PAHULA 177 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

BIGYANG DAAN natin sa ngayon request ni  Michelle Amador.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

     Sunod -sunod na kamalasan nangyayari sa buhay ko na pagkabigo sa pag lbig at sa trabaho.Puro  hinagpis po. October 11,1991 po ako.

                                                        Michelle.

Saiyo Michelle,

Sunod-sunod ang mga hindi magagandang pangyayari sa buhay ng tao kapag  hindi niya sinasakyan ang kanyang kapalaran. Kumbaga, tulad ng isda na sumasalungat sa agos , siya ay masaktan, masusugatan at  manlulumpaypay.

Ang ibig sabihin ng manlulupaypay ay ang wala na siyang lakas, dahil sa sobrang pagod at hirap ay hindi na halos makagalaw. Kaya siya rin ay masasabing bigo-bigo sa buhay.

Pero kapag sinunod ng tao ang  kanyang kapalaran  dadalhin siya nito sa kung saan ay yakap niya ang kaligayang kanyang inaasam-asam.

Eto ang mga dapat mong sundin na ikunsidera mo na utos ng iyong kapalaran:

1)      Bawal saiyo ang maagang pakikipagrelasyon. Sumunod ka! Paano kung hindi ka susunod? Eh, panu pa nga ba, kundi mabigo ka lang.

2)      Kaya  ang paniwala na ang tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran ay huwag na huwag mong sasakyan dahil  ito mismo ang numero unong dahilan ng  kabiguan.

3)      Lalo na ang sinasabi ng marami na kung ano ang gusto ko, iyon ang mangyayari sa buhay ko.  Marami ng ipinahamak ang paniwalang ito na sa huli ay nagsisikamot ng  ulo dahil  sila ay bigo rin.

4)       Ang mga ito mismo ang tunay na sanhi ng iyong sinasabing kamalasan na iyong naranasan.

5)      Sa careeer ang utos saiyo ng kapalaran ay ikaw ay magnegosyo. Paano kung ang paniwala mo ay ang luma at walang ng bisa na ipinamana sating ng sinaunang henerasyon na kaya mag-aaral ay pumasok sa trabaho .

6)       Ito ay natanim sa kalamayan ng mga unang henerasyon kasi itinamin ito sa isip ng mga Pinoy ng mga dayuhan na may –ari ng malalaking negosyo at dahil sila ay  nasa negosyo , syempre kailangan nila ng mga manggagawa kaya ang mga Pinoy ay ginawa nilang mga manggagawa na tulad ng nasabi na itinamin sa ating isipan na mas maganda ang mamasukan kaysa sa ibang larangan ng buhay.

7)      Ito rin ang dahilan kung bakit ang bansa natin ay hindi makaahon sa kahirapan dahil nagpapatuloy na tayo ay alipin ng mga dayuhang mangngalakal.

8)      Pero naiiba na ngayon ang takbo ng  ating kamalayan, halos lahat ay nag-iisip na magengosyo.Ang totoo nga, kahit ang mga namamasukan kapag iyong tinanong sasabihin nila  ay ito, “Ang pangarap ko ay ang magkaroon ng negosyo.”

9)      Kaya muli pakinggan mo ang utos ng iyong kapalaran, magnegosyo ka at magkakaroon ka ng sucessful life.

10)    Sa Love, hintayin mo ang  ibibigay saiyo ng kapalaran, hindi ngayon at hindi bukas siya ay darating saiyo sa age mo na 31. Kaya pansamantala magpayaman ka muna ng sa ganun ay mabigyan mo ng magandang kinabukasan ang iyong magiging pamilya. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

3 COMMENTS

  1. Sir Govinda J.,pwd poh ba pahula rn ako.pakiramdam ko poh kc ako ang pinakamalas na nilikha ng langit,lumaki kc na puro pasakit dinaraanan.dko nkilala tunay na tatay tpos ngkaanak ako mgkaiba rn ang tatay,hnd sa asawa ko tpos wlang matirhan kc turing sakin ng stepfather kaaway ako..
    Ano poh ba kya hula nyo sakin?

    Jonary Oserraos Gabica tunay ko pangalan.March 4,1993,25 na poh.About love poh at kung mgkakaron poh ba kmi ng sariling lupa at bhay..

  2. Dear sir govinda jeremaya
    Pahula po ng aking kapalaran sa pag ibig. September 30,1989 po ang aking kapanganakan.salamat po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here