Pahula 147: Tuklasin ang paraan para makaiwas sa tukso

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 147

 

Sa’yo  Nova Lumibao,

        November 11, 1966. Masyadong malakas ang iyong personalidad  kaya mapapansin mo ang mga nakakabangga mo ay ang mga may malakas din persomalidad na mga may sinasabi, kaya lang tinitiyak ng iyong kapalaran na sila ay talo mo.

Dahil dito ang kabilin-bilinan ng iyong kapalaran ay okey lang na may nakakabangga ka pero ang kailangan ay hindi manatili sa’yo ang galit.

Kapag nagawa mo, sinasabi rin ng iyong kapalaran ang  mapupunta sa’yo ang ilang suwerte nila , as in, mababawasan ang kanilang magagandang kapalaran at malilipat sa’yo.

Kailangang mapagpatawad ka rin dahil kapag  hindi mo pinatawad ang iyong makakaaway sila ay makakaranas ng kamalasan at  dadapuan ng mga karamdaman na maaaring hindi mapagaling ng mga doktor.

Kapag naman, natutong magpatawad, aagos sa buhay mo ang magagandang kapalaran na para lang sa mga taong minamahal ng langit na kung kailan ay hindi sila nauubusan ng mga biyaya at pagpapala.

 

Sa’yo Wilbert ,

March 16,1992Ang mga suwerte mo ay nabase sa “laki at liit ng tubig sa dagat”. Kaya pag-aralan mo ang kung kailan ang laki at liit ng tubig sa dagat.

Ipinapayo na gumawa ka ng sarili mong kalendaryo na  lalagyan mo ng “suwerte, pangkaraniwan lang at hindi suwerte ang bawat araw, depende sa nasabing laki at liit ng tubig.”

Kaya kapag nakaranas ka ng pagdating ng suwerte sa isang araw, lalagyan mo ng “suwerte” kapag pangkaraniwan lang ang araw, lalagyan mo naman ng “pagkaraniwan” at kapag parang hindi maganda ang isang araw, ang ilalagay mo naman ay “hindi masuwerte”.

Marami na ang nakinabang sa ganitong  paraan. Ang iba’y nanalo sa sugal at iba’y hindi nabigo sa kanilang hinangad at ang iba pa, nakaiwas sa kamalasan.

 

Sa’yo Jon-Jon,

August  13, 1989. Ang iyong soulmate ay nasa zodiac sign na Aquarius. Siya ang panggagalingan ng tunay na kaligayahang iyong pinakahahangad-hangad. Ikaw at siya, kapag naging kayo na ay tiyak na tiyak mabubuhay sa kasaganaan.

May kanya-kanyang soulmate ang bawat tao pero  minsan, mahirap na matagpuan ang soulmate, minsan pa nga ay huli na,as in, sa maling panahon dumating ang soulmate. Ito ay maaaring mangyayari sa’yo dahil ayon sa petsa ng iyong kaarawan ay mahina ka,  lalo nasa tukso.

At dahil mahina ka sa tukso , pwedeng-pwedeng magkaroon ka ng multiple relationships na kung kailan ay  sabay-sabay na ikaw ay may karelasyon.

Para makaiwas ka, itutok mo ang sarili mo sa gawaing pangkabanalan, pero hindi naman nangangahulugan na magpapari ka o papasok sa seminaryo. Dahil ang gawang kabanalan ay hindi ang  pagiging relihiyoso ng isang tao , kundi ito ay ang  masidling pasunod sa mga  kung ano ang mabuti.

Ang mabuti ay hindi ang kung ano ang tama , dahil ang kabutihan ay nagmumula sa heart at ang tama o kung ano ang tama ay nagmumula sa mind.

Sana ay makuha mo ang mga mensahe sa kasagutan ito sa request mo ng hindi ka maligaw sa buhay mo. Good Luck and  God Bless.

 

Salamat sa pagbasa sa Pahula 147.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleKapangyarihan Agosto 22: Ang 5 Kakaibang Pinoy Urban Legends
Next articleChinese Horoscope Agosto 23
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here