Pahula 150: Paraan para lalong pagpalain

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 150

 

Sayo Alexander Cruz,

     September  5, 1971. Dahil sa ang iyong Zodiac sign ay Virgo na isa sa Earth Sign, ang mga suwerte ay kusang lalapit sa’yo. Kaya nga masasabing mas masuwerte ka sa iba na kailangan pang lapitan, puntahan, hanapin at pagpaguran ang kanilang magagandang kapalaran.

Magkaganunman, ito ay hindi nangangahulugan na  kapag  naghanap ka ng suwerte ay hindi mo na makikita, dahil ibinabalita sa’yo ng iyong kapalaran na  matatagpuan mo rin ang  mga suwerte sa malalayo o sa pagsisikap mo.

Ito rin ay nagsasabing  talagang mapalad ka, dahil magbubunga ang  paghahanap mo ng magagandang kapalaran at mayroon pa ring nakalaan sa’yo na mga suwerteng hindi mo paghihirapan.

Sobrang maganda man ang sinasabi ng iyong kapalaran, huwag mong kakalimuitan na ang tao ay nilikha ni God ng may mga kamay para siya ay kumilos at kumilos pa dahil nasa pagkilos ang ikagaganda ng kanyang buhay.

Kapag sobrang ganda ang kapalaran ng isang tao, dapat ay huwag din niya kakalimutan na ang tao ay nilikha ni God ng may mga paa, nagsasabing puntahan niya at hanapin ang  kanyang iba pang magagandang kapalaran.

Sobrang magaganda man ang The Gifts of Heaven sa isang tao, dapat huwag niyang kakalimutan na bibigyan siya ng  kakayayahang mangarap ng sa ganun ay malubos ang kanyang kaligayahan sa lupa.

Ito ay sa dahilang kailangang matupad ang sinasabi sa Banal Na Aklat na, “Sapagka’t ganoon ang LOVE  ni GOD sa bawat tao….”

Na ang ibig sabihin ng salitang  “gayun na lang:” ay  hindi nasusukat at sobra sa sapat ang mga kaloob ni God sa mga tao.

Dahil dito, Alexander Cruz,  always magpasalamat ka kay Lord , at ang  magandang gawin mo ay ang mga bagay na Kanyang ikatutuwa, gawin mo ang mga ito bilang pasasalamat mo kay Lord ng sa ganoon ay lalo kang pagpalain.

1)     Dalawin mo ang mga ulila at ang mga  naghihirap dahil sa nag-iisang nagsisikap, ito rin ay nakasulay sa Banal Na Aklat.

2)     Pakainin mo ang nagugutom, silang lugmok sa gutom, dahil sinabi ni Lord,  na Siya ang magpapakain sa  bawat taong  susunod sa  utos Niyang ito.

3)     Painumin ang mga nauuhaw at bigyan ng kumot ang giniginaw, dahil  si Lord mismo ang nagsabi na malulugod ang Heart Ni God kapag sinunod mo ito.

4)     Mahalin mo ang mga bata dahil  mahal ni God ang mga bata at kapag mahal ng tao ang mahal ni God, Siya ay lubos  ding matutuwa.

5)     Ang tao kapag natutuwa sa kanyang kapwa, ginagawan niya ng mabuti. Kaya sa pagkakataong ito, pwede bang ako naman ang magtanong sa’yo?

6)     Gaano kaya ang matatanggap  ng isang tao kapag si God mismo ay natuwa sa  kanyang mga ginagawa?

7)      Siyempre, mga dakilang suwerte ang mapapasakanya dahil si God ay Dakila. Good luck and God Bless.

 

Salamat sa pagbasa sa Pahula 150.

SHARE
Previous articleTop 4 unsolved scientific mysteries
Next articleNumero Siyete, Malas o Suwerte?
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here