PAHULA 155 ni Sir Govinda Jeremaya

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Saiyo Melanie Pacheco,

     September 26,1974: Ikaw ay pinaghaharin ni Saturno. Kaya  papatibayin ka at patatagin ka ng mismong kapalaran dahil ihahanda ka sa pagkakaroon mo ng malalaking magagandang kapalaran.

    Madalas minamasama ng tao ang kilos ng kapalaran na magpapatatag sa kanya at magpapatibay sa kanyang pagkatao. Dahil ang mga tao , ang gusto lang ay  sarap ng buhay ang mapasakanila na ang hindi nila alam ang sarap ng buhay  ay  magreresulta sa pagsisisi at pag-iyak kapag  sila ay hindi naman pinatatag at pinatibay ng kanilang kapalaran.

    Para madaling  intindihan ang  katotohanang ito,  itulad natin ang  tao sa  isang bultong  kaban ng bigas na kung saan  ang sako o lalagyan ng bigas ay kailangang matibay dahil kung hindi ito matibay  matatapon lang ang bigas at ito ay masasayang lang.

      Ganundin ang  timba o lalagyan ng tubig kapag hindi  matibay , tiyak  ang tubig ay masasayang.

        Sure may bulsa ang iyong pants . “di ba kung hindi may matibay ang iyong bulsa ang mga perang ilalagay mo ay  mahuhulog  o mawawala dahil sa ang bulsang hindi matibay  ay mabubutas .

           Ganundin din sa bahay o house na ang  house na hindi nakatayo sa matibay at matatag na  lupa ay tiyak na mabubuwal kapag dumaan ang  kahit  mahinang hangin , at ito sa tao  hindi niya makakayanan kapag dumating ang malalakas na bagyo  ng buhay.

          Ganyan ang  hiwaga ng  kapalaran , na kapag malalaking ang inilaang mga suwerte ng isang tao siya ay papatagin at papatibayin ng hindi masayang o mauwi sa wala ang  kanyang mga suwerte sa buhay.

        Ikaw ay may ganunding kapalaran kaya   anumang ang iyong maranasan  tanggapin mo ng maluwag sa loob dahil kailangang mangyari ang lahat  ng  ang mga suwerte mo ay  hindi basta na lang  mawala na parang mga bula.

         Magpasalamat ka sa halip na magtampo ka sa langit kapag nakakaranas ka ng  pagpapatibay at pagpapatatag saiyong pagkatao  dahil ito na mismo ang  paunang  palatandaan o senyales na ikaw ay  pinaglaaan ng  malalaking hanggang sa sobrang malalaking suwerte sa buhay.

   Sa tao , ang maliit na suwerte ay pwede na sa mga mahihina at walang tibay  dahil maaaring kaya na nilang hawakan ang maliiit na suwerte pero kung minsan kahit ang maliit na magandang kapalaran ay nasasayang din kapag ang tao ay walang anumang tibay ,as in, sobrang mahina ang personalidad.

    Kaya mapalad ka , Melanie,  dahil  tulad ng nasabi na  , ang  iyong mga suwerte ay  malalaki at sa totoo lang, sa maniwala ka o sa hindi ang  inilaan saiyo ang “mala-jacpot” na suwerte sa buhay.

        Huwag mong  kakaligtaan na  tulungan ang mga kapos-palad sa anumang bahagi ng iyong buhay , ibig sabihin ,kahit sa panahon ng  paghihirap o kahirapan  sikapin mong kahit paanoi ay  mabigyan mo ng tulong ang mga kapos-palad.

    Dahil ang isa sa kahulugan ni Saturno sa buhay ng isang tao ay ang siya ay tiyak na tiyak na maglilingkod sa kapwa pero  hindi sa mayayaman o sa may mga kaya kundi sa mahihirap o yon nasabi na mga kapos-palad. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous article7 Signs na ang Manliligaw Mo ay Nanliligaw ng Iba
Next articleChinese Horoscope; September 9
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

1 COMMENT

  1. Dear maestro,
    Ako po si libra girl pinanganak ng oct.11,1967 Gusto ko po sanang malaman ang aking magiging kapalaran sa pangkalahatan sa hinaharap at kailan po kaya ako makakarating ng america,may anak po ako sa hapon na si lei quirimit,pinanganak ko po sya ng march 24,2002 makarating po kaya ng japan ang aking anak? Ano din po ang magiging kapalaran nya sa hinaharap sa pangkalahatan po.. Marami pong salamat maestro,nawa’y mapansin nyo ang aking katanungan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here