PAHULA 186 ni Sir Govinda Jeremaya

2
203
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

BIGYANG DAAN natin sa ngayon request ni gie lanorio

Dear Sir Govinda Jeremaya,

   Hello po! Itatanong ko lang po sana kung may mga kaugnayan ba sa dalawang nagmamahalan o mgkarelasyon ang petsa kung kelan nagung sila? Salamat po!

                         gie lanorio

Saiyo gie,

Oo ,may kaugnayan sa dalawang magkarelasyon ang  petsa kung kailan sila naging sila na nga. At malaki ang papel ng date  kung kailan sila nagsimulang magkaroon ng relasyon.

Ang bawat petsa ay pinaghaharian ng astrological planet kaya  kapag ang boy ay Aries ang zodiac sign  at ang petsa ng kung kailan niya nakarelasyon ang  isang girl ay pinaghaharian din ni Marte na ang ruling planet na Aries , ibig sabihin, ang  maghahari din sa relasyon  ay ang boy.

Kapag naman ang girl ang isinilang sa zodiac sign na Aries at petsa kung kailan sila naging sila ng karelasyon niya ay pinaghaharian ni Marte ang girl ang manaig sa kanilang relasyon.

Ganundin sa iba pang mga zodiac sign na kung ano ang ruling planet ng  isang zodiac sign at kung ano ang  astrological planet na naghahari sa time or date na kung kailan sila nagkaroon ng relasyon ay may mahalagang papel na gagampanan sa paano tatako ang kanilang relasyon.

Ito ang lihin na dahilan kung bakit sa may asawa kung minsan ay “under” ng babae si mister. At may nakikita rin tayo na ang mister ay sobrang asal hari na ang asawa ay aping-api.

Kapag naman ang petsa kung  kailan naging sila ng kanyang karelasyon ay compatble sa kanilang dalawa ang relasyon ay  sure na sure na mauuwi sa maganda.

Ito naman ang natatagong dahilan kung bakit ang  marriage ay  nauuwi sa “Marrige Made in Heaven,”

Kaya kung ano ang mag-asawa ba ay yayaman ang sagot ay pwedeng makita sa petsa kung kailan sila nagkaroon ng relasyon ng kanyang asawa.

Kung ang  magkasintahan ba ay maging foreever, makikita rin sa date kung kailan ba sila naging sila ng kanyang  mahal.

Ganundin sa negosyo kapag hindi magkatugma ang  mga birthdates at ang date of enggament ,hindi mag-chi-click ang kanilang itatayong negosyo.

At kung  hindi magbibigaya ang dalawang magkarelasyon na ipipilit ng isa ang kanyang gusto pero hindi naman ang kanyang astrological planet ang naghahari sa date na kung kailan sila naging sila , masasaktan lang ang magpipilit.

Kaya noon  pa man ang mga Hari, Reyna,Prisesa at Pinsipe ay nagtatanong muna sa mga astrologers kung ano ang magadang petsa sa mga aktibidad ng kanilang buhay para makatiyak na ang kabiguan ay hindi nila matitikman.

Kahit naman ang mga magsasaka  ay inaalam muna kung kailan ang masuwerteng dates sa pagtatanim at pag-aani .

Dahil kapag ang date of planting ay hindi naman masuwerte , walang mapapala ang nagtanim at kapag ang time of harvest ay hindi mapalad na araw , malulugi lang ang aani.

Kaya ang date kung  kailan naging magkarelasyon ang dalawang nilalang ay nagsasabing ito rin ang date na kung kailan ay magtatanim sila ng pagmamahal sa bawat isa.

Na kung hindi masuwerte ang petsa ng kanilang pagsisimula, sila ay magkakahiwalay . Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

2 COMMENTS

  1. salamat po sir govinda jeremaya sa pagsagot ng sulat ko..anu po ang masasabi ninyo sa petsang uno kung kelan nging mgkasintahan ang dlwng tao salamat po??

  2. HELLO SIR GOVINDA JEREMAYA…
    ANU po ang sakto o masasabi ninyo sa petsang 1 n nasa buwan ng mayo n my astrological planet n venus n xa rin pong rulling planet ng babae..at ung lalaki nmn po is nasa earth sign nmn ang knyang bdate pero iba ang rulling planet nya…paki paliwanag nlng po sana ulit SIR GOVINDA kung mabasa niyo ang comment ko salamat po…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here