PAHULA 160 ni Sir Govinda Jeramaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Des.

Dear Sir Govinda Jeremaya,

      Ano po ang kapalaran naming tatlo na puro January. Ako po ay January 29, 1985.January 05, 1983 ang asawa ko  at January 19,2012 ang anak nmin. Sabi nyo po kasi dati nasa ibng bansa ang soulmate ko.. Compatible po ba ang may birthday na December 31. Salamat po !

                   Des.

Saiyo Des,

Oo, Des, ang soulmate mo ay nasa ibang bansa , dahil ang iyong zodiac sign na Aquarius na isa sa mga Air Sign. “Air” , iha ,kaya kailangang  matupad ang Hula na ang soulmate mo ay magmumula sa malayong lugar na need na mag travel by air.

Magkaganunman ang  asawa mo na nasa zodiac sign na Capricorn ay ang iyong  Opppiste Mate dahil ang  zodiac sign mo na Aquarius ay Negative  Saturn at ang zodiac sign ng mister mo ay Positive Saturn .

Hindi naman mahirao  maunawaan na kayo ay  opposite with each other dahil  ang negative at positive ,’di ba ay magka-opposite?

Nadinig muna ba ang  isa Laws of Attraction na “ Opppsite Attracks Eaach Other” , ito mismong ang Batas ng Kapalaran na sa inyong dalawang nagtatali  na ang tali ay tinatawag na “The Cord Of Love.”

Ang lahat ng isinilang sa January ay   nagsasabing “Maghintay Lang at tiyak na darating ang mga suwerte at magagandang kapalaran.

Sa isa mo pang tanong na compatible ba ang December 31  , pero  hindi mo naman nasabi kung  kanino siya  compatible ang sagot ay ganito , ang dalawang  tao na iisa lang ang zodiac soign ay  magkacompatible.

Kaya siya na nasa Capricorn ay compatible sa isa pang nasa Capricorn. At  tulad ng nasabi na sa unahan ang Capricorn ay Positive Saturn at ang Aquarius ay Negative Saturn kaya siya ay  isa rin sa iyong  ka-opposite kaya kayong dalawa ay may malakas na atraksyon.

*******

Saiyo  Victor,

Sa tanong mong  ano ang naghihintay na kapalaran mo  sa huling mga months ng 2018? Ang sagot ay  mula sa firdt week ng October ang negosyo mo ay gaganda na at  papaganda ng papaganda hanggang sa Dcember na aabot ang pinakamataas na antas ng iyong  suwerte sa negosyo hanggang sa May  2019 next year.

Dahil   dito ang negosyo mong  car repair ay magbibigay saiyo ng maraming kita na mag-aangat sa kabuhayan mo.

Maging maingat ka sa paggasata sa mga personal na needs mo dahil kadalasan ang magandang negosyo ay  nauuwi lang din sa wala kapag ang tao o ang may-ari ay may hindi magagandang pagkilos o  gawi.

Kaya , muli, ingatan mo ang paggasta at ang isa pang mahalaga ay ang ipunin mo o ilagay sa savings ang malaking bahagi ng iyong mga kikitain. Kaya rin  hindi ka dapat na patalo sa bisyo at sa mga walang kwentang aktibidad na masasabing pag-aaksaya lang ng kabuhayan. Good Luck and God Bless!

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articlePAMAHIIN: Mga Paniniwalang may Kaugnayan sa Sanggol
Next articlePAANO PINIPILI NG KALULUWA ANG KANIYANG MAGIGING MAGULANG AT PAMILYA
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

2 COMMENTS

  1. Gandang araw po! Ask ko po sana kung may pag asa magkatuluyan ko si September 12, 1953. July 15, 1968 ang birthday ko. May pag asa po ba magkapag abroad ako?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here