PAHULA 183 ni Sir Govinda Jeremaya

0
95
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

BIGYANG DAAN natin sa ngayon request ni Marites Añana Vigonte.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Gusto ko  pong malaman ang kapalaran ko sa 2019 about sa pamumuhay namin po at lovelife . Ang Bithday oct 24 1978,Year of Horse.

Marites.

Saiyo Marites,

Sa huling bahagi ng  kasalukuyan  year, 2018. By December , maglalaaro na parang nalalaban o nagpapaligsahan sa isipan mo ang matinding pag-aalala at ang  pag-asa na  gaganda na ang buhay ninyo .

Habang nangyayari ito, sisingit naman sa isip mo ang  paano ka ba liligaya dahil sa ayon saiyo hindi ka naman masaya .

Sa unang bahagi ng  year  2019 , from January and February, mas lalo ka pang nenerbiyusin dahil mas lalala sa dati ang iyong pag-aalala na para bang ang iyong pag-asa ay natalo na.

Pero by March, biglaan makakatanggap pa ng biyaya mula sa langit na nagsasabing pwede munang simulan ang  pagpaaganda ng iyong kinabukasan. Kaya lang ,ikaw ,ay pinapayuhan na ang suweerte mong matanggap ay ilagay mo sa paano ka uunlad.

Huwag mong kakalimutan ang pagkakamali ng maraming Pino na hiling ng hiling ng saklolo mula sa langit para  gumanda ang buhay sa hinaharap pero ng mawahakan na ang suwerte, “bili dito-bili doon.gastis dito –gastos doon, kain dito-kain doon.”

Kaya wala ding nangyari sa kaloob ng langit  , hindi na napunta sa pagpapaganda ng kinabukasan dahil inubos na sa pagpapasarap sa kasalukuyan.

Ganyang ang buhay ng Pino sa ngayon , “mangungutan , ang katwiran kaya mangungutan  ay gagamitin  sa negosyo pero ng nakautang na, hindi ginamit sa negosyo , pinambili ng bagong cellphone at usong damit.”

“ Kumain ng masarap, sinama pa ang mga kaibigan, mamasyal sa mga tourist place na parang  mayaman na hindi na maghihirap.”

“ Ang iba naman, nag –dowan sa bagong car kahit alam na hindi naman siya makakapagbagay ng  monthlu obligation, Ang iba pa bimili ng malaking bagong TV dahil ang kanyang kapit-bahay may magandang TV at para hindi matalo , bimili rin ng ref, mas malali kaysa sa kapit-bahay.”

Wala namang masama sa ganitong buhay, dahil dito sa mundo ang lahat ay nabubuhay sa kompitensya kaya lang ang  dapat pag para sa kinabukasan , sa kinabukasan ilalagay. Sa mga nasa itaas na kwento ang pangako sa sarili na pagagandahin ang kinabukasan na nakalimutan dahil ang pinaganda ay ang kanyang kasalukuyan.

Pansamantala , nakaranas ng sarap ng buhay ang mga nasa kwento sa itaas pero ‘di nagtagal tawag muli ng  tawag sa langit, hiling ng hiling muli at sobrang nakikiusap. Kaya lang bingi na ang langit sa mga hiling ng hindi naman tumutupad sa kanilang mga pangako sa sarili.

Kumbaga, ang sabi ng langit, “hindi naman ang langit ang  dinaya mo ,kundi ang sarili mo.”

Dapat kumuha ka ng aral sa buhay sa mga kwentong –buhay Pinoy  para  kapag dumating na saiyo ang super gandang “Gift From Above” hindi masayang at hindi mawaldas.

Ang tungkol sa lovelife , pwede mo ring hiligin sa Itaas dahil ayon sa kapalaran mo simula ngayon  hanggang sa next year ay bukas ang “Pintuan ng Grasya ng Langit” para saiyo. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here