PAHULA 158 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Saiyo seibellissima,

    OCTOBER  18, 1989; January 8, 1996; August 26, 1989;  Kaya ka nahihirapan ay dahil sa mahina ka ,as in, mahina ang iyong  emosyon at dahil mahina ang iyong emosyon, madali kang mainlove ,ito ang tunay na naging dahilan kung bakit , tinamaan ka sa isang nasa January  18 ,1996.

     Kahit pa sinasabi mong wala kayong relasyon ang katotohanang ito ay ngayon lang  , kumbaga, “as  of now” lang  dahil  ang pagmamahal  ay nakakagawa ng paraan para magkaroon ito ng katuparan. Kaya magiging kayo rin naman kahit pa , sa totoo lang , ay may asawa ka sa kasalukuyan.

    Dahil payo ang request  mo  , pag-aralan mo ang mga sumusunod na payo ayon sa petsa ng  kaarawan mo:

        Ang mga ipinanganak sa ika -18 ay dapat na  hindi muna nag-aasawa ng maaga at siya ay mag-aasawa lang kapag secure na ang kanyang  future. Dahil  hindi mo ito nagawa, maaaring hindi mo magustuhan ang Hula para saiyo na nagsasabing mahihiwalay ka sa asawa mo. 

          Ito ay dahil na rin na ang gusto ng iyong kapalaran ay mabigyan ka pa ng isang pagkakataon na ‘sana ay unahin mo muna ang iyong kinabukasan kaysa  lovelife .”

          Pero ayon saiyo “tinamaan ka “ sa isang nasa Capricorn at ito ay isa na namang pagkakamali sa panig mo  kaya ang paunang Hula saiyo ay muli kang ihihiwalay sa kanya .Bakit? dahil muli kang bibigyan ng pagkakataon na ayusin muna ang iyong kinabukasan.

            Minsan pero sadyang madalas din naman , napakahirap tanggapin ang katotohanan lalo na kung ang Truth ay  ang kapalaran na ang nagsasabi. Pero sa huli , mauunawaan mo rin at ito ay mataanggap dahil ngayon  pa lang  ay  kahit paano ay may mga senyales ka ng makikita .

         Tulad ng bakit  “tinamaan ka sa isamg guy” gayunman , may asawa ka na naman? Kita-kita dito na ang kapalaran mo ay kumikilos ayon sa kailangang  maganap . Tingnan mo rin ang agwat ng age ninyong dalawa ng  guy at ng saiyo, there is ten years gap”  ‘di ba?

     Ito rin ay isang senyales na  sa huli ay  matutupad ang Hula na mahihiwalay ka sa kanya . Bakit dahil sa kikilos ang kapalaran para  mangyari ang nasabi na  sa itaas. Ang ibig sabihin ,  ng 10 years gap sa age ng girl and boy ay “hindi sila compatible”  dahil  hindi sila compatible hahanap ang isa ng  compatible sa kanya kaya iiwan niya ang  isa pa.

      At ang isa pang mahirap na  tanggapin sa panig mo ay ikaw ang iiwan dahil  ma-iinlove saiyo sa almost the same age sa  panig niya.

      Dahil dito , kahit  hindi mo pa gaanong maunawaan ang  sinasabi ng iyong kapalaran , ang  payo ay ngayon pa lang ikunsidera muna ang paano  ka magkakaroon ng magandang kinabukasan na ang mismong tinutukoy ay sa aspetong  pangkabuhayan na  sa direktang salita ang sabi ng iyong kapalaran, “ikaw ay magpayaman na . simula ngayon ” na  kung pwede ay  kontrolin muna ang iyong damdamin  para   hindi  ka dumanas ng maraming kabiguan sa lovelifes.

         Paano mo sisimulan ang pagpapayaman?

           Una kung ano ang mayroon ka , paramihin mo ! Kung may piso ka , gawin mong dalawa ,kung may dalawang piso ka gawin mong tatlo , kung may tatlong piso ka gawin mong sampong piso.

      Ang tawag dito ay pagpaparami na isang katangian na simula ng ikaw ay likhain ng Dakilang Manlilikha ay binigyan ka na rin tulad ng lahat ng katangian ng “pagpaparami.” Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articlePAMAHIIN # 8; Basag na Salamin
Next articleChinese Horoscope; September 16
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

1 COMMENT

  1. Maraming marami pong salamat Sir! Napakalaking tulong po ng payo ninyo, itatama ko lang po 7 years po ang gap namin ni January 8, 1996 hindi po 10 years. Gusto ko lang din pong maintindihan kong alin po kaya ang negosyong magbibigay sa aking tuluyang pag asenso. Nagsisimula po kasi ako ng isang online business at ngayon po ay nahikayat po akong mag invest sa real estate? Alin po kaya sa dalawa? Meron din po akong kaunting stocks sa stock market, gusto ko lamang pong malaman kung alin ang dapat kung tutukan?. Sana po matulungan ninyo ako. Salamat po talaga ng marami Sir. God bless po at nawa po ay marami pa kayong matulungan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here