Pahula 148: Basahin ang gabay ng kapalaran

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

igyang daan natin sa ngayon ang Pahula 148

 

Saiyo Lani Diaz,

          September 26, 1973: Makikitang may malaking impluwensya sa buhay mo si  Saturno. Siya ang kinikilalang “The Father Time.”

Dahil dito, ang lahat ng aktibidad ng tao na iniuugnay sa panahon ay dapat mong isabuhay, dahil ito ang iyong Sekreto ng Kapalaran.

Ang mga ito ay ang dapat ay maging mapaghintay ka,  huwag kang mainipin. Dapat din ay mahaba ang iyong pasensya. Matiyagain, hindi sumusuko,  hindi umaatras at patuloy na nakikibaka sa mga hamon ng iyong kapalaran.

Muli, ,ito ang Sekreto ng iyong Kapalaran, iyong isabuhay.

 

Sayo Mary Almonte,

February 13, 1968. Taglay mo ang kakayahang pagandahin ang anumang bagay at kahit ka maganda na ay kaya mo pang lalong  pagandahin. Ito rin ay nagsasabing  ang mga walang kwentang bagay ay pwede mong bigyan ng kabuluhan . At ang mga luma na ay pwede mo ring bigyang ng bagong ganda.

Ang kakayahang mong ito ay mapapakinabangan mo lalo na sa kung paano  uunlad ang iyong buhay na sa huli ay  magiging  mayaman ka.

 

Sayo Monina,

          March 19, 1996.  Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil  sisikat ka at hahangaan ka pero  konting effort lang ang magmumula sa’yo. Kumbaga, hindi tulad ng marami na sumisikat  at hinahangaan  pero  sobrang pinaghihirapan nila kung paano sila sisikat at paano sila hahangaan.

Kaya nga makikitang ikaw ay napabilang sa iilan na likas na masuwerte. Pero pakaingat ka at kung pwede ay huwag kang basta-basta magtiwala dahil  ito rin ay nagsasabing  napakaraming  maiinggit sa’yo.

Magkaganunman, huwag kang mabahala dahil silang lahat na may masamang  motibo sa’yo ay babatukan ng kanilang kapalaran. Sa halip na ikaw ay malasin ay sila ang aani ng masaklap na mga kamalasan sa buhay.

Sila naman na mga tapat sa’yo na mga tunay mong kaibigan  ay makakabahagi sa mga suwerte mo,kumbaga, sila rin ay magiging masuwerte sa mga pangarap nila sa kanilang buhay.

 

Narito ang ilang Gabay ng Kapalaran para sayo:

Huwag mong kakaligtaan na  magpasalamat ka sa iyong kinikilalang Diyos dahil Siya mismo ang  pinagkakautangan mo ng loob  dahil nilikha ka niya na isang masuwerteng tao.

Huwag mo rin kakalimutan na  sa bawat  kaarawan mo ay mag-celebrate ka , kumbaga, magsaya ka at  siyempre, papasayahin mo rin ang mga malalapit sa’yo. Bukod sa  pasayahin mo rin ang ibang tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kahit munting mga gifts o tulong.

Higit sa lahat, ipinapayo rin na paminsan-minsan ay gawin mo ang “pag-iisa”  na ang ibig sabihin,  magtakda ka ng  araw na kung saan ay  wala kang kasama, ikaw lang na mag-isa . Kailangan gawin mo ito dahil sa “Pag-iisa” ikaw ay may kasama at ang kasama mo ay ang iyong mismong Diyos.

Ang tawag sa araw na ito ay  “Araw na kung kailan ay kasama mo ang Diyos.”

Good Luck and God Bless.

Salamat sa pagbasa sa Pahula 148.

SHARE
Previous articleLalaki, nabulag sa pagkain ng hilaw na karne
Next articlePamahiin Balat
Avatar
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here