PAHULA 161 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Melrose.

Dear Sir Govinada Jeremaya,

       Pwede po ba PAHULA ng kapalaran ko, January ,19,1970?

                Melrose.

Saiyo Melrose,

Dahil ikaw ay isinilang sa ika -19 ang  isa sa mahalagang  astrological planets na  may malaking impluwensya saiyo ay ang The Sun.

Dahil  dito , tulad ng Haring Araw ,ikaw ang  nagbibigay ng lakas at mismong life sa mga nasa paligid mo, mga kaibigan, mga nakakasama at maging sa mga kaanak .

Ikaw rin ang nagbibigay ng liwanag sa mga taong nagdidilim na ang kapalaran.

Tulad din ng Haring Araw na nasa itaas ikaw ay laging angat sa mga kaibigan mo at sa mga malalapit saiyo.

Ginto ang kulay ng Haring Araw, kaya ikaw ay may ginintuang puso na ang ibig sabihin, sobrang mabait ka at mapagbigay.

At dahil nga sa ginto ang kulay ng Haring Araw ,ikaw rin ay may  ginintuang kapalaran. Ibig sabihin, napakaganda ng iyong buhay , nakakainggit at  nakakabilid.

Dahil dito sa natitiirang bahagi ng year na ito, 2018, ang magagandang kapalaran  ay humahabol pa para ikaw ay mas lalo pang sumaya. Na ang saya na binabanggit ay ang saya sa wikang English na”sunny” ,ito rin ay dahil sa The Sun na mapapansin mong sa salitang “sunny” naroon ang tinatawag na root word na “sun.”

Magkaganunman,  dahil ang The Sun , sa totoo lang , ay nag-iisa sa pinakamataas,  sa aminin mo man o sa hindi ang hindi mo maipaliwanag na kalungkutan ay   makikitang iyon yakap-yakap.

Mailap sa mundo ang tunay na kaligayahan pero  mailap man at mahirap mahanap ,ibinabalita saiyo ng iyong kapalaran na ang tunay mong kaligayahan ay matatagpuan mo sa nasa zodiac sign na Leo.

Na unang bahagi ng inyong magiging kasaysayan ay  hindi kayo magkakakaunawan pero kayo na rin ang aamin sa inyong mga sarili na kayo pala ay hindi basta-basta pwedeng maghiwlaay o hindi pwede na basta na lang kayo magkakalimutan.

Sa pagpasok ng year 2019, nakapalaki ng tsansa na manalo ka sa pakikipagsapalaran at syempre ang maging panalo mo ay kasing laki din mismo ng The Sun sa kalangitan. Ito ang masuwerteng balita para saiyo hatid ng napakaganda  na nakakainggit na iyong kapalaran.

********

Saiyo  Essie,

February 21,1994 ;  Ngayon September ,  ikaw ay pinag-iingat sa mga didikit saiyo dahil may babala na  ang didikit saiyo ay makakagalit mo at  sisiraan ka lang sa mga tao.

Siya ay  sobrang palakwento na ikaw mismo ay masisiyahan sa kanyang mga kwento. Mabilis din siyang magsalita na para bang    ang gusto ay siya na lang lahat ang magsasalita.

May kapayatan  kaya  siya ay hindi mataba o hindi  matabang –mataba. Mahaba ang mga braso at maging ang mga daliri sa kamay.

Muli,mag-ingat siya ang lihim at malalantad na kaaway mo. Good Luck

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous article10 NAKAKATAKOT NA PINOY MYTHICAL CREATURES
Next articlePASYALAN ANG CASA DON JOSE BAUTISTA
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

2 COMMENTS

  1. Dear sir govinda jeremaya
    Pahula po ng kapalaran ko ipinanganak noong november 17,1983 may apat na anak at nas ibang bansa ang kinakasMa ko . D pa po kmi kasal. Kailan po kaya kmi aasenso sa buhay. Slamat po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here