PAHULA 169 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Jovelyn.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

    Pahula din po ako, June 29, 1990 , kapalaran ko po!

                           Jovelyn.

Saiyo Jovelyn,

Ang iyong  date of birth ay  sakop ng zodiac sign na Cancer na ang Ruling Planet ay ang The Moon o ang Buwan. Dahil  dito, malaki ang impluwensya saiyo  or sa kapalaran mo or buhay ng The Moon.

Minsan, mahirap paniwalaan ang  simpleng  katotohanan , minsan pa nga binabalewala lang natin ang mga mumunting   bagay na kung ating  papansinin ay  sekreto pala ng  ating magandang buhay. Minsan, ang pinipili natin ay mga masasalimuot at maseselang bagay  na para bang  ang  pagkakaroon ng successful life ay sobrang mahirap na makamit.

Dahil dito, sa maniwala ka o sa hindi ,  muli, ang The Moon ay may mahalagang papel na ginagampanan saiyong buhay.

Dahil din dito,   ikaw ay aking  hinihikayat na gumawa ka ng sarili mong kalendaryo at ito ay  tatawaging mong  “Lunaryo Ng Kapalaran.” Na  ang ibig sabihin ng “luna” sa Lunaryo ay ang The Moon  dahil ang luna ay salitang Latin na sa wika natin ay ang Buwan.

Mamarkahan mo ang  mga araw na  ang buwan ay papalaki  at ang mga araw na ang buwan ay papaliit.

Dahil  dito , pag-aralan mo  kung ano ang naranasan mo sa mga araw na ang buwan ay papalaki at  pag-aaralan mo rin ang mga nangyayari sa iyo sa mga araw na ang buwan ay  papaliit.

Kaya kapag  nakaranas ka ng magandang pangyayari  sa isang petsa na ang buwan ay papalaki or papaliit, ilalagay mo sa petsang iyon na , “ Maganda ang araw ko!”  at kung hindi naman  maganda ang  nangyari saiyo na araw na iyon ilalagay mo  ,  “Hindi maganda ang araw naito!”

Kaya kapag sinuwerte ka sa   petsa na  nasa  papalaki ang buwan or papaliit mamarkahan mo , “ Suwerte ko sa araw naito” at kung  hindi ka suwerte sa araw naiyon, ang imamarka mo ay , “ Hindi ka sinuwerte.”

Minsan naman ang imamaraka mo ay “malakingsuwerte” at minsan din ang imamaraka mio ay “Malas.”

Kapag  nagawa muna ang iyong “Lunaryo Ng Kapalaran”  malalaman muna kung kailan ang dating ng mga suwerte mo sa buhay or kung kailan ka susuwertihin.  Sa mga araw ba na ang buwan ay papalaki? Or sa mga araw ba na ang buwan ay papaliliit?

Simple lang ‘di ba? Madali lang  at sure ako na  kayang kaya  mo.

At dahil sa Lunaryo Ng Kapalaran ay malalaman ang  kung kailan ang masuwerteng mga araw , ano sa palagay ? Pwede bang makatikim ka ng panalo sa lotto?

Syempre ,pwedeng –pwede mo!

Try mo! Jovelyn!

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

6 COMMENTS

  1. hello sir, pahula po ako april 23, 1968..gusto ko lng malaman ang maging takbo ng buhay ko ngayong taon..thanks

  2. Gud am Po sir, pahula Po ako August 7,1982 Ang bday KO, sir gusto ko Po malaman Ang kapalaran ko SA buhay ko at gusto ko malaman Kung magmamahal Po ba ako ulit

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here