PAHULA 15: Alamin ang sekreto sa bawat kaarawan

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni SheLeigh C. Kurt 

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

        Hello po. August 23,1979 po ang kaarawan. Ano  po kaya ang sekretong nakapaloob sa aking birthday? Ang mister ko naman po ay August 29,1975. Salamat po and more power.

                                             SheLeigh C. Kurt 

 

Sayo SheLeigh C. Kurt ,

Ang sekreto pong nakapaloob sa iyong kaarawan ay nasa salitang “Pagpaparami.” Dahil ang mga nasa ika -23 ang  date of birth ay pinaghaharian ni Mercury ang astrological planet na sobrang dami ng kislap na halos ay hindi na mabilang-bilang.

Siya  lang po ang planet na may ganoong katangian may nakamamanghang  mabibilis na mga kislap na napakarami.    Sa buhay ng tao, magagamit po ito sa negosyo kaya inaasahan na pagpasok mo sa mundo ng komerso ikaw ay sobrang yayaman.

Ang sa mister mo pong kaarawan ay pinaghaharian naman ng The Moon, ang astrological planet na sanhi kung bakit sobrang mabait at maawain ang isang tao. Sa biglang tingin ito ay isang magandang balita  pero bilang pagtatapat sa’yo hindi maganda sa negosyo ang sobrang bait at maunawain.

 

Sayo Eden Tabelisma Monforte ,

March 27, 1994 po pala birthday mo.  Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na magkakaroon ka ng sangkatutak na mga ari-arian at mga kabuhayan dahil ang isa naghahari sa’yo ay si Marte, na kinikilalang  “Ang Dakilang Mananakop.”

Ang  husband mo na nasa October 10 , 1988 ay  pinaghaharian naman ng  Chinese Animal Sign na The Dragon na ayon sa mga Tsino ay ang The most properous animal sign kaya puwede mo na siyang lagyan ng nickname na Propero, as in, prosperity.

 

Sayo Elenita Ching-ouano ,

Dahil ang petsa ng araw ng iyong pagsilang ay nasa Aquarius na isang Air Sign, ikaw ay hindi pwedeng masyadong matagal sa iisang lugar tulad ng nasa loob ka lang ng bahay dahil dito ikaw ay pinapayuhan  na mamasyal at maglibang dahil ang pananatili sa iisang lugar o kalagayan ay pwedeng maging sanhi ng pagkakaroon ng karamdaman.

Oo , Elenita Ching-ouano, may psychic ability ka kaya ngayon ay tanggapin mo ang  bendisyon ko, manghula  na ang  layunin mo ay tulungan ang  kapwa mo tao dahil ito ang Banal na Misyon ng mga taong may psychic ability.

 

Sayo Mary Laborte Galapate,

Ang December 14, 1995 na petsa ng kaarawan mo ay nagpapayong mangarap ka ng mangarap at mangarap nang mangarap, hindi dahil sa free lang ang  mangarap kundi dahil ang lahat ng nasa Sagittarius ay  kailangang mangarap ng matupad ang salita ng Hula na para sa kanila na nagsasabing  “Ganap na katuparan ng mga pangarap.” Napansin mo ba Mary Laborte Galapate , ang salitang “mga” ang ibig sabihin, higit sa isang pangarap kaya muli mangarap ka ng mangarap.

 

Sayo  Marilyn Molina Mejos ,

Ang kombinasyon ng dates of birth ninyong mag-asawa ay ang pinagsamang  ayaw sumugod, ikaw at sugod ng sugod  ang iyong asawa. Kaya inaasahan na atras –abante ang iiral sa sa’yo na isang nakapagandang katangian ng pagyaman gamit ang  maingat  na mga paghakbang.

 

Sayo Rowena Jacob Quitoriano,

Ikaw po ay isang Taong Uno dahil  ang numero ng zodiac sign na Leo ay Uno. Ang mister mo ay Taong Kwatro dahil ika-22 ang araw ng kanyang pagsilang sa Numerology ang tawag sa numero ninyo ay “Kambal Kapalaran.” Kaya kayo ay kayo habang kayo ay nabubuhay.

 

Sayo Lovella Cabanero ,    

Okey na okey po para sa’yo ang mga linya ng pagkakakitaan  na may kaugnayan sa pag-aahente ng lupa o mga ari-arian. Dahil biglang malalaki ang kita sa ganitong  bagay, ikaw po ay pinapayuhan na ingatan at pahalagahan mo ang bawat kikitain mo.

Dahil ang asawa mo ay nasa 11 , mahirap siyang  maunawaan  kaya sikapin mong  magkaroon ka ng malawak na pang-unawa ng sa ganoon ay mabuhay kayo sa  kaligayahan at magandang samahan.

 

Sayo Jessa Calbadores Peña ,

Ang kombinasyon ng araw ng iyong pagsilang ay tinatawag na  doble suwerte. Ibig sabihin, suwerte ka at suwerte rin ang iyong asawa dahil dito kaya ay biglang susuwertehin ay paghihinalaan kayo na kayo ay nanalo sa lotto. Totoo kaya ang hinala ng mga tao? Ito ay magkakatooo.

 

SHARE
Previous articleGustong iwanan ang career dahil sa pamilya
Next articleICC sa Pinas
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here