PAHULA 176 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

BIGYANG DAAN natin sa ngayon request ni  Maria Cristina Fermocillo.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Ako po si Maria Cristina Fermocillo, b-date , May 05,1962 ,Taurus, gusto ko pong pahula at malaman ang maswerte kong kulay salamat po.

                                      Maria Cristina.

Saiyo Maria Cristina ,

Sa  The Garden Of The Lord, maraming kulay ang mga bulaklak, dahil  kung iisa lang , ang Halaman Ni God ay  walang ganda , at matamlay at  hindi masarap na pasyalan .

Ganundin ang kapalaran ng isang tao  na kapag walang kakulay-kulay ang kanyang buhay  masasabing wala ring kwenta  ang kanyang buhay.

Dahil dito bukod sa nilikha ni God ang tao ayon sa Kanyang wangis or image , binigyan din Niya ng kapalaran ang tao tulad mismo sa makulay na The Garden Of God.

Sa ganitong katotohanan  narito ang mga kulay ng iyong kapalaran:

Red , dahil ikaw ay nasa Taurus na pinaghaharian ni Venus ang  diyosa ng kagandahan.

Red pa rin ang kulay para sa mga isinilang sa year  1962 . kaya Red na Red ang iyong  kapalaran at ibinabalita ko saiyo na  marami sa mga successful; bussiness  ay gumagamit ng kulay na Red  kaya kung magnenegosyo ka gamitin mo rin ang kulay mo ay makakatiyak ka na aasenso ang iyong negosyo.

Ang para sa isinilang sa ika 05  ay  masuwerte sa kulay na may kislap.  Ibig sabihin, kahit anong kulay  basta may kislap dahil dito , hindi ka pinapayuhan na magsuot ng mga lumang damit na kupas na ang kulay dahil kapag ginawa mo kukupas din ang iyong kapalaran .

Samantala kapag makislap na kulay ang ginamit mo , magkikislapan ang  buhay mo tulad ng bituing  kislap ng kislap na para bang nagsasabing ang saya at ligaya para saiyo ay walang katapusan.

Dahil  dito , sa bahay ninyo , alisin mo na rin ang mga wala ng kulay, na faded na ang kulay pero ang iba na pwede mo pang ibalik ang  kislap , gamitin mo pa rin pero  yon nga ibalik mo ang kislap.

Kapag ginawa mo ang mga payo sa itaas  , ang lungkot mo ay maglalaho na at mapapalitan ng saya. Na ang ibig ding sabihin ,masasayang pangyayari ang mapapasaiyo , kaya ang pananalo, at ang katuparan ng malilit at maging ang malalaking pangarap mo or wishes of life ay  mapapasaiyo rin.

Anong ganda ng magiging buhay mo kapag ginamit mo ang kislap ng mga kulay dahil  ang mga lungkot, problema , pahirap at pabigat sa buhay mo ay  mawawalang parang mga bula sa isang kislap mata ,as in,  biglaan o mabilisan.

Ano pa ang hihintay mo?

Gumamit na ng makikislap na kulay ng sa ganun ay  maging makulay ang iyong kapalaran.

Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

2 COMMENTS

  1. Gud eve poh Sir Govinda J.
    Ako poh si JONARY OSERRAOS GABICA,March 4,1993 poh bday ko.Pisces Girl poh,25 yrs. old na.May dalawa na poh akong anak,pareho boy.
    Gusto ko poh malaman kung ano poh kapalaran ko about money and love.thanks a lot poh Sir GJ 😇

  2. Gud eve poh Sir Govinda J.

    pwede poh ba pahula ako,about financial situation and love..

    Ako poh si JONARY OSERRAOS GABICA.March 4,1993 bday ko.Pisces Girl,25 yrs. old na ako.May dalawa na akong anak,pareho lalaki.

    Gusto ko rin poh malaman kung magkakaroon kami ng sariling lupa at bahay,.thanks a lot poh Sir GJ😇

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here