PAHULA 167 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Jessica lomibao.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

          Pahula po ako. Andito po ako ngayon sa ibang bansa .May apat na anak na po ako. Matutupad ko po kaya ang pangarap namin ng live- in partner ko na umasenso sa buhay at sya ba ang makakasama ko habang buhay. September 30,1989 po ako at ang asawa ko po ,November 17,1983. Salamat po sa inyong pagtugon.Godbless!

                                Jessica.

Saiyo Jessica,

Oo , iha! Matutupad mo ang pangarap mong umasenso ang buhay ninyo. Dahil ang mismong kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay , “ Lubos na katuparan ng mga pangarap.”

Makakasama mo ang  live-in partner mo kung hindi mo ipipilit na siya ay maunawaan dahil bilang pagtatapat saiyo , ang kanyang  araw ng pagsilang ay nagsasabing siya ay nakabilang s amga taong nakapahirap na maunawaan.

@@@@@

Saiyo  Luisita,

October  02,1995: Sa tanong mong  mamalagi ka bang maganda ? Ang sagot ay yes na yes! Dahil  ang kagandahan mo ay mananatili habang ikaw ay nasa ibabaw ng mundo.

Ganito ang mangyayari saiyo ayon sa araw ng iyong kapanganakan. Sa iyong  kabataan ikaw ay  payat hanggang sa sobrang payat. Magkaganunman, mawawala ang iyong pagkapayat kaya ikaw ay magkakalaman na ang ang iyong katawan ay magiging sobrang mapang-akit.

Sa biglang  tingin ito ay maganda at masarap  pakinggan. Pero ang  kaseksihan mo ito ay pwedeng magdala saiyo sa napakaraming  problemang  may kaugyan sa lovelife.

Pagkatapos ng iyong kabataan , ikaw na mismo ang makakapansin na  tumataba ka na . Dahil nakasanayan mo na ang pagkakaroon ng sexy body, aayaw  ka na mataba ka . Ikaw ay  winawarningan na  huwag na huwag kang magpapayat  dahil masama sa tao ang mga  kung ano-nong pagdidiyeta  o pagpapayat.

Oo , tataba ka ,pero  , promisn , mananatili ang iyong kagandahan  na ang kurbada ng katawan mo kahit pa mataba ka ay lagi at laging narooon  at kapansin-pansin.

Ayon  sa kaarawan mo , mahina ng bahagi ng katawan mula sa tiyan hanggang sa maselang bahagi , kaya nga ang nasabing huwag na huwag mong lalabanan ang iyong pagtaba ay iyong sundin.

Umiwas ka rin sa mga likido at pagkaing mahirap tunawin dahil ang iyong sakit ayon sa iyong kapalaran  ay laging may kaugnayan sa bahagi ng katawan na nabanggit sa itaas.

Kahit  kanino , bawal ang alak pero mas lalo saiyo.  Kaya bawal ang alak sa tao  ayon sa mga doktor ay dahil nakakasama sa katawan o kalusugan pero saiyo kaya bawal ang alak ay dahil sa maaaring  mabawasan ang talas ng isip mo na  nagsasabing  “ kikilos ka na parang hindi muna inisip.”

Kaya mas maganda huwag ka na lang uminom ng alak at kung hindi ka makakaiwas , huwag kang papatangay sa  mga gustong lasingin ka.

Ang mga ito ay ipinaalala saiyo  dahil ayon sa kapalaran mo ang  mga tukso ay   hindi ka titigilan kahit saiyong pagtanda. Good Luck and God Bless!

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here