PAHULA 180 ni Sir Govinda Jeremaya

0
238
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

BIGYANG DAAN natin sa ngayon request ni Rodylyn manzano.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Hello po ,Sir! First time ko po magpahula, nandito po ako sa Rhyhad.Ano po kapalaran ko dito sa Saudi Arabia? At ano po naghihintay sa akin na kapalaran? At sa aking buhay pag-ibig,

sa pamilya at sa mga anak ko? December 18, 1978.

                                            Rodylyn.

Saiyo Rodylyn,

Inutusan ka ng iyong kapalaran na mag-abroad. Ibig sabihin, kaya ka nagkapag-abroad ay hindi dahil saiyong sarili kundi dahil mismo sa inutusan ka ng iyong kapalaran.

Lihim na nagbigay saiyo ng mensahe ng iyong kapalaran na nagsasabing kung hindi ka mag-aabroad walang mangyayaring maganda saiyong buhay.

Ano ang napapala ng tao kapag siya ay hindi sumunod sa Utos ng kanyang kapalaran?

1)      Patuloy siyang daranas ng  paghihirap.

2)      Siya ay  makakaranas din ng pang-aapi mula sa mga malalapit sa kanya.

3)      Kahit anong gawin niya hindi  makausad ang kanyang life.

4)      Hindi niya maaalis ang sobrang lalim na kalungkutan na hindi rin naman niya matukoy kung ano ang tunay na dahilan.

5)      Magtatangka siyang gumawa ng paraan para gumanda ang  kanyang kalagayan pero siya ay mabibigo.

6)      Hindi niya maasahan ang mga akala niya ay susuporta sa kanya.

7)      Lalayuan siya ng  maraming mga kaibigan na sa una ay akala niya ay mga  close friends niya.

8)      Hindi niya mareremedyuhan ang  paglalala ng  kahirapan.

9)       Mababaon siya sa utang.

10)   Pagsasamantalahan siya ng kanyang  kapwa.

11)   Iiyak siya ng  iiyak.

Dahil sa mga ito , wala na siyang magagawa kundi ang sumunod sa Utos ng kanyang

kapalaran.

Ano naman ang mapapala ng  sumusunod sa Utos ng kanyang Kapalaran?

12)  Dahan-dahan  gaganda na ang kanyang buhay hanggang sa pwede na niyang paghandaan ang kanyang kinabukasan.

13)   Dahan-dahan tatakasan na siya ng kanyang mga problema hanggang sa tuluyan na siyang  magkaroon ng  “Problem Free Life.”

14)  Ang kanyang lovelife ay magkakaroon ng “highest level of happiness.” Subalit ito ay  mangyayari lamang kapag ang dahilan ng kanyang pag-aabroad ay hindi niya nakalimutan at ito nga ay ang  para sa pagpapaunlad ng buhay at hindi para sa ibang bagay.

15)   Ang pamilya ay  magkakaroon ding ng magandang buhay.

16)   Ang mga anak ay mabibigyan ng pagkakataong matapos sa kanilang pag-aaral.

Para saiyo , Rodylyn, ang pangarap mong  umangat ang iyong kalagayan ay dapat na huwag na huwag mong kakalimutan. Ibig sabihin, kahit na umangat na ang iyong buhay, mangarap ka pa rin at sa huli ay matutuklasan mo ang isang  lihim ng buhay na nagsasabing  ang hindi huminto sa  kapaangarap ay ang  siyang nakakarating sa Tugatog ng Tagumpay.

Ibig sabihin, iha,  ang pangarap ay nagdadala sa tao na siya ay umangat at  makarating sa mataas na kalagayan pero ang  mararating niyang mataas na kalagayan ay hindi  ito ang  Tugatog ng Tagumpay na muli ay para lang sa hindi  humihinto sa pangarap. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here