po sa inyo!👍🙏

  2. Hello po magandang gabi po ,Rita Rodriguez Marasigan po(May 22,1974 ).Ask lng po ako may alaga kming pusa kulay puti,kuting p cya ng.mkuha ng anak ko sa plengke.Inuwi niya s amin un nung nov.2018.ano po.kyang ibig sbihin ng panaginip ng anak ko,nanganak daw po ng 5 n lht puti ung pusa nmin.hi.di.lng po.niya nasabi skin.kung llke b or bavae.ung mga.kuting n anak s pnaginip. Pwede po.bang mlaman ang kahulugan.nuon. Anak ko.po ay Si Alexa Rodriguez Marasigan B-day Feb.25,2004 Salamt po

    • Abangan po ninyo ang kasagutan sa inyong tanong sa susunod na isyu ng ating PAHULA corner. Patuloy lamang pong sumubaybay sa PhilippineOne!

  3. Hello po sir gusto ko po malaman Kasi po, hiwalay po ako sa unang Asawa ko ilang taon na po nakapagwork po ako sa Canada at nakilala ko ang kasamahan ko sa Canada nagkaanak po kami sa canada, umuwi PO ako Ng pinas para sa 2 anak ko po, maayos nmn PO kami Ng partner ko plano na nya kaming kunin pabalik this year sana, kaso PO may nakilala syang isang babae at dahil don iniwan nya kaming anak ko. Anong kapalaran pa PO ba naghihintay sa Amin, Ang birthday PO Ng partner ko ay June 25 1982, Sana PO mahula nyo if makakabalik pa kami Ng anak ko sa Canada since mukhang hawak na sa leeg Ng babae Ang partner ko. Salamat po

  4. Hi po isa po aq sa masugid nyong follower gusto ko lang po malaman kung mag tatagal o mareregular po sa aking work ngaun isa po ang lending collector, o may mas maganda pong oppurtunity na nkalaan para po skin kc po npakahirap po sa work ko ngaun,..at magkakaroon pa po ba aq ng partner in life o asawa?, sna po mabigyan nyo po aq ng kasagutan maramin pong salamat at godblessed po always.arlene reyes march 31, 1982

  5. Comment:hello po pued po pahula miss leo nlng po itawag nio skin august 10 1979 hiwalay n sa aswa at may mga anak,,, ask ko lng po kung ano mgiging kapalaran ko dto sa ibang bansa,,,at s bf ko po kung loyal po b xa skin kht malayo po aq s knya at kung magtatagal po b kmi,,, salamat po

  6. Abangan po ninyo ang kasagutan sa inyong tanong sa susunod na isyu ng ating PAHULA corner. Patuloy lamang pong sumubaybay sa PhilippineOne!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here