PAHULA 181 ni Sir Govinda Jeremaya

1
298
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

BIGYANG DAAN natin sa ngayon request ni Amie.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Pahula po ako ,8/10/79 , po birthday ko ,ano po mging kapalaran ko this year at sa lovelife po. Salamat po ng marami.

                        Amie.

Saiyo  Amie,

Sa remaining days of this year ,magpapatuloy ang nadadama mong  kawalang katiyakan ng iyong life. Magkaganunman, dadalawin ka ng magagandang kapalaran na ang tawag ay “Biglang Suwerte.”

Dahil ang tao ay sumasaya kapag sinusuwerte  , mainam na ang nagsasabing saiyo ng totoo na nag  tunay mong  suwerte ay sa next year padadapo sa kapalaran mo.

Maraming klase ng suwerte.Kumbaga,  nasa iba’t-ibang larawan  buhay angmga suwerte. Kaya nga kung minsan pero madalas din naman, ang tao ay sinuwerte sa hanap-buhay  pero  hindi  pa rin siya ganap na sumaya.

Ang iba nanalo sa mga pakikipagsapalaran kaya nakaranas ng sobrang kagalakan  pero naroroon pa rin ay  hindi nawawala ang kanyang  kalungkutan.

Ang iba naman nagkaroon ng katuparan ang matagal na niyang pinapangarap na siyaay magkaroon ng negosyo kaya siya ay nakaranas ng  sobrang masayang pakiramdam pero ganun pa rin, nandun pa rin ang kanyang lungkot.

Ang iba nagkaroon ng  mga bagong kaibigan na nagpapasaya sa kanya na kapag wala ang  mga kaibigan niya hinahanap-hanap niya pero ang isang  talagang hanap niya na  kanyang  tunay na ligaya ay parang pinagdadamot pa rin ng kanyang kapalaran.

Kaya nga muli, ang mga suwerte sa buhay ay  may iba’t –ibang larawan. Kaya nga sa totoo lang wala namang karapatan ang tao na magsabing siya ay puro na lang kamalasan.

Ibinabalita iyo ng iyong kapalaran sa month of March ,sa panahon ng New Moon, ang tunay mong ligaya ay  papasok na saiyong buhay.

Ito ay para sa lovelife mo at hindi para sa ibang aspeto ng iyong buhay.

Unat ang buhok, mahahaba ang extrimities ,may kapayatan at  naparaming pangarap sa buhay at ang pinakahuling pangarap niya ay ang makasama ka sa kanyang mga tagumpay.

Para hindi ka maligaw  o mamali sa iyong buhay, siya ay papasok pa lang saiyong kapalaran sa nasabing  panahon , kaya , sa kanyang  pagpasok panatiliin mo lang na  siya ay kilala muna dahil sa mga  paunang imporamasyon sa itaas.

Kumbaga, papasukin mo muna ,ibig sabihin, iwasan mo ang mabilisang pakikipagrelasyon na months lang ang nakakalipas ay kayo na agad.

Dahil dito ang isa pang masayang balita ng iyong kapalaran ay nagsasabing the best time na aktuwal na maging kayo na ay sa Month of September sa panahon ng Full Moon.

At ang isa pang mahalagang kailangang iyong malaman ay siya ay bigay saiyo ng iyong kapalaran kaya  siya ay iyong ingatan. Syempre, iyong mahalin for life. Good Luck and God

 

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

1 COMMENT

  1. hello po sir govin..puwede nyo po ba ako hulaan..ipinanganak po ako nung april 23,1968..umabot na ako sa ganitong edad hindi pa rin ako umaangat sa buhay puro problema nalang ang dumarating sa akin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here