PAHULA 157 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Saiyo Lady libra,

     September 30,1989:  Alam mo , iha,  sinadya ng iyong kapalaran na hindi ka makasal sa iyong kasalukuyang karelasyon dahil ang iyong tunay na kapalaran ay darating palang saiyong buhay.

     Kaya nga kung pinilit mong makasal kayo  noon, magkakahiwalay lang kayo dahil  hindi sa ang lalaking nakatandang maging kapalaran mo sa pag-aasawa ay  hindi naman talaga siya.

      Ang iyong  “for life” ay isang  may mataaas na ranggo sa lipunan na kanyang  ginagalawan. Siya rin ay angat sa buhay at  may malalaking pangarap na madali mo lang din naman  na matutukoy dahil siya ay mapapansin mong seryoso sa buhay.

          Kapag naging kayo na , hindi ka na mag-aabroad pa dahil  masasabing saiyong relasyon ay magkakaroon ka ng masagaanng buhay na kung saan ay masasabing wala ka ng hahangarin pa sa buhay mo kung materyal na mga bagay lang naman ang pag-uusapan.

                                       @@@@@

Saiyo  Jacob ,

        March  19, 1989; Makakapag-abroad ka sa early months of next year and it’s better na ayusin muna ang iyong mga papales ng sa ganun ay very smooth o wala ng gaanong problema kapag  ikaw ay mag-aabroad na.

    Huwag mong kakalimutan na kaya ka mag-aabroad ay para gumanda ang iyong kinabukasan kaya  hindi ka rin dapat na matulad sa maraming Pinoy naq ng mag-abroad na ay parea bang naka-forgot na  ang kanilang kinabukasan ay ang mahalaga.

   Dahil sa nabuhay sila na para bang wala ng katapusan ang tinatamasa nilang magandang buhay na para bang  nakalimot sila sa kanilang pangarap ang pag-aabroad ay  isang “way” nila para sa paghahanda sa kanilang future.

    Kaya nga madalas na ibinibilin natin sa lahat na pahalagahan ,mahalin at ingatan ang mga magagandang bagay na kaloob sa kaniloang ng langit. Dahil ang hindi marunong magpahalaga sa mga biyaya at pagpapala ng langit sa huli ay magsisisi at  manghihinayang.

      Dahil na rin sa ang tanging matitira na lang sa kanila ay mga masasayang kwento ng lumipas . Kumbaga, aanhin ang masasayang alaala kung ikaw rin naman ay muling naghhirap at wala ng magawa pa para  gumanda ang iyong hinaharap.

        Ang totoo, mahirap ang life sa abroad kaya lang sa tingin ng ating mga kababayan at ng mga relatives natin,  masarap ang life abroad kaya  nagagalit pa sila kapag hindi napagbigyanh sa kanilang mga hiling na para bang obligasyon ng nasa abroad na sila ay tulungan  ganun  ayon naman nilang magsikap at ayaw din nilang tulungan ang kanilang mga sarili na umaasa na lang sa  mga nasa abroad.

    Kaya ang huling payo para saiyo kapag nasa abroad ka na ay ang huwag mong konsintihin ang mga  pahingi at mga palaasa.

   Mas mahalaga sa lahat na maisaayo mo ang future mo at ang  dating hirap ng buhay ay hindi muna muling maranasan pa, ito mismo ang dahilan kung bakit ang langit ay pinag-aaabroad ka dahil ayon saiyong kapalaran  sa mahabang panahon ay wala kang suwerte sa iyong lupang sinilangan. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; September 13
Next articleNUMEROLOGY 03
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

3 COMMENTS

  1. Dear maestro Govinda Jeremaya,
    Tawagin nyo na lang po akong mr.scorpio ipinanganak november 17,1983. Ako po ay may apat na anak at ang aking kinakasama ngayon ay nasa ibang bansa. Matutupad kaya ang mga pangarap namin ng aking kinakasama na magkaroon ng maayos na pamumuhay at siya ba ang makakasama ko sa pagtanda. Salamat po

  2. Dear Sir Govinda Jeremaya,
    Pahula po ako. Andto po ako ngaun sa ibang bansa .may apat na anak na po ako. Matutupad ko po kaya ang pangarap namin ng live in partner ko na umasenso sa buhay at sya ba ang makakasama ko habang buhay. September 30,1989 po ako at ang asawa ko po November 17,1983. Salamat po sa inyong pagtugon.Godbless po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here