PAHULA 156 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Saiyo totoy edillor,

       October  22 , 1995:   Sa tanong mong ano ba ang iyong lucky color ? ang sagot ay ganito.

        “ Sa halamanan ni God ang mga bulaklak ay maraming iba’t-ibang kulay,”  dahil ang mga kulay ang nagpapaganda sa Garden Of The Lord.

        Ang dahilan ay  simple lang naman,  dahil  kung isa lang ang kulay  sobrang malungkot ang lifc sa Garden Of God.  Kaya ng likhain ni God ang tao , binigyan niya ng  hindi lang isang kulay  ng sa ganun ay sumaya at gumanda ang kanilang buhay.

   Sa ganitong katotohanan  ang iyong mga lucky colors ay Red dahil sa ikaw ay  nasa zodiac sign na Scorpio, at ang  petsa ng iyong kaarawan ay malapit din sa zodiac sign na Libra, kaya ang Red sa life mo ay magkakaroon ng mahalagang papel sa buhay mo.

     Ang Violet ay isa rin sa iyong lucky color dahil sa ikaw ay  isinilang sa ika-22. Dahil  dito , ang Yellow at Black ay  kabilang saiyong mga lucky colors.

       Ang color naman ang mismong date of your birth na October 22, 1995 ay  Green ,White at Yellow.

     Ngayon alam muna ang iyong mga lucky colors, gamitin mo at makakaasa ka na ang buhay mo  ay mapupuno ng Happiness and Prosperity.

                               @@@@@@

Saiyo Thelma ,

       September  01, 1996:  Sa natirirang bahagi ng year  2018 , from October to December 2008, ang hindi nakikitang sinag ni Venus ay tatama saiyong  personalidad, dahil  dito lakakas ang iyong karisma na maaaring humangga para masabing napakalakas ng iyong likas n gayuma.

     Sa mistikong katotohanan ang gayuma ay hindi lamang sa larangan ng seksuwalidad dahil kabilang sa nagagayuman ay ang magagandang kapalaran , magagandang oporrunidad ar mga suwerte sa buhay.

  Dahil  dito, ikaw ay pinapayuhan na maging alerto sa magagandang kapalaran na darating saiyong buhay  na kung hindi mo susunggaban ay masasayang lang. Kumbaga, mamagnet mo ang mga suwerte pero kung hindi mo aangkinin ,wala lang ,as in, hindi mo papakinabang.

      Dahil ang gayuman ay   iniuugnay una sa  malakit na pang-akit sa opposite  , ikaw ay pinag-iingat dahil ito rin ay nagbabalitang  maaakit mo ang mga wala ng karapatan, ang mga may pananagutan na at ang mga may mahal na at may mga karelasyon na.

  Kaya ang payo sa itaas na dapat ay maging alerto ka ay napapanahon na kung hindi ka magiging alerto ay masusumpungan mo ang iyong sarili na  karelasyon ng mga pwedeng sumira mismo saiyong buhay.Sila na hindi na naman na pwedeng magmahal dahil sa iba’t –ibang dahilan ay  magsisipasok siayong buhay.

    Dahil dito ang pahabol na payo ay nagsasabing ang likas mong gayuma na lilitaw sa ngayon ay mas magandang magamit mo sa pakikipagrelasyon sa mga may maayos na buhay  at sa mga taong ikaw ay makikinabang pero  hindi matatatad ang maseselang problema ang iyong buhay.

   Muli, maging alerto sa lahat ng sandali simula sa pagpasok ng month of October hanggang sa month of December , this year  2018. Good Luck and God Bless.

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleNUMEROLOGY 01
Next articlePAMAHIIN: Mga Dapat at Di Dapat sa Araw ng Kasal
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here