PAHULA 166 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Esperanza quirimit.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

       Ako po si Libra Girl, pinanganak ng Oct. 11,1967. Gusto ko po sanang malaman ang aking magiging kapalaran sa pangkalahatan sa hinaharap . At kailan po kaya ako makakarating ng America? May anak po ako sa Hapon na si Lei quirimit,pinanganak ko po sya ng March 24,2002 makarating po kaya ng Japan ang aking anak?

    Ano din po ang magiging kapalaran nya sa hinaharap sa pangkalahatan po. Marami pong salamat ! Nawa’y mapansin nyo ang aking katanungan.

                                          Esperanza.

Saiyo Esperanza,

Bilang pagtatapat saiyo  malabo kang makapunta sa America  kung ang nasa isip mo ay sa USA,pero ang America , hindi lang USA , kaya  pwede ka namang mapunta sa  South America or sa Canada .

Pero sa ngayon lang naman  malabong makapag-USA ang isang Pinoy  makaganunman, kapag ikaw ay yumaman , lalaki na ang tsansa mo na makapunta sa USA. Pero kung punta lang ang pag-uusapan  pero kung ang nasa isip mo ay  ang gusto mo ay doon ka na maninirahan o maging US Citezen  ka, mas malabo ang ganun.

Para sa pangkahalatang kapalaran mo  ang sagot ay ganito, “ ikaw ay matutulad sa  hangin na kung saan –saan nakakarating  dahil sa walang katapusang paghahanap ng saya at ligaya. Sa huli , natagpuan niya na ang tunay na kaligayahan pala ay  nasa  ilog o batis at  falls.”

Mahirap bang maunawaan ang  nakasulat na ito sa Aklat  ng iyong Kapalaran? Oo , mahirap nga dahil  ang tunay na Hula , ikaw na rin ang magsasabi ay  nasa mga salitang hindi agad maunawaan ng mga tao.

Pero dahil ang tanong mo ay kailangan sagutin at ang sagot ay kailangang iyong maintindihan  , sa simpleng salita ang iyong  makakasama habang buhay na iyong huling mamahalin ay isinilang sa Water Signs.

Para sa anak mo,  pagkatapos na suriing mabuti ang mga datos ng kanyang kapalaran  ang resulta ay nagsasabing siya ay yayaman na ang kanyang yaman ay  masasabi rin wala ng bilang ,kumbaga, sobrang madami.

Ngayon pa lang ,ikaw ay pinapayuhan na lagi mo siyang uunawain at kahit  nakikita mo ang kanyang pagkakamali , huwag mong pupunahin na para kang galit.

Mas magandang sundin ang  medyo kakaibang payo na ang anak ay dapat na ituring na best friend.

Mas maganda rin na  pagbibigyan mo siya sa kanyang mga kapritso  pero  may kahalong  payo. Kumbaga,  ang mga kabataan sa ngayon ay  dapat na hindi kinokontra ng sobrang mahigpit. Dahil sa bahagi ng kasaysayan ng tao ang mga kabataan , ay kalayaan ang  hinahanap –hanap pero  hindi kalayaan na anupaman, kundi kalayaang personal.

Dahil ang babala  ay nagsasabing mapapalayo ang loob niya sa kanyang mga mahal sa buhay. Ito ay babala , hindi Hula, kaya  pwede mo pang magawan ng paraan. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here